Jul 13, 2006

Rainy Wednesday

Around 9 am, nakareceive ako ng text sa assistant ko na sira daw ang OS ng pc 5. I'm trying to ignore his text kasi 6am na ko natulog. I was thinking na mga lunch time ko na lang aayusin kaso.. di ako mapakali sa pagtulog and may lakad kami ni Tin before lunch. So, napilitan akong bumangon at ayusin yung pc. Actually dapat reformat na ang gagawin pag naging ganon ang problema, buti na lang nagkaron ako ng powerquest drive image. It's a software that copies your hard disk... puedeng i-copy from hard disk to hard disk or puedeng i-save mo yung image sa hard disk mismo but you'll really be needing 2 pc talaga. Depende sa sira nung pc mo. Pag OS, 2 pc talaga ang kelangan. Pero kung na-virus lang at wala ng solusyon, puede na nya i-load un sa mismong pc. To cut it short, nadaanan ko lahat ng pc ko.. at sa isang pc lang ako puedeng mag-kopya. Dati naman, puede lahat... Nagtataka tuloy ako ngayon kasi baka magkaron ako ng problema in the near future sa mga pc ko. Dapat talaga mag ipon ako kasi mahirap masiraan ng pc... ang mas mahirap eh yung wala akong nakatago para ipampalit ng piyesa. Parang wake up call na naman. Kung wala tong software na to, it will took me several hours sa pag reformat and pag install/update ng mga games. Maswerte pa din ako kahit papano kasi wala pang 1 hr kung magkopya.

Lunch time na kami nakaalis ni Tin papuntang Tagaytay. Every wednesday kasi, may panata si Mama na pupunta kami sa Pink Sisters and Our Lady of Manaoag sa Tagaytay. Since nasa Bicol si Mama, kami na lang ng sister ko ang tumuloy sa panata nya. Before, sumasama din ako kay Mama pero lately iniiwan ako kasi minsan di ako makagising on time atsaka kakabalik din lang kasi ng assistant ko kaya wala din akong time last month. Gusto ko ding sumama palagi kasi don na lang yung time na nakakapag bonding kaming mag-iina. Don kami nakakapag-usap ng walang istorbo. Pag dito kasi sa bahay, paputol-putol kasi laging may bisita si Mama atsaka laging may phone call.

Kanina ko lang nakwento kay Bullit na nagpupunta kami sa Pink Sisters.. Sabi nya sa kin, may miracle na ba kong natanggap since pumunta ko don. Kanina ko lang nasabi sa kanya na 3 yrs ago, nagpunta ako don nung unang hiwalay namin. Di ko naman winish na magkabalikan kami, I asked for His guidance kasi naman maloka-loka talaga ako nung nawala siya di ba. After 3 months, nag-reconcile kami. Last January, bumalik ako don with my friends. Sila din yung kasama ko nung unang punta ko. It was a good timing because Arielle was confined in the hospital for 2 weeks. I prayed for my niece to get well and my prayer has been answered. After a week, naiuwi na namin siya. I don't know kung kino-call talaga Niya ko kasi si Mama, nadiscover nya yung PS last May. Last day of May, and it was wednesday.. sinama kami ni Mama don. Medyo mabigat ang problema ko that time because of Ching, my ex. Kasi nga, gusto ko siyang tulungan na magbago. I asked for His guidance again, kung hanggang saan ako magho-hold on.. Kung kaya ko bang baguhin yung tao na yon. Kinabukasan, naghiwalay kami ni Ching. Parang ang bilis nung sagot nya sa kin. Pero alam ko tama lang yung nangyari. Nahihiya nga ako kay God.. kasi everytime na napunta ako puro wish ang ginagawa ko. Puro hingi ng guidance, pero ako kaya? Ano ba ang nagawa ko para sa Kanya?

