Nakakatuwa, buhay pa pala tong blog ko. It's been one and a half year na di ko to nabisita.
Oh cia.. cia.. cia.. kinarir ko na talaga yung bago kong buhay. I've been busy with work and Celyn. As in iba na talaga ngayon. Before, nung kay mama pa ko nagwo-work kaya kong bumabad sa pc ng hindi tumatayo. Since nagka-shop ako eh di na puede yon. Siguro kaya nag-less yung chats and blogs ko kasi kahit simple lang yung ginagawa dito, hindi naman puede na nakatutok lang ako sa pc. Ah.. hindi pala less kundi nawala na. I don't chat anymore unless it's very very important and most of the time, si Ate Thess or si Nelz lang ang kinakausap ko. No.. hindi ako snob, wala lang ako kasing masabi kaya hindi nag-e-effort and since nakakapag-update naman yung mga close friends ko sa facebook kaya ok na sa akin yon.
The reason why I'm here is because of Celyn. Lately, napupuna ko na para bang makakalimutin na ko. Gusto ko kasing maging very detailed yung memories ko sa kanya hanggang sa paglaki nya. Sayang, sobrang busy kasi ako for the past 2 years kaya hindi ko na na-i-blog.
The last 3 years of my life had been so complicated, I'm always worried, paranoid, super nega ang outlook ko sa future namin ni Celyn. Maipo-post ko din siguro dito little by little yung mga dinaanan naming trials ni Chris.
Yesterday, nagpa-stay si Celyn sa house ni Mommy. Nung binalikan ko siya, umiinom siya ng yakult tapos may bitbit pa na yakult sa kabilang kamay.
Sabi ng mother ko, tingnan mo tong anak mo ha..
"Celyn, kiss mo ko sa noo"
nagkiss naman siya
"Kiss mo ko sa pisngi"
"Kiss mo ko sa kabila"
"Kiss mo ko sa lips!"
kiss naman siya ng kiss,
"eh Kiss mo ko sa kili-kili!"
tumahimik si tabachingching.. sumimangot tapos bumubulong-bulong.
I asked her.. "Sige na anak.. may chocolate si mommy.."
as in no pa din, nakasimangot tapos sabi nya na bumubulong pa din.. "abaho.. baho aman" (mabaho.. baho naman)
Wala na. Tawa na lang kami ng tawa sa kanya. Para ba kong naluluha sa moment na yon. Napaka-arte na nya for 2 years old.
2 months ago, sinama ko sa palengke si Celyn. Nung dumating na kami sa wet market, nagulat kami ng yaya nya kasi sumuka siya. Ang sama-sama ng mukha nya.. Yung yaya sabi nababahuan daw si Celyn kaya nagsuka. Ever since nangyari yon, ganyan na siya kaarte na every time na makaamoy siya ng hindi maganda eh nasusuka siya.
Naiisip ko, hindi naman ako ganyan kaarte nung bata ako dahil lumaki naman ako sa palengke, may pwesto pa kasi kami doon dati pero sa dry goods naman. Kwento pa nga ni mama eh para kong prinsesa ng palengke kasi iniikot nya ko don palagi pag hapon with matching new dress.. new shoes.. Naaalala ko pa din naman yon pero ang unforgettable for me is yung 5 years old na ko eh pinarada ako ng erpats ko sa palengke na naka 2 piece. Ewan ko.. at that age parang nakaramdam ako ng hiya... Yeah, it's one of my childhood embarrassment. hehehe!
Mental Blot
Jul 28, 2010
Mar 15, 2008
Ala lang
Hehehe! katulad ng title.. Ala lang talaga.
Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko bat ako napunta dito sa blog kasi madami pa akong gagawin. Ilang pc pa ang irereformat ko kasi navirus yung anti-virus ko. Madami kasing iresponsableng customer na nag-rerent dito na hindi magawang mag-sabi man lang na maglalagay sila ng usb. Yan tuloy.. sangkatutak na virus ang inabot ng mga pc ko. Since bakasyon na din naman, magsisimula na kong mag-reformat later.
Birthday ko yesterday. Contented naman ako, kumpleto ang pamilya ko. Nagluto na lang ako ng pansit and sweet and sour na breaded pork, in short.. pacham. Actually, di ko alam yung tawag don basta nasa isip ko lang yung itsura and lasa nya. Buti naman edible yung handa ko. :D
Binabasa ko yung mga posts ko dito around 2004. Grabe pala pagkaloka-loka ko noh.. Para tuloy akong nagkakaron ng identity crisis ngayon. Parang hindi ko na kilala yung sarili ko 4 yrs ago. I don't know what happen but since I get pregnant at lumabas si Celyn parang nag-iba yung outlook ko sa buhay. Life changing si Celyn. Dati pag nade-depress ako, sinehan ang katapat ko pero ngayon iba na. Actually, matagal na kong di nakakapanood ng sine. Para bang ayokong lumabas, mas gusto kong kasama yung mga anak ko kesa umalis or mag lakwatsa. Nag-mature na din siguro ako.

Subscribe to:
Posts (Atom)