Jan 30, 2004

We had a big fight last night. I can't help it anymore. I feel hopeless and empty. He called on me after that, while I was on my way home. The problem was half settled. We were supposed to talk today pero hindi natuloy. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya at nagkakaganyan siya. Paano namin masosolve ang problema namin kung hindi naman siya makikipag-usap sa akin. Iniisip ko tuloy ngayon kung ano nga ba ang problema or ako lang ba ang problema?

1. Before, we used to go out everyday.. ngayon, ni di na nga ako niyayayang lumabas.

2. Siya ang nauunang magtext dati at sa dulo ng text, may i love you.. ngayon, kahit ikaw pa ang maunang magtext. wish mo lang kung sasagot siya.

3. Lagi siyang wala. Pag tinawagan mo, magagalit pa sayo minsan. Tatarayan ka pa at kung ano-anong iisipin na masama.

4. I feel like he's cheating on me. Lagi nyang kasama yung babae na yon. Laging nakadikit sa pwet nya. Anong gusto nyang isipin ko? ano ko tanga? di ako pinanganak kahapon para di ko maramdaman ni piniflirt nya ang bf ko.

5. sunday na nga lang ang time namin.. hindi pa nagiging maayos. Dati maghapon kaming magkasama nyan. Magsisimba tapos kakain tapos lalakwatsa.. masaya kami non eh. Ngayon, lagi siyang antok. Mas gusto pa nyang kasama yung babae na yon (feel ko lang).

6. Bakit baby ang tawag sa kanya nung babae na yon? mag-ano ba sila?

7. Hindi na siya sweet. Dati, kahit simpleng bagay lang, magbibigay sayo yan. Lagi ka nyang naalala.. lagi nyang ipinaparamdam sayo na importante ka sa kanya.. Tingnan mo, nitext ko na siya kanina na posible na magkikita kami today pero ang nagback out siya. pano ba naman kami makakapag-usap at pano masesettle lahat ng tanong sa isip ko kung di siya makikicooperate. ngayon, sasabihin nya na kelangan nyang magbayad sa pldt. puede naman naming gawin yon ng magkasama ah.

Dati lagi mo akong gustong makasama pa... gusto mo lagi akong nasa tabi mo. dumating lang yang babae na yan sa buhay mo.. balewala na ako sayo. Dapat ako ang ilalabas mo pa, dapat ako ang dinala mo don sa puerto galera. pero anong ginawa mo? magpapartner kayong pumunta don. lahat yon tinanggap ko.. lahat yon tiniis ko. ngayon, sabihin mo sa kin, bakit hindi ako mag-iisip ng masama sayo kung maayos yang ginagawa mo. dati, nag-oovertime ka lang. ngayon, hindi na pero inaabot ka pa din ng lunch sa office mo. kasi hinihintay mo siya.. mas gusto mo yung company ng babae na yon. Kung ayaw mo na sa akin.. sabihin mo lang. hindi yung para akong tanga dito. hindi yung naaawa sa akin yung ibang tao kasi harap harapan pang- gagago na ang ginagawa mo. Hindi ako takot mag-isa. alam mo, pinanghihinayangan ko lang.. coz I let you go back in my life. Kaya kong hiwalayan si Chris anytime I want kahit hindi ka na bumalik dahil alam ko bilang babae ang karapatan ko. Ngayon, kung bababuyin mo lang ang buhay ko. Iwan mo na lang ako. Bakit di ko magawang iwan ka? Kasi, ayokong sisihin ang sarili ko dahil mahal na mahal kita. Baka magkamali ako ng desisyon sa buhay ko. Pero ngayon pa lang pinahihirapan mo na ako, pano pa kaya pag naging asawa pa kita? Ang sama ng loob ko sayo. Nakaya ko na naman dati na wala ka na sa buhay ko. Sobra-sobra na ang hirap na dinanas ko sayo dati. kala ko ngayon, sa book 2 natin.. babawi ka na... na di mo ulit ako iiwan or sasaktan ulit. Pero nagawa mo na pala yon dati di ba. U cheat on me, u used me, ginawa mo din akong tanga sa lahat ng tao. Naiisip mo ba kung gaano kasakit yung ginawa mo? Naisip mo ba kung ano ang tinalikuran ko para lang magkabalikan tayo? Naisip mo ba kung paano ko nilunok lahat ng sinabi ko nung iniwan mo ako? Mag-isip kang mabuti. Iba akong klaseng babae. Iba akong magmahal. at hindi ako cheap katulad ng babae na yan na lumalandi sayo. I dont deserve any of your treatment to me. you better behave yourself.

Jan 27, 2004

Nagpacheck up ako kanina.. malala na naman daw yung urinary infection ko. di ko na dinala ang celfone ko.. ayoko na lang siyang balitaan kung anong nangyayari sa akin. ano nga ba naman ang pakialam nya sa kin. ni mangamusta nga di man lang nya maisip.
tangina.. napaparanoid na naman ako.. bakit ganon si Bullit?
bakit feeling ko nagchicheat siya sa kin.. bakit wala akong ginagawa?
is he really cheating on me? kung oo.. bat di na lang nya ako iwan. anong gusto nya? ako na ang umalis? minsan, parang di ko na kaya.. bakit nya nagagawa sa kin to. this is his second chance, ba't nagagawa pa nyang magloko?

Jan 24, 2004

Nagkabalikan pala kami ni bullit.. but there's an another problem.

feeling ko.. he's having an affair with another bitch. feeling pogi na si loko. ano ba naman ang magagawa ko? mali ko lang dahil pinainog ko ang mundo ko sa kanya. I'm hurting right now pero kaya ko na. di ko lang alam ang gagawin ko.

minsan gusto ko siyang tanungin kung ano na yung nangyari sa sinabi nya sa kin before na lahat malalaman ko... na hindi na siya maglilihim sa akin. wala na naman siya.. nakalimutan na naman nya kung sino siya. i'll just go with the flow pero paghahandaan ko yung pangit na araw na yon.

di lang naman siya ang lalaki sa mundo.. why should i settle with a guy like him kung pabago-bago siya. mahal ko siya kung mahal pero bakit ganon? siguro, napapagod din ang puso.