Pag uwi namin kanina, umidlip muna ko. I'm up around 6pm, di rin ako makatulog. Ang lakas ng ulan, iniisip ko kung may customer ba ako o baka may tumutulo na naman galing sa bubong. Minsan kasi pag magdamagan ang ulan, nagkakaron ng leak sa bubong. Ang pinagtataka ko lang, lagi kong pinapaayos ang bubong ko pero bakit nagkaka leak pa din? Tama nga ang hinala ko, may leak nga. Pero bakit ganon? Nung isang araw pa naulan pero ngayon lang nagkaron ng tulo? Di ko pa pinapaayos yung bubong ngayon, pero bat tumigil yung tulo eh umuulan pa din hanggang ngayon. Nakaka-aning din tong problema sa bubong ah. Ang gulo parang pansit.

Wala pa din si Arielle :(
Iniisip ko siya palagi. Sana napapalitan siya ng diapers ng nanay nya on time. Sana di umiiyak. Dapat di ko siya masyadong isipin eh kasi sabi ng mga matatanda, dapat wag masyadong isipin ang bata pag nalalayo sayo kasi nase-sense daw nila yon. I can't help it. I miss her so much :(

Nag brownout sa min kanina around 11pm.. Bumalik ang kuryente after 30 minutes. Inis na inis ako kasi pagbukas ko sa isang pc.. Nasira din ang OS. Grrrr! Alangyang brownout yan! Nasira ang pc ko. Pasalamat talaga ko sa drive image na to. Lord.. tama na muna yung dalawang pc na nasira ang OS for this day. Sana last na yung dalawa na yon kasi pag yung ibang pc ang nasira (mas lalo na yung mga bagong pc), magbabayad na naman pag pagawa sa techinician ko.

Buti na lang eto lang ang pino-problema ko sa araw-araw lately. Wala akong ibang tao na pasanin. Tama na siguro ang lovelife. Gusto ko munang magpahinga sa ganyan at namo-moret ako. :D

Jul 12, 2006

Woot!

I don't know how to start again. Everytime na magba-blog ako, iniisip ko kung ano bang title atsaka pano ko mag i start. Hayz.. Name-mental block ako. Kanina andami kong iniisip kung anong ilalagay ko, natagalan lang ako sa paghahanap ng bagong skin. Sa sobrang tagal, nakalimutan ko na ata lahat. Iniisip ko pa yung theme ng blog skin ko.. Inlove but lonely. Lonely ako pero di ako inlove noh! Photobucket - Video and Image Hosting Ang cute lang kasi ng design nya.. Hihihi!

Laging umuulan ngayon, buti di masyadong apektado ang business ko. Actually, my shop is picking up mas lalo sa mga chatters pag gabi. Before, wala na kong customer ng 11pm pero ngayon.. ako pa ang sumusuko kasi minsan natatapos na sila ng 4 am, mas worst pa is 7 am. Ay! di ako nagrereklamo.. pramis. Bumalik yung assistant ko kaya medyo di na ko pagod palagi. Medyo naka-recover na din ako sa hypertension ko last week, pero magpapacheck up pa din ako a week before maubos ang gamot ko. Sabi nga nung doctor na pinuntahan ko, di dapat dinededma ang ganitong sakit.

Nung isang araw ko lang naisip... Pano kung mabuntis ako eh nagte take ako ng medications? Hmmm... Ay, umaasa pa ako. Photobucket - Video and Image Hosting

Naiinggit kasi ako kay Tin, kamukhang kamukha ko pa yung baby nya.
She's 2 months old.. ang cute di ba.
Ashley
Photobucket - Video and Image Hosting

Last night, napag usapan namin ni Bullit sa phone yung tungkol sa mga babies sa bahay. Yung 2nd baby kasi ni Aris, kami ang nag-aalaga ngayon kasi parehas na nagwo work si Aris and yung nabuntis nya. Gusto ko sanang ampunin si Arielle..
Here she is.. 6 months old naman.
Photobucket - Video and Image Hosting
Last week, bumili ako ng panglakad nya na damit. Omg.. di nagkasya yung blouse na nabili ko. Napunta tuloy kay Ashley. Kaya nung isang araw, nilakihan ko na yung overall na bili ko, large lahat and it turn out na sakto lang. Wag lang muna siya biglang lumaki agad kasi di nya magagamit lahat yon. Grabe ang hirap namin sa bata na yan since napunta siya sa min. Gustong gusto ko na talaga na ako na lang sana maging nanay nya kaso sabi ni Bullit, wag daw kasi mas maganda daw na sarili kong anak. Gagawan na lang daw kami. Asa din tong si panget. Pakasalan muna nya ko para di naman kami kawawa ng magiging anak namin noh. Pramis di kami nagkabalikan... at hindi ako umaasa na magkakabalikan kami. Hahaha!!

Ok na ko ngayon about Bullit. We seldom see each other, puro usap lang sa phone. Parang mas okey nga eh. Although I know deep inside me na mahal ko pa din siya pero ayaw ko na eh. Parang mahal ko lang siya.. ganon lang. Hindi ako nag eexpect na magiging kami ang magkasama in the end pero di ko kino-close yung istorya naming dalawa. Nakapag move on na siguro ako sa part na yon.

Nami-miss ko si Arielle, every day bago ko pumunta sa shop.. Iche-check kung ok lang siya.. Kung gusto magpakarga.. kung nagugutom na. Most of the time, I spend my time with her and Ashley pag wala namang masyadong ginagawa sa shop. Taga-alaga.. taga-hele.. taga-karga. Kaya nami-miss ko siya kasi hiniram muna siya ng mama nya ng 3 days. Bukas daw isasauli na. Sana bukas makabalik na siya.

Ashley and Arielle is different in many ways. Mahinhin si Ashley.. pati pag iyak babaeng babae. Atsaka parang madaldal pag lumaki. Nakakausap na kasi siya.. Di naman nagsasalita pero pag kinakausap kasi namin, sumasagot siya. Ganon di naman si Arielle pero kakaiba. Ang lakas umiyak.. Ang lakas sumigaw.. Ay grabe. I remember nung 5 months siya. Natuto na siyang dumapa. Galit na galit nung nakadapa kasi di siya makatihaya.. Sumisigaw, eh di ko pinapansin.. umiyak na. Hahaha!! Siguro kung nakakapagsalita yung baby namin.. siguro sinasabi non.. "Hoy Mama Ann!! Ano ka ba!! Di ko mabuhat ang katawan ko!! Waaaa!!" Hehehe... Omg.. I really miss my baby. Binansagan ko pa yung ng 'dragon' kasi nga malakas sa lahat.. pati pagkain.. ay over sa dede. Kaya siguro ganyan siya kalaki.

Gusto ko ng magka-baby.. Pero pano? Wala naman akong asawa. Wala din akong boyfriend. Ayoko naman mag ampon kung di ko pamangkin. Gusto ko sana yung galing sa kin. Pero gusto ko kasal na ko bago ko magkaanak.

Yon na lang ang kulang sa kin... my own Family. Photobucket - Video and Image Hosting

Why can't I

Get a load of me, get a load of you

Walkin' down the street, and I hardly know you
It's just like we were meant to be

Holding hands with you when we're out at night
Got a girlfriend, you say it isn't right
And I've got someone waiting too

What if this is just the beginning
We're already wet, and we're gonna go swimming

Why can't I breathe whenever I think about you
Why can't I speak whenever I talk about you
It's inevitable, it's a fact that we're gonna get down to it
So tell me
Why can't I breathe whenever I think about you

Isn't this the best part of breakin' up
Finding someone else you can't get enough of
Someone who wants to be with you too

It's an itch we know we are gonna scratch
Gonna take a while for this egg to hatch
But wouldn't it be beautiful

Here we go, we're at the beginning
We haven't fucked yet, but my heads spinning

Why can't I breathe whenever I think about you
Why can't I speak whenever I talk about you
It's inevitable, it's a fact that we're gonna get down to it
So tell me
Why can't I breathe whenever I think about you

High enough for you to make me wonder
Where it's goin'
High enough for you to pull me under
Somethin's growin'
out of this that we can control
Baby I am dyin'

Why can't I breathe whenever I think about you
Why can't I speak whenever I talk about you

Why can't I breathe whenever I think about you
Why can't I speak whenever I talk about you
It's inevitable, it's a fact that we're gonna get down to it
So tell me
Why can't I breathe whenever I think about you