I had a brunch date awhile ago with Bullit. I almost forgot that it's friday today at kakatapos pa lang ng sweldo, sobra naman talaga ang traffic. Ang kawawang Bullit, nakaranas na naman ng tantrums ko. Di pa din pala napapaayos yung aircon ni syoting kaya sobra ang init!! I regret wearing black shirt on a hot weather.. mas mainit! dyaske! Nadidisolve ang mga natutulog kong mantika. It almost took us 2 hrs bago nakarating sa G4. Hate ko talaga yang traffic na yan. Kainis! Mas naalibadbaran pa ako sa mga barumbadong driver. Muntik pa kaming masandwich and masangga ng bus. Que horror!! I was screaming talaga.. as in konti na lang!
Naaawa naman ako kay Bullit.. spoiler talaga ako sa mga times na dapat maganda para sa min. But what can I do? Last week, I also had this bad temper and I told him that maybe I need an anger management. He asked me... "Why do you have to make simple things complicated?! You don't need that.. you just have to accept it and there's nothing you can do! Oh sige.. Gusto mong palipadin tong sasakyan? sige... palipadin mo." Ok.. pissed off na siya. Not because of the traffic, kundi sa ugali kong ewan ko ba. Kahit ako minsan di ko na maintindihan.. Minsan sobrang calm tapos tatawa-tawa pa ko tapos bigla na lang nagsi-shift sa pagkabwiset.. na parang sa sobrang frustration sa traffic eh parang gusto kong kumuha ng kutsilyo at maglalaslas ako! Actually, yan ang naiisip ko pag aburido na ako sa traffic.
At sa sobrang inis ko.. parang gusto ko ng mangibang bansa. Pero pano kaya mangyayari yon? Haaa!!! Lintek na traffic yan!! Kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko!
"Come to think of it.. it almost took us 2 hrs to go here and then ilang minuto lang tayo kakain!" Bullit muttered. I just smiled on him.. at wala na yung topak ko. Yon lang ang ginawa namin sa Makati, nagbrunch and then pumasok na siya sa office...
Ah.. Oo nga, bumili pa pala kami ng cologne nya. I was on a happy mode, I saw Leonidez/s.. yung chocolate outlet na matagal ko ng pinapangarap tikman. Nangulit ako na bumili kami non.. Ayaw ni papa, ang mahal daw. Mahal naman talaga... 4 pcs for almost P200, 1x1 1/2 inch lang ang laki nya. Kabisado ko na yung itsura kasi hanggang tingin na lang ako. :(
and with our kulitan mode..
"Ano bang makukuha mo dyan sa chocolate na yan? tatangkad ka ba? papayat ka ba? gaganda ka ba? ha?!"
"gusto kong matikman yon eh!.. sige na.. bili na tayo kahit 1 pc lang!!"
"sabihin mo muna sa kin kung anong mangyayari pag nakatikim ka non.."
"eh di madadagdagan yung taba ko!".. "oh sige.. sabihin mo din sa kin kung anong makukuha mo pag nagpabango ka.."
"Oh sige.. di na lang ako bibili ng pabango"
"Oh di sige.. di na din ako bibili ng chocolate"
non-sense na usapan pero minsan nakakamiss din..
I went home without the chocolates and he went to the office with his cologne. Madaya!
I'm so happy for Chris, may computer shop na din siya. I visit his shop the other night.. napapag-isip tuloy ako na magrenovate. I like his shop. Pang-internet talaga, unlike mine na pang games naman. Oh well, kanya-kanyang trip ng customer yan :)
Gusto ko na din magdagdag ng computers, napapag-isip na din akong kumuha ng swipe it card.. :D Last month, may tinarayan pa kong babae sa telepono na every week kung tumawag, just informing me na qualified daw akong kumuha ng credit card sa kanila. Sa sobrang inis ko (kasi for 2 months, ganon na lang palagi).. I asked her.. "Miss, I've been receiving calls from your bank every week, informing me that I'm qualified to have a credit card. Can you please delete my name on that list coz I'm not interested." Hay! nakatikim ng katarayan ko. Bumalik ang karma sa kin. Nyahaha!! Oh well, di ko din naman kasi gusto yung bank kaya lagi kong nirereject. Pinag-iisipan ko pa kung san maganda kumuha ng credit card.
Hmmm... here I go again.
Sep 3, 2004
Sep 1, 2004
Give up
Hay! Alang magawa..
The whole day.. 2 bagay lang ang tinutukan ko..
PC.. alimasag.. blog
tv..
Nandito yung technician ko, nagawa din pala siya ng web page. Naisip ko, baka puede kong matulungan ni kumag ayusin yung blog ko. May nakita kong magandang skin kanina.. kaso gusto ko siyang iedit. Sinimulan nya kong turuan ng basic around 10... 2 am na ngayon at give up na ko. Siguro kelangan muna naming magbes0-beso ng ms frontpage para friends na kami bukas. For sure, mapapanaginipan ko to. :D
Eto na naman ako sa gabi. Kahit pagod maghapon eh hirap na naman sa pagtulog. Ba't na naman kaya. Ang gaganda pa naman ng panaginip ko lately. Di ko na matandaan.. basta.. magaan ang gising ko kinaumagahan. :)
Walang masyadong happenings.. basta, medyo relieved na din ako ngayon. Ano ba to.. lahat ng friends ko na lumalapit sa kin ngayon eh puro lovelife ang problema. At eto na naman ako.. nagmamagaling magpayo pero sa sarili, bokya naman.

Subscribe to:
Posts (Atom)