I don't know how to start again. Everytime na magba-blog ako, iniisip ko kung ano bang title atsaka pano ko mag i start. Hayz.. Name-mental block ako. Kanina andami kong iniisip kung anong ilalagay ko, natagalan lang ako sa paghahanap ng bagong skin. Sa sobrang tagal, nakalimutan ko na ata lahat. Iniisip ko pa yung theme ng blog skin ko.. Inlove but lonely. Lonely ako pero di ako inlove noh! Ang cute lang kasi ng design nya.. Hihihi!
Laging umuulan ngayon, buti di masyadong apektado ang business ko. Actually, my shop is picking up mas lalo sa mga chatters pag gabi. Before, wala na kong customer ng 11pm pero ngayon.. ako pa ang sumusuko kasi minsan natatapos na sila ng 4 am, mas worst pa is 7 am. Ay! di ako nagrereklamo.. pramis. Bumalik yung assistant ko kaya medyo di na ko pagod palagi. Medyo naka-recover na din ako sa hypertension ko last week, pero magpapacheck up pa din ako a week before maubos ang gamot ko. Sabi nga nung doctor na pinuntahan ko, di dapat dinededma ang ganitong sakit.
Nung isang araw ko lang naisip... Pano kung mabuntis ako eh nagte take ako ng medications? Hmmm... Ay, umaasa pa ako.
Naiinggit kasi ako kay Tin, kamukhang kamukha ko pa yung baby nya.
She's 2 months old.. ang cute di ba.
Ashley
Last night, napag usapan namin ni Bullit sa phone yung tungkol sa mga babies sa bahay. Yung 2nd baby kasi ni Aris, kami ang nag-aalaga ngayon kasi parehas na nagwo work si Aris and yung nabuntis nya. Gusto ko sanang ampunin si Arielle..
Here she is.. 6 months old naman.
Last week, bumili ako ng panglakad nya na damit. Omg.. di nagkasya yung blouse na nabili ko. Napunta tuloy kay Ashley. Kaya nung isang araw, nