Jun 18, 2006

So tired and paranoid...

Grabe.. pagod na pagod ako everyday :(
Since nagbakasyon yung assistant ko 2 weeks ago, wala na naman akong tulog na maayos. Nagsasara ako ng 2 am.. open ako ng 8 am sa shop. Kaya di ko na alam kung saang lakas ako humuhugot para sa araw-araw.
2 weeks ago, nag hiwalay kami ng bf ko na nameet ko taga-dito lang sa amin. Our relationship lasts for 1 1/2 month. Reason of our break up? I found out na drug addict siya. Ok lang sa kin kung yon ang past niya pero di ko kayang tanggapin to the extent na hanggang ngayon tumitikim pa din siya ng bawal ng gamot. Nalulungkot ako.. gusto ko kasi siyang magbago with my help pero pano matutulungan ang isang tao na di kayang tulungan ang sarili nya mismo. Nag hiwalay naman kami ng maayos... pero one time na high ata siya, tumawag siya sa kin sa shop and tinatakot nya ko. Mag ingat daw ako.. di ko daw kilala kung anong klase siyang tao. Di ko maimagine na ite-threat nya ko ng ganon.

Broken hearted and stressed.. Last sunday muntik na kong mag black out. Nagalit ako sa mga batang customers ko kasi nahuli ko na nag su surf sa porn. Na-feel ko yung slight numbness sa left arm ko. Di naman masakit ang batok ko... Basta feeling ko non na parang naka-float ako tapos nag na numb ang na nga yung braso ko. The following day, nagpa check up agad ako. They check my bp.. normal naman daw. I had my ECG that day.. tapos ang reseta ng doktor is uminom lang daw ako ng Vit. B. Hindi ako satisfied sa consultation ko, so the following day.. I seek for a second opinion. Mas maganda yung doctor na pinuntahan ko kasi ininterview nya ko. Normal pa din ang blood pressure ko.. So, yung doctor told me na magpa blood chem. May promo daw sila ng friday sa blood chem, 50% less.. so bumalik ako last friday. But since tuesday.. kung ano-ano ang iniisip ko. Since di kayang sabihin ng doctor kung anong sakit ko hanggang walang result ng blood chem, naparanoid na ko. Sabi kasi, puede daw hypertension or mas pinakamasaklap is diabetes kasi palipat lipat yung slight numbness sa right arm and pati sa feet ko. Yung para bang pag namali ako ng pwesto.. nararamdaman ko na parang may natusok sa paa or braso ko. For four days.. halos di ako kumain. Nag re research ako sa internet about diabetes.. Yung numbness lang ang pasok sa symptoms sa kin.
Friday.. ay salamat friday na. First thing in the morning, nagpunta na ko sa clinic for blood chem. Sobrang dinadasal ko na sana di naman diabetes type 2 yung sakit ko. At 8pm I got my result. Whew.. normal ang sugar ko, yung cholesterol level ko ang mataas. Relieved ako pero syempre problema din kasi mataas yung cholesterol ko .. pero mas ok na yon kesa diabetes di ba. So ngayon.. medyo strict ang diet ko. Andon pa din yung numbness pero di na katulad nung sunday.

Before ng blood chem ko, kung ano-ano iniisip ko. Sabi ng sister ko, napaparanoid lang daw ako. Atsaka depress. Since nag hiwalay kasi kami ni Ching (my ex), di ako umiyak or di ko man lang nailabas yung sama ng loob ko. Naisip ko lang kasi.. yung pain na nararamdaman ko is wala sa katiting na sakit na naramdaman ko nung nawala sa kin si Bullit. Pero iba din pala yon mas lalo na't naging part ng buhay mo kahit sandali yung tao. Ok naman kasi kasama si Ching, hindi ko lang matanggap yung part na pagiging addict nya. Ilang beses na siyang na-rehab. I think hindi na magbabago yung ganong sistema sa buhay nya. Gusto ko man siyang bigyan ng chance, pero sa ginawa nya sa kin.. parang di siya deserving para don. Nasasaktan ako pero alam ko na tama tong desisyon na ginawa ko. Masakit pero tama. Minsan iniisip ko.. san ba ko lalagay? Sa masaya ako na alam kong may mali at masasaktan din ako. O sa nasasaktan ako pero alam ko na tama ang ginagawa ko.

Sa susunod na ko mag-iisip. Kelangan ko muna magpagaling.

Dec 16, 2005

Antagal ko palang di nakapag-blog. I was so busy at my shop... pati na din sa gb. Sobrang dami na palang nangyari. Christmas is fast approaching and it's hard for me to decide kung kelan ang xmas party dito sa shop. Actually, kanina ko lang nafinalize na sa monday na. May mga give aways na naman akong nabili but then.. I still feel incomplete.


Incomplete sa lahat ng aspect.


December na pala.. Bat parang hindi ko feel na malapit ng mag Christmas.
Sabi ni Jeff.. kelangan ko daw ng retreat. T_T Hala! Ganon na ata ko kalala.
Advise naman ng bestfriend ko, subukan ko daw lumabas.. maglakad lakad. Siguro nga.. sobrang focus na ko dito sa business.

I watch a movie last week, last full show... Tumakas lang ako sa shop. Comedy sya kaso parang di ko na enjoy... 3 lang kami sa loob ng sinehan, mag lovers pa yung naabutan ko. Di naman kaya nainggit ako noh. Sabi nila, lakas trip daw.. Last full show tapos mag isa lang manonood. Hello!!! AS IF I HAVE A CHOICE!!!

Back to the story... Ok naman yung film.. Nakakatawa naman siya. Kaso nung naubos ko na yung popcorn at nahalata ko na tawa ko lang ang naririnig ko, parang nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Inatake ako ng depression. Naisip ko, kung may kasama ako.. baka naenjoy ko yung movie kahit papano. I feel so alone that time so I decided to go home. While walking through the parking lot.. Natulo ang luha ko. I feel empty and unloved. Andami kong naaalala. Mga friends.. ex lovers.. yung mga nasayang na panahon. It all keeps boiling back.. Sobrang lungkot ako. When I call Bryan, a new friend... girl naman ang nakasagot ng fon. I was looking for someone to talk to.. pero ala na eh. So I bear the pain ... at dinaan na lang sa inom yung lungkot na nararamdaman ko. I know it's stupid na uminom ng alak pag may problema but somehow, it lessen my sadness.

About Bullit.. Wala na talaga. Siguro, eto na yung end part ng story namin. Andaming lumalaro sa isip ko. Yung mga sinabi ng mga friends ko before... sobrang sakit naman yung huling comment sa kin. That time na masama yung loob ko, imbis na kalmahin ako.. parang mas sinaksak nya ko ng 10 beses sa dibdib. Minsan naiisip ko lang.. bat kelangan natin mag comment ng mag comment.. di ba puede yung makinig na lang tayo sa problema ng isang kaibigan at kalmahin siya. Minsan kasi di naman yung solusyon ang kelangan mo pag sinabi mo sa isang kaibigan ang problema, kelangan mo lang mailabas yung sama ng loob mo. Ganon lang kasimple. Nakakalungkot lang how a good friendship ended like that. Siguro ganon talaga. Maraming salamat na lang sa kanya. Kahit papano naging parte din siya ng buhay ko kahit sa internet kami nagkakilala.