grabe kanina.. parang di ako makapaniwala sa narealize ko. parang bumbilyang bigla na lang umilaw sa utak ko..
naalala ko nung araw, nung 4 years akong walang bf. I'm thinking how it was before.. bigla kong naisip na di ako yung babae na humahabol-habol sa lalaki na katulad ng ganto.
Galit na naman ata si bullit sa kin.. hinuli ko ba naman kasi sabi ni monette na may ticket na daw siya para sa concert ng boyzIImen.. eh antagal ko ng sinasabi sa kanya ng manood kami non. nagtataka lang ako kung bakit hindi ko alam. So, sinong isasama nya don? yung bago nyang kinalolokohan? syet yan.. hiwalayan na lang kasi nya ako. ayaw pa nyang magpakatotoo sa sarili nya.
nasasaktan ako pero parang wala na akong masyadong maramdaman. napanaginipan ko nga naman siya kanina.. kasama na yung gurl. ang saya daw nila at nahuli ko siya. mas pinili daw nya yung babae kesa sa kin. ang sama-sama daw ng loob ko, last week, nanaginip din ako, ganon din ang eksena.. betrayal. may iba na daw siyang babae at yon na ang pakakasalan nya. as usual, sinaktan ko na naman siya katulad kanina. hanep. sa panaginip ko nailalabas lahat ng panaginip ko.
Ano kayang iniisip nung kumag na yon? di na siya nagtext eh. galit nga siguro. minsan gusto kong sabihin sa kanya na wala siyang karapatan na saktan ako ng ganito.. sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya. magagawa pa nya sa kin to. it's like he's drifting away again from the reality. sometimes, i wanna wake him up. i just dont know how.
I don't know if I'm giving up pero ngayon, ipapakita ko na sa kanya kung sino ako at kung paano siya dapat matakot sa galit ko.
Nag-away kami yesterday ni Tin eh.. grabe.. sobrang iyak ako. How could she tell me na pabigat na ako sa bahay na to. After all those years na wala akong inasenso sa buhay ko dahil sa pagtulong ko sa negosyo namin. Sa sobrang sama ng loob ko.. umalis ako ng bahay dala-dala ang resume ko. Desidido talaga ako ng magkatrabaho! Tinext ko si bullit about it.. he called on me around 1pm, nasa Makati na ako non. Pinagsabihan ako kung ba't di ko dinala yung sasakyan ko kung maghahanap ako ng trabaho. Ewan ko.. litong-lito ang isip ko.. basta lumayas ako ng bahay at maghahanap ako ng trabaho. yon lang purpose ko. Saka nya pinarealize sa kin na mapapahiya lang ako kasi hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naappreciate ko yung ginawa nya. Tama nga naman.. mugtong mugto ang mata ko nung umalis sa bahay.