Mar 15, 2008

Ala lang

Hehehe! katulad ng title.. Ala lang talaga.

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko bat ako napunta dito sa blog kasi madami pa akong gagawin. Ilang pc pa ang irereformat ko kasi navirus yung anti-virus ko. Madami kasing iresponsableng customer na nag-rerent dito na hindi magawang mag-sabi man lang na maglalagay sila ng usb. Yan tuloy.. sangkatutak na virus ang inabot ng mga pc ko. Since bakasyon na din naman, magsisimula na kong mag-reformat later.

Birthday ko yesterday. Contented naman ako, kumpleto ang pamilya ko. Nagluto na lang ako ng pansit and sweet and sour na breaded pork, in short.. pacham. Actually, di ko alam yung tawag don basta nasa isip ko lang yung itsura and lasa nya. Buti naman edible yung handa ko. :D

Binabasa ko yung mga posts ko dito around 2004. Grabe pala pagkaloka-loka ko noh.. Para tuloy akong nagkakaron ng identity crisis ngayon. Parang hindi ko na kilala yung sarili ko 4 yrs ago. I don't know what happen but since I get pregnant at lumabas si Celyn parang nag-iba yung outlook ko sa buhay. Life changing si Celyn. Dati pag nade-depress ako, sinehan ang katapat ko pero ngayon iba na. Actually, matagal na kong di nakakapanood ng sine. Para bang ayokong lumabas, mas gusto kong kasama yung mga anak ko kesa umalis or mag lakwatsa. Nag-mature na din siguro ako.

Jan 6, 2008

My baby Celyn

I gave birth two days after I posted here. It's been 2 months and 2 weeks after that and I still can't believed that I am a mother now. AS IN REAL and REEL Mom.

We named her Marielle Celyn.
5.8 lbs (she's small, I call her "bonsai" the first time I saw her in the nursery room)



Photobucket


My sister calls my daughter a "Miracle Child". According to her, it was too impossible for me to have one and for some medical reasons.. I believe her. It is frustrating but now the long wait is over.

Well.. I've waited for her for too long. Now that I have her, I will do anything to give her a good life, a good education, and everything that I can afford to give her. (Haaay.... I will do everything for you darling.)

I want her to call me Mama Anne when she grew up. Just like what my nephew and nieces used to call me. Hah! I can't wait for that day. :)

Oct 22, 2007

Padating na siya :)

Nagpacheck up ako 2 weeks ago, sabi ng ob-gyne ko.. puede na daw akong manganak pag nag 37 weeks. Parang napressure ako, actually kaming dalawa ni Chris eh medyo kinabahan. Syempre, andon yung thought na "ready na ba kami financially"? Medyo madami kasi kaming gastos lately, sumasabay pa na kelangan naming magpalit ng motherboard and mga ibang piyesa sa mga pc. Since may nagbukas na computer shop 3 house away dito sa min last June, medyo naapektuhan ang benta ng shop. Minsan naiisip ko, wala talagang perfect na sitwasyon/bagay/tao sa mundong ito. Kung kelan umayos na yung lovelife ko at nakapag-asawa na, saka dumating tong crisis ko financially. Actually, di naman siya crisis.. napepressure lang siguro ako sa panganganak ko and sa savings namin mag-asawa, napre-pressure kami sa gastos sa hospital. Yon na lang ang problema namin kasi halos kumpleto na din naman si baby sa mga gamit, from crib to cotton buds eh meron na siya. Siguro may kulang pero hindi naman siguro ganon ka-big deal na mahihirapan kaming bilhin paglabas nya.

Hay.. nakakapressure talaga. Nae-excite na kami sa paglabas nya. Sana healthy siya, walang sakit or kung ano pa mang negative na bagay.

Jun 30, 2007

Si Ultimate Warrior...

Last wednesday, I was watching 2nd Avenue and saw Paris Hilton was released from the prison. I thought.. "Ok tong channel na to ah, updated." After a few commercials, nagulat ako sa balita, Chris Benoit's double murder and suicide. I never expected na ganon pala siya. That day, nag research ako kung bakit nya pinatay yung anak and asawa nya pero siyempre hangga't di lumalabas yung investigation.. di natin puedeng sabihin na roid rage nga yon.

Last night, masyado akong naintriga talaga sa pagkamatay ni Benoit so napunta ko sa wwe.com and napanood ko yung interview kay Mr. McMahon. Nabanggit yung mga sikat na wrestrels na namatay na including Owen Hart (heart attack), Mr. Perfect (drug abuse), and Eddie Guerrero (heart failure). Kanina ko lang nabasa, bestfriend pala si Eddie and Chris. Na-puzzle lang ako, parang mali ata yung research nung interviewer na heart attack ang ikinamatay ni Owen Hart. So, nag research ulit ako at humantong sa youtube (yes.. ganon ako ka-die hard sa wrestling). I was in college in 1996 kaya di ko napanood yung pagkamatay nya and pay per view yon kaya imposible talaga. I watch this video, and I believe na walang mabubuhay kung malaglag ka ng ganon kataas tapos sasabit pa yung upper ribs mo at bumagsak na yon pa din ang nauna. By accident ang death nya at hindi heart attack due to steroid.



Napag isip-isip ko, bakit hindi kasali si Ultimate Warrior sa mga binanggit nyang namatay? So.. research ulit ako sa youtube. Omg! buhay pa pala ang idol ko!! Alam mo yung feeling na after 17 years makikita mo yung ina-idolized mo. Grabe, parang feeling ko kagabi eh nasa early teens pa din ako. And then nabasa ko sa wikipedia na buhay pa nga talaga siya. Kala namin dati ng mga kapatid ko na namatay siya nung binuhat nya si Andre D Giant. Sabi ng kakilala namin, sumabog daw yung veins nya sa balikat kasi laging nakatali yon ng mahigpit. Almost 3 yrs pa lang siyang sikat non sa wrestling tapos namatay agad siya kaya nalungkot kaming magkakapatid. Pero siyempre, di pa din nawala yung pagiging wrestling fanatic namin nung mga bata pa kami.

Ang sarap balikan yung memories nung bata pa kami, 2 boys and 2 girls parang tag team partners. Kami ni Aris ang Legion of Doom then later on naging The Rockers and sila Tin and Garry yung mga Bushwackers. Dumating pa sa point na nagkasira-sira yung mga kama and sofa namin kaka-wrestling. Pag nanonood kami ng wrestling, pag narinig na namin yung entrance song ni Ultimate Warrior.. Ay grabe.. kakaibang bugbugan ang nangyayari but since super bata pa si Tin kaya hindi namin siya binubugbog, kulelat palagi si Aris sa min ni Garry. Nakakatuwang mag reminisce.

Nabasa ko nga yung naging buhay ni Ultimate Warrior sa wikipedia, siyempre nakaka-disappoint. Ganon pala yung nangyari kaya nawala siya sa wrestling. Tapos may napanood din ako sa youtube na interview na medyo panira sa kanya. Natatawa na lang ako. Para kasing walang pagbabago yung pagtingin ko sa kanya. Parang ayaw ko baguhin, tama na yung pagkakakilala ko sa kanya sa wrestling nung bata pa ko. Yung magaling na wrestler, na tinalo si Hulk Hogan, Undertaker, Earthquake, atbp. Basta, for me.. siya pa din ang the best.. kaya nga Ultimate Warrior ang tawag sa kanya eh. hehehe!! basta.. Ultimate siya para sa min.

Ultimate Warrior's TV Debut



Ultimate Warrior with Legion of Doom vs Demolition man

Jun 23, 2007

Ka-Suengitan

Hindi lang sungit.. kundi Mrs. Aburido pa.
Siguro, eto na ang senyales ng paglilihi ko.

I'm on my 18th week of being pregnant.

Tapos na ko sa paglilihi sa mga pagkain (SANA). Ay naku, thank you Lord kasi eto na ata ang pinakamahirap na dinanas ko sa pagbubuntis ko. Before, ayaw ko itolerate ang sarili ko sa mga pagkain na gusto kong kainin. Naiisip ko, kaartehan lang ang paglilihi pero totoo pala. Nagstart ako ng kakaibang cravings sa santol. Hindi ko pinapansin talaga until nagsusuka na ko everyday, siguro nag-last siya for 4 days bago nakahanap si Chris ng santol (hindi pa kasi nya season non). After a week, naisip ko naman na parang gusto ko ng hot choco sa Jollibee kaso hindi ko maabutan palagi. Ganon din yung nangyari kasi matagal bago ko nakatikim ng hot choco. Kaya pag may gusto akong kainin ngayon, tinatry namin na masunod na at sobrang hirap pag di nasusunod.

Kasabay ng lihi sa pagkain ko yung sungit and aburido feeling. May mga tao ako na ayaw makita, yung para bang gusto kong sibakin yung leeg para di ko makita yung pagmumukha nya. Kawawa nga si Arielle kasi napaglihian ko din.. Until now meron pa din pero di na katulad ng dati na laging may kagat or kurot sa kin pag nakikita ko siya. Kawawa naman ang bata.

Actually, madami akong problemang hinarap on my first trimester. Primarily, dito sa shop kasi nagkasamaan pa kami ng loob ng technician ko. Hindi ko matanggap yung sinasabi nila na napapaglihian ko siya kasi unang-una, hindi naman ako naaasar pag nakikita ko siya dati until on the last few days na nakakasama ko siya dito sa shop. Feeling ko kasi parang walang nangyayari sa mga pinag-uusapan namin. Every night andito siya, naglalaro.. tumatambay hanggang madaling araw. Para sa kin eh ok lang yon. Last April and May, hindi ako masyadong makatagal dito sa shop kasi nahihilo ako sa amoy ng mga customers ko.. Let us say na medyo naging maselan talaga ang first trimerter ko. Si Ian kasi, hindi lang technician ang tingin ko sa kanya. Parang bestfriend and kapamilya na din ang trato ko sa kanya. Lagi kong sinasabi sa kanya everytime na nandito siya na tulungan nya muna ko sa pagsusupervise nung mga pc kasi nahihirapan ako sa paglilihi ko. Akala ko nagkakaintindihan kami. Nagsasabi naman siya sa kin na may mga problema yung mga pc like virus, lan connection, and replacement of hub. Bothered ako sa virus problem kaya sinabihan ko siya na tingnan nya kung magagawan pa ng paraan yung mga pc, chinecheck na daw nya kung may virus yung mga pc. The following day, I asked him kung anong result nung pc, di daw nya ma-track yung virus. So, I gave him more time kung kaya nga gawan ng paraan yung pc. The following daw again, wala akong makitang result sa pinapagawa ko sa kanya kaya nag-decide ako na ipa-reformat na lang yung pc. I can reformat the pc by myself pero inutos ko pa din sa kanya kasi hindi ako makatagal dito sa shop. Nag-reformat nga siya, he started around 2am and natapos siya ng 1pm! Syempre, parang nakakapagtaka na bakit naman ganon katagal yung reformat nya kasi ako pag nagrereformat, halos 2 hrs lang.. Nainstall ko na yung anti virus, video card, and mother board non. Parang magkahalong inis and awa na di ko maintindihan, ginamit pala nya yung original nya na OS. So, puro update daw ang nangyari kasi walang service pack 2 yung cd nya. Napaka-ingrata ko naman kung di ko iaapreciate yung ginawa nya pero sa lahat kasi ng ayaw ko eh yung ganon katagal ang trabaho nya. Unang-una, sayang ang oras nya at yung kuryente na nasasayang. I didn't ask him na yung orig OS ang gamitin nya because in the first place, it's not mine. Marunong naman ako mahiya. Tapos what makes it even more irritating, nag install na naman siya ng mga hindi naman talaga actually kelangan na program and nagpapa-lag sa mga games. I already told him before na wag na ilagay yon kasi hindi siya kasundo ng mga pc ko. Hindi pa din nya ko pinakinggan. If I'm not pregnant, I would be more considerate... siguro... pero parang napipika na ako. Regarding sa hub replacement, inamin ko naman sa kanya na short ako sa cash kasi nagpapagawa ako ng bahay. Kung matuluyan na masira ang hub, siguro don ko na lang siya papalitan.

Pagpasok na pagpasok ng June, medyo umayos na ang pakiramdam ko. Nakakatagal na ko dito sa shop kaya hinarap ko na yung mga problema ng mga pc. I didn't expect na ganon na pala kalala kasi nung nagreformat ako that night, the following day eh nag outbreak na yung virus sa ibang pc. Nagtext ako sa kanya kung ano nangyari don sa nireformat ko that night kasi tinamaan din agad ng virus. Pag boot nya sa windows, lumalabas yung user account tapos nagre-restart agad siya pag enter. Medyo di na maganda yung tono ng reply nya atsaka feeling ko sinisisi nya ko kung bakit lumala yung mga virus ng mga pc na kung tutuusin eh yung mga orig ang OS na gawa nya ang unang tinamaan ng virus. In the first place, hindi ko ugali ang manisi pa. Ayoko na dagdagan pa yung problema ko kasi 11 pc to na irereformat kaya kung puede sana eh magtulungan na lang SANA kami para maayos agad. Pero parang tinamaan na ko ng pride ko. Nanghiram na lang ako sa kanya ng mga installer ng ibang mga games kasi ang plano ko, I'll do the reformat by myself. Parang andon na yung pagtatampo ko na bakit parang nangsisisi siya to think na I always tell him every night na tulungan nya ko kasi nahihirapan ako sa paglilihi ko. So, nag reformat na nga lang ako, dumating naman siya dito sa shop that night pero di na ko humingi ng tulong sa kanya pero tinulungan naman nya kami around midnight nung nagco-copy na kami ng mga hard disk, siya na naglalagay nung mga hard disk sa mga pc. Siyempre, pagod na ko, sumasakit na ang tiyan ko, humihingi na ng tulog yung anak ko.. sino ba naman ang hindi iinit ang ulo pag may hard disk na ayaw makisama pagkatapos siya ma-copy. Inabot kami ng 8am pag aayos ng 6 na pc... at may 5 pang natitira na dapat ireformat pa! Ang malas pa, sumabay na sa pagkasira yung hub. So, napilitan ako na bumili ng bago. Buti na lang malapit lang ang SM sa min. By afternoon, na virus ulit yung isang pc na bagong reformat. Binalitaan ko pa din siya sa nangyari kasi ayokong magtanim ng galit sa kanya eh pero paninisi na ang natanggap ko sa kanya, so tama nga ang hinala ko na don hahantong ang lahat. Sinisi nya ko sa paglala ng mga virus, sa hub na wala akong pang replace agad, sa mga pc na nireformat na na-virus din, at sinisisi nya ko sa pagiging masungit at mainitin ang ulo.

Sa totoo lang, sobrang sama ng loob ko sa kanya. Umpisang-umpisa pa lang ng paglilihi ko, kinakausap ko na siya na siya na ang bahala muna sa shop pero puro laro ang ginagawa nya. Sinabi ko naman ang rason kung bakit hindi ko mapalitan agad ang hub kasi short ako sa pera pero napalitan din naman agad siya on that moment na nag breakdown na yung hub. Kung tutuusin dapat hindi dumating sa point na nagka-virus ang mga pc kasi andito naman siya gabi-gabi. Bakit hindi nya napapansin? Bakit hindi nya gawan ng paraan?

Siguro kung yung gf nya eh magbubuntis at magsusungit.. malamang iiwan din nya sa ere kasi hindi nya kayang intindihin ang pagbubuntis ng babae. Inaamin ko masungit ako.. pero hindi ako magsusungit kung walang dahilan. Nagbabayad ako ng bill sa kuryente, bill sa telepono, sweldo ng 2 assistant, job service ng technician, at pinapalitan yung mga piyesa ng mga pc na nasisira.. Sino ang hindi maiirita at magsusungit kung dadating ka dito sa shop na libre na nga siyang maglaro tapos makikita mo pa na pina-pilot ng ibang bata yung acct nya at libreng nagrereformat pa siya ng ng pc ng iba. Grabeng kabaitan ko naman yon kung papalagpasin ko lang.

Actually, dapat di ko na isasama to sa mga post ko pero sa sobrang sama ng loob ko sa kanya.. hindi ko mapigil na ilabas. Ang sakit ng mga sinabi nya sa kin sa text.. hindi man lang ako lumaban, pinagbigyan ko sya sa mga sinabi nya kasi kino-consider ko yung pinagsamahan namin pero narealize ko na dapat hindi ako pumayag na mapagsabihan ng ganon. Parang ang sakit-sakit lang isipin... parang ang hirap lang tanggapin. Hindi ko ineexpect na sa kanya ko pa maririnig yon.