Oct 16, 2004

Kapoy gid

Sobrang pagod ako the whole day. Nagpacheck up ulit ako kanina.. with Bullit as moral support. Ok naman yung result. Haay!! Nabunutan ako ng tinik pero nakakalungkot pa din isipin yung katotohanan. Next week, babalik ulit ako sa doctor. Hanggang kelan kaya matatapos to. Napag-isip isip ko kanina na siguro dapat kumuha na ko ng Health Insurance para naman just in case na mas may worst pang dumating dito eh nakahanda ako. Sana may dumating na lang na ahente dito sa shop na mapagkakatiwalaan ko tungkol dyan kasi wala na akong chance pa para makaalis since yung kasama ko dito sa shop eh pauwi na din ng Bicol next week. Sana makahanap agad ako ng kapalit nya. Sayang naman kasi kasundo ko na siya.

Pagod na pagod na talaga ko kaso may customer pa ko dito. Gusto ko sanang ibuhos na lang lahat sa gunbound kaso nag-a-update naman sila ngayon. Kaya eto, blogging ang napag-tripan ko.

Nag-iikot ikot ako sa alimasag kanina.. may thread akong nabasa about this book.. Yung "Purpose Driven Life", maganda kaya tong book na to? Medyo intriguing. Tapos kaka-ikot ko.. napunta ako sa isang thread about course nung college. Narealize ko.. parang naliko ata ako sa linya. I took BS Commerce Major in Bus. Management at bigla akong nalinya sa computer. Napractice ko naman yung course ko ng 4 1/2 years, pero kakaiba to. I have a related story about this 2 weeks ago.
Naubusan na ako ng supply ng bond paper and notebook. Habang naglalakad papuntang SM, tinanong ko yung sarili ko kung ba't ako pupunta sa National. Yon nga.. bibili ako ng mga gamit sa shop. Then, there's something inside me na biglang na-confuse ever.. yung biglang pop ng question na: "Anong shop?!".... "Computer shop.. ano ka ba! may computer shop ka na no!" Parang don lang nag-sink in sa kin na may sarili na pala akong negosyo. Medyo nagpanic pa ko ng konti kasi ano nga ba naman ang alam ko sa computer samantalang isang pc lang ang pinagpapractisan ko dati. Ah.. siguro, mabait talaga si God sa kin. Eto ako.. walang kamalay-malay sa computer tapos biglang natuto lang ng konti eh may instant negosyo na. This was my dream 3 years ago pa... and I never thought that it could happen. Oh well.. eto na siya. Thanks God. :)

Ok pala akong mapagod noh? May sense na kahit papano ang kwento ko. :D

Oct 15, 2004

Happy Couple...


Happy Couple...
Originally uploaded by bullitgurl.

Masaya naman kami pag magkasama.. kahit madaming problema.. basta magkasama kami. I don't know kung anong klase to.. pero ayaw ko na munang mag-isip ng kung ano-ano. Kung kami talaga.. eh di kami. Kung hindi.. Ok lang.

Di na naman masyadong masakit isipin kasi.. Nag move on na ako sa ganong feeling na what if di pala kami sa isa't-isa. Masaya yung company nya eh... I just love it when he's around. Ok siyang kaibigan.. Ok siyang lover...

Malaki yung influence nya sa buhay ko eh.. sobrang laki ng changes when he came into my life. Madaming painful memories.. Madami din namang masasaya.

Maybe, that's the reason why we're still with each other kahit ano yung dinanas namin sa isa't isa.