Mar 19, 2005

Gisingin Mo Ko

March 14, 2005

Maayos ko naman naicelebrate yung bday ko.
Dumating ang mga friends ko, pati si Bullit and Chris.
I was hesitant to invite Bullit coz in the 1st place, nakaset na pupunta talaga si Chris. Habang namimili kami ng sister ko ng lulutuin for that day, tinanong nya ko kung ininvite ko na si Bullit... sabi ko hindi pa atsaka dadating kasi si Chris, basta na-greet na din naman ako ni Bullit sa fon nung morning. She suggested na iinvite ko din with matching reason na may kanya-kanya na nga din kaming buhay, for good times sake, and bday ko naman.
Oh well, OK naman yung outcome. :)

March 17

I was about to go to Chris' shop pero nandito si Ian (my technician) kaya naglaro na lang ako ng gb until Bullit called on me.. I invited him na kumain ng siopao. Pumunta ko sa kanila tapos diretso kami ng Makati.. while on our way to Makati, naka-amoy kami ng bulaklak ng patay.. Ewan ko, pero di ako natakot. Sabi ko sa kanya na ganyan yung mga bulaklak na naaamoy ko non sa Baguio tapos hinuhulaan pa namin kung anong klaseng bulaklak yon. I went home around 3 am, dadaan pa sana ko kila Chris kaso tinamaan na ko ng antok.

March 18

The following day, gumising ako ng maaga kasi ipapaayos ko yung scanner sa Gilmore with Bullit. May plano pa nga kami na magco-commute lang. Ipapark ko yung sasakyan ko sa bahay nila tapos sasakay na kami ng jeep and mrt papuntang Gilmore kaso umulan.... at matraffic. 2pm na ala pa din kami sa Gilmore kaya nagdecide na lang ako na bukas na lang namin ipaayos yung scanner. Dumiretso kami sa Megamall. Nanood kami ng sine. Masaya naman.

Mind you guys.. di kami nagkabalikan, at di rin ako umaasa na magkabalikan kami. Di ko maexplain eh.. Ok kasing kasama si Bullit, masarap siyang maging kaibigan.

After ng movie, around 5 pm ata.. Nagstroll stroll kami... nagtingin-tingin sa music store hanggang nag-ring ang fon ko. It was a call from Chris. Napalakas pa ata ang boses ko sa bad news.. Nalimas lahat ng pc nya sa shop. Ninakaw lahat ng system unit nya nung madaling araw. Para kong nanlumo... naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Napakapit ako kay Bullit pagkababa ng celfone. Buti malapit lang ang Megamall sa shop nya kaya nagdecide ako na puntahan namin siya don. Pagdating namin sa shop nya, medyo madumi.. Nandon pa yung mga monitor, kakatapos lang daw ng investigation. Wala daw nakuhang finger prints, pero ang sabi ni Chris.. parang minadali lang yung investigation. Kinuhaan lang daw ng picture, nilagyan lang ng powder na itim yung mga mesa pero di kinuha yung mga finger prints... tapos konting kwento-kwento.. Tapos na. Goodbye 13 pcs na system unit.

Ganto na ba talaga kabulok ang sistema ng imbestigasyon sa Pilipinas?

Nanlulumo man, inayos na namin yung monitors at naiwang mga gamit sa pc tapos dinala namin don sa bahay ng lola ni Chris. Nag-aasaran na lang kami.. pilit tinatakpan yung lungkot sa nangyari. Hiniram ni Chris yung sasakyan ko, paghatid ng 1st batch ng mga monitor habang on the way daw sila, nakaamoy sila ng bulaklak. Naiwan kami sa shop para bantayan yung mga monitors na natira tapos sumama na lang kami sa bahay ng lola nya nung nadala na namin lahat ng gamit sa shop. Pagdating namin don sa labas ng bahay ng lola nya, naamoy na naman namin ni Bullit yung bulaklak na naamoy namin nung madaling araw. Biglang pumasok sa isip ko yung asawa ng Lola ni Chris na namatay lang last month. Oh my God... May premonition na pala ko nung gabi pa lang. Nagtataasan ang mga balahibo namin habang pinagkukwentuhan yon. Eto na naman ako, sinisisi ko yung sarili ko.. Sana dumaan pala kami ni Bullit sa shop ni Chris kasi siguro puedeng magtagal kami don. 2 am na kasi nagsara si Chris, sakto sa oras ng pagdaan ko kay Bullit sa bahay nila. Kung alam ko lang sana. Nakakapagtaka lang, parang bulag ata lahat ng tao habang ninanakawan yung shop nila Chris kasi wala ni isang nakakita.. Kahit yung mga pulis na nasa kanto lang, para di napansin na nililimas na yung mga pc sa shop ng dis oras ng madaling araw.

Niyaya ko si Chris na mag-stay na lang muna sila sa shop ko para mag unwind.. Magkaron ng karamay..

Nakita ko kaming tatlo nila Bullit and Chris.. Para kaming nag-unite dahil don.. Kinalimutan lahat ng nakaraan.. Naging isa dahil sa isang masamang pangyayari.

Sana panaginip lang to. Nalulungkot pa din ako pag naiisip ko na wala ng source of income ang kaibigan ko.

Kinausap ko si Mama kanina, kung may tulong pa kaming puedeng maibigay kay Chris. Sigurado daw siya na sindikato ang bumiktima kila Chris. Di lang naman kasi kay Chris nangyari to.. Madami ding mga shop ang nagsasara dahil ninanakaw ang mga pc nila. Buti sana kung isa lang.. ang masaklap eh isang bagsak lang ang nakawan.. parang isang umaga pagbukas mo ng shop.. Wala na pala lahat ng pc mo. Nakakatakot isipin..

Dapat talaga ready ka sa lahat ng oras kasi sa bansang ito...
Wala kang ibang aasahan kundi ang sarili mo.

Mar 13, 2005

Back from Heaven

Quote from the oldies..

"Singko na lang ang pamasahe, malapit na tayo sa langit"

Yan ang Baguio... 3 nights ago, bigla kong inaya ni Mama papuntang Baguio. Graduation daw kasi ng cousin ko sa PMA, although di naman kami ganon ka-close.. sumama pa din ako. Of course, miss ko na ang bakasyon. Actually, nagpaplan na talaga kong magbakasyon a week before that. Timing lang talaga tong okasyon na to.
The following morning, we proceed to the place I've been longing to live for the rest of my life.

It's my 2nd time there.. as in no regrets ako because I love the place (except for the ghosts.. ahihihi) and the people who lives there. Ewan ko ba kung anong pang-hatak sa kin ng Baguio. We arrived 2 in the afternoon, we first proceed at PMA. Wow.. ang laki pala non. Wala nga lang akong nakitang fafi.. on duty ata lahat.

Around 4pm, nasa Teacher's Camp na kami. Nandon kasi yung uncle ko, konting pahinga... nangati ang paa.. na-miss ang gunbound.. naisip ko.. Kelangan kong pumunta sa Session Road! From TC to SR, wow!! palakpak ang wallet ko, 37.00 lang ang fare ko sa taxi. Yahooo! Pero sana.. sa Manila ganito din. Walang reklamo ang mga taxi drivers at di namimili ng pasahero... at ang bonus pa don, KAHIT .50 cents LANG ANG SUKLI MO, IBIBIGAY NILA YON!!! Sana ma-apply ang gantong sistema sa buong Pilipinas.

At Session Road...

"Rain drops keep falling on my heads..
And just like the guy whose feet are too big for his bed
Nothin' seems to fit
Those raindrops are falling on my head, they keep falling ......

Raindrops keep falling on my head
But that doesn't mean my eyes will soon be turnin' red
Crying's not for me
Cause I'm never gonna stop the rain by complainin'
Because I'm free
Nothing's worrying me"

Have u heard this song at Spiderman 2? Naramdaman nyo ba yung feeling ng freedom just like Peter Parker felt while walking on the street?
Ako.. OO.
I felt the excitement, freedom, and happiness that I've been longing for so long.
Eto yung matagal ko ng gustong gawin.
Pag nasa Baguio ako, nakakalimutan ko ang mundong ginagalawan ko.
Para kong ibang tao na nakapaloob sa katawan ng isang babaeng malungkot
... at disoriented ang utak.

Habang naghahanap ng internet cafe.. tinatandaan ko yung mga lugar na napuntahan ko before. Nakita ko yung Porta Vega/Vaga. Hmmm.. Parang pumunta na ko don dati.. diretso ko sa 2nd floor.. Konting lakad, nakakita na ko ng internet shop. 15 hrs akong di nakapaglaro.. Wow! Excited!!! (ADIK!)
Around 7pm, umuwi na ko.. Nakalimutan ko, inutusan pala kong bumili ng red wine. Hihihi! Hinatid ko lang yung red wine, balik ulit ako sa Session Road with my cousin. Hinahanap ko yung kinakainan namin ng bestfriend ko dati. Late ko ng narealize, sa Magsaysay pala yon. At dahil gabi.. nakuntento na lang ulit ako sa Netopia. Lumipas ulit ang oras.. 11 pm na pala! Hala!! Pagbalik ko ng TC, iniwan na ni mama yung gamit ko. Wag na daw ako sumunod sa Executive's Hills.. susunduin na lang daw ako kinabukasan. Ang pobreng lakwatsera.. ahihihi!! Ok lang.. Enjoy naman.

--------------------------------
Ginising ako ng 5 am to prepare kasi 8:30 daw ang graduation. Brrrrr!! Ang lamig!! Gusto ko pang matulog. Buti na lang nakapag init na sila ng tubig. Isang baldeng pampaligo.. solve na ko. Umuusok ang katawan ko sa lamig. 7:30 nasa PMA na kami, buti kumain ako ng almusal.. 10:30 pala ang start ng ceremony. Pero kahit ganon, wala na kaming maupuan. Nadaanan ko yung mga ibang kamag-anak na manonood ng graduation, nagkakainan na sila sa sasakyan. Galing pa daw ng Tuguegarao.. Cagayan yung iba. Magaan yung feeling. Isipin mo nga naman.. kung puedeng dalhin mo yung buong angkan talagang dadalhin mo... Nakikita ko kung gano ka-proud yung Uncle ko sa anak nya. Mas overwhelmed siya kasi yung bunso nyang anak, 2nd year na this coming sem sa PMA din, at yung sinundan ng bunso... Papasok na din this April. Tatlo sa apat nyang anak na lalaki ba naman. Sana makayanan nung dalawa.

First time kong maka-attend ng graduation don, nakakatuwa palang manood. Di na masyadong binigyan ng attention yung GOAT ngayon.. Sabi nga nila, mas sikat pa ang goat kesa sa honored PMAers. 4 na babae ang pasok sa top 10. Kung titingnan mo, halos parang lalaki na din sila kung kumilos. Pero wow!! Yan ang Women's power! Pero eto pa ang mas bilib ako, mahirap lang talaga yung family ng isa sa kanila na makakareceive ng 2 awards.. Ang trabaho ng father nya eh magbabalot. Sobrang determination. Bow ako don.
After ng ceremony.. Nagtataka ako kasi yung mga graduates eh isa-isang binubuhat ng mga lower class... hinuhubad pa yung mga damit.. tinitira lang yung panloob nila na parang jumper style. Pagbaba namin .. di na namin mahanap yung pinsan ko. Waaaa!!! Nakuha na pala ng mga lower class. Sabi ni Daddy.. ihahagis daw yung mga yon sa pool. Wow!!! Yon ang masasabi kong SWEET REVENGE para sa mga lower class. Hehehe!!

After ng graduation, bumalik kami sa TC. Konting oras na lang ang natitira sa kin kaya pumunta ko ng La Trinidad, Buenget. Mas mura kasi don yung mga pampasalubong and strawberries, 50.00 lang per kilo. Meron pa ngang 35.00. Ayaw ko din pumunta sa Mine's View or kahit saan na madaming tao. Takot akong mahawa ng Meningo. Image hosted by Photobucket.com
Bumalik ulit ako ng SR with my cousin nung afternoon.
Masaya na ulit ako. hehehe! Mas sumaya ako nung makakita ako ng branch nung kinakainan namin sa Magsaysay. Mura yung food.. and sulit ka naman sa sarap :)
Umuwi na ko ng maaga para di na ko maiwan ulit Image hosted by Photobucket.com
"Goodbye Session Road.. I'll be back ASAP"
Ang aking farewell.. Bago ko sumakay ng taxi pauwi..

I slept with my mom at EH.. sa wakas! Ang ganda nung place. Sobrang tahimik.. Parang may mumu!!
Parang mas comfortable ako sa TC. Pero sa doon talaga kami.. kaya no choice. May kasama naman ako sa room eh.
The following morning... Uwian na kami Image hosted by Photobucket.com
Hindi pinakinggan ng Supreme Court ang apela ko na mag-extend. Birthday ko daw kasi kinabukasan. Image hosted by Photobucket.com

Kung may lugar akong gustong balik-balikan.. Yon ang Baguio. Kung mas malakas na ang loob ko.. gusto kong tumira don.. at mag establish ng sarili kong business. Balang araw.. magagawa ko to.

____________________________________

Before Heaven..

The night before I left to Baguio, nafinalize namin ni Maynard na tapusin ang relationship namin. He's sorry kasi akala nya ready na siya for a commitment. I was kindda disappointed how it end.. Friends pa din naman kami. Yon lang, until now.. di ko pa din siya kinakausap. Ayoko din muna talaga.. Gusto kong bigyan ang sarili ko ng space. Ayokong kausapin muna siya hanggang may nararamdaman pa ko sa kanya. Pero tanggap ko na din naman na hanggang don lang. Wala kong magagawa.

Bday ko na pala mamya. Ano kayang mangyayari? Masaya kaya or parang ordinaryong araw lang?
Sana nagmatigas ng ulo na lang ako kanina para nasa Baguio pa din ako.
Hay!!

Mar 9, 2005

Sorry

Last night, nag dinner kami ni Chris sa Makati. Ok naman, although medyo late na talaga kami buti naabutan pa naming bukas yung North Park. Around 1 am, after dinner.. naisip naming mag-coffee sa Starbucks pero parang ala na atang open sa Makati ng ganong oras.. kaya naisip namin na sa Ortigas na lang. May bago palang open don na parang Libis style. May nakita kaming Starbucks na open pa, pag park ni Chris ng kotse.. habang naglalakad, parang may naramdaman akong humulagpos sa right na paa ko. Oh my gulay!! Yung sandals ko, napigtal!! Waaaa!! Buti nasa tapat na kami ng starbucks non, medyo natagalan kami kasi ang gusto nya eh kaming 2 ang mag-oorder ng coffee.. Ang kulit! pano kaya ko makaka-order? Kaladkadin ko kaya yung sandals ko no? Ayon, kakapilit.. nagclose na tuloy ang Starbucks.. Wala na ngang kape, pigtal pa sandals ko! Image hosted by Photobucket.com
Kainis kasi tong si Chris eh.. ang arte. Yan tuloy, nagclose ang starbucks! :p
Ang bagsak namin? Sa Shell select, at sa shop na lang kami nag kape habang naglalaro ako ng gunbound.
Hmmmppp!! Malas! Nag-drive ako pauwi ng naka-apak. Image hosted by Photobucket.com

Nag-away na naman kami ni Cort the other day... last sunday ata. Nasa akin ang mali... napikon ko kasi nagkukunyarian akong nagseselos, binabaan pa ko ng fon. Ayon, mas naasar siguro. Yon naman ang lagi naming pinag-aawayan.. Yung selos ever. Pero parang malala ata to. Ilang araw na kaming di nag-uusap, nitext di siya nagrereply... Mas naramdaman ko kanina yung coldness nung paalis na siya kanina. Walang goodbye, ni good night. Matindi ata ang galit sa kin. Hmmmm.... Lagi na lang ako. Image hosted by Photobucket.com
Pag mas bata ba sa kin, kelangan ba na ako ang umunawa? Di ba dapat give and take?
Naiisip ko lang, kung maghihiwalay kami.. Hmmm... syempre, masasaktan ako di ba? Pero pano kung di naman magwowork out yung relationship? Magkaiba kami ng priorities.. Kung maghihintay ako, baka di na ko puedeng magkaanak non pag ready na siya. Image hosted by Photobucket.com

Pero kung don nga ang bagsak namin..
Mamimiss ko siya. Narealize ko, puede naman yung mahal mo yung isa tao pero di mo siya kasama. Yung hanggang don lang kasi alam mong wala namang patutunguhan...
Salamat na lang dahil sa isang yugto ng buhay ko, nagawa mo kong pasayahin, patawanin, matutunang mahalin ka..
Sana kung maghihiwalay kami, maging magkaibigan pa din kami. Maganda naman yung samahan namin eh. Sana yung magiging relasyon natin eh yung katulad ng naipundar namin ni Chris, na kahit wala na.. nandon pa din ang respeto at pagmamahal sa isa't isa.

Nalulungkot ako.. Pero ganon talaga.
Sa umpisa lang naman masakit yan di ba...

Wow! Malapit na pala ang bday ko.
Ayos tong bday gift na to.

I'm Screwed!
Image hosted by Photobucket.com


Unang Araw
Sugarfree
Sadya ba talagang ganyan
Palakad-lakad kang nakatungo
San patungo?
Ngayong wala ka na
kailangang masanay na muling nag-iisa
San ka na kaya?
Wag mo akong sisihin
Minsan ika'y hanapin
Ito ang unang araw na wala ka na
Nasanay lang sigurong nandyan ka
Di ko rin akalang puedeng kang mawala
Ayan na nga...
Nababato.. nalulungkot
Luha'y napapawi ng singhot
At talungkob ng kumot
Wag mo akong isipin
Minsan ako'y iyakin
Ito ang unang araw na wala ka na..
Ito ang unang araw na wala ka na...
Ito ang unang araw na wala ka na...
Image hosted by Photobucket.com

Mar 6, 2005

Thank You Lord

I don't know how to start this.. but I'm too grateful for this day.
It's my shop's 1st year anniversay.
As I reflect for the whole year through, I can't help but to say "Thank you God".

I'll be cooking baked macaroni at the afternoon,
to celebrate with my loyal customers.
I've already prepared the balloons..
I don't know what am I gonna do later.
How about free games from 5 - 8 pm?
Hmmm...
I'll think about it before I sleep.

Long life and good business for my shop!
Cheers!

Mar 1, 2005

Lovers In MetaMine

A screenshot again...

Parang valentine's day kanina. In 1 night.. may 2 games kaming magkaharap ang mukha..
di sadya ha...
hihihi!!


Kiss me baby..







Sweet!




btw, I changed my nick again to vampy :)