Dec 16, 2005

Antagal ko palang di nakapag-blog. I was so busy at my shop... pati na din sa gb. Sobrang dami na palang nangyari. Christmas is fast approaching and it's hard for me to decide kung kelan ang xmas party dito sa shop. Actually, kanina ko lang nafinalize na sa monday na. May mga give aways na naman akong nabili but then.. I still feel incomplete.


Incomplete sa lahat ng aspect.


December na pala.. Bat parang hindi ko feel na malapit ng mag Christmas.
Sabi ni Jeff.. kelangan ko daw ng retreat. T_T Hala! Ganon na ata ko kalala.
Advise naman ng bestfriend ko, subukan ko daw lumabas.. maglakad lakad. Siguro nga.. sobrang focus na ko dito sa business.

I watch a movie last week, last full show... Tumakas lang ako sa shop. Comedy sya kaso parang di ko na enjoy... 3 lang kami sa loob ng sinehan, mag lovers pa yung naabutan ko. Di naman kaya nainggit ako noh. Sabi nila, lakas trip daw.. Last full show tapos mag isa lang manonood. Hello!!! AS IF I HAVE A CHOICE!!!

Back to the story... Ok naman yung film.. Nakakatawa naman siya. Kaso nung naubos ko na yung popcorn at nahalata ko na tawa ko lang ang naririnig ko, parang nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Inatake ako ng depression. Naisip ko, kung may kasama ako.. baka naenjoy ko yung movie kahit papano. I feel so alone that time so I decided to go home. While walking through the parking lot.. Natulo ang luha ko. I feel empty and unloved. Andami kong naaalala. Mga friends.. ex lovers.. yung mga nasayang na panahon. It all keeps boiling back.. Sobrang lungkot ako. When I call Bryan, a new friend... girl naman ang nakasagot ng fon. I was looking for someone to talk to.. pero ala na eh. So I bear the pain ... at dinaan na lang sa inom yung lungkot na nararamdaman ko. I know it's stupid na uminom ng alak pag may problema but somehow, it lessen my sadness.

About Bullit.. Wala na talaga. Siguro, eto na yung end part ng story namin. Andaming lumalaro sa isip ko. Yung mga sinabi ng mga friends ko before... sobrang sakit naman yung huling comment sa kin. That time na masama yung loob ko, imbis na kalmahin ako.. parang mas sinaksak nya ko ng 10 beses sa dibdib. Minsan naiisip ko lang.. bat kelangan natin mag comment ng mag comment.. di ba puede yung makinig na lang tayo sa problema ng isang kaibigan at kalmahin siya. Minsan kasi di naman yung solusyon ang kelangan mo pag sinabi mo sa isang kaibigan ang problema, kelangan mo lang mailabas yung sama ng loob mo. Ganon lang kasimple. Nakakalungkot lang how a good friendship ended like that. Siguro ganon talaga. Maraming salamat na lang sa kanya. Kahit papano naging parte din siya ng buhay ko kahit sa internet kami nagkakilala.