Aug 5, 2004

Ang Puno't Dulo ng Pag-ibig



Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo diba? Pero ang linaw. Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?! May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people." Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama'y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman. Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama? Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!"

At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko. Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

Aug 4, 2004

I wish I wasn't

here's a few line of our favorite song...
a song he likes so much but he doens't know it's a song for him.

I wish I could tell him to leave me alone.. but I promise him that I will stay forever by his side, no matter what happen. And now.. here I am again. So confused.. wishing my days will end.
Wish I could stay a little longer to keep my sanity with me..

I wish I wasn’t in love with you
So you couldn’t hurt me
It just ain’t fair the way you treat me
No you don’t deserve me
Wasted my time thinking about you and you ain’t never gone change
I wish I wasn’t in love with you
So I wouldn’t feel this way

When you touch me my heart melts
And everything you did wrong I forget
So you play me and take advantage
Of the love that I feel for you
Why you wanna hurt me so bad
I believed in you thats why I’m so mad
Now I’m drowning in disappointment, and it’s hard for me to even look at you
I wish that you were home
Holding me tight in your arms ooh baby
I wish I could go back
To the day before we met and skip my regret

Said you care about me, but from what I see
I ain’t feeling that, so I disagree
Gave you all my love and understanding and you treated me like your enemy
So leave me alone, don’t want nothing from you
Just go back where you came from this house is no longer your home
You can not never come no more

I wish I wasn’t in love with you so you couldn’t hurt me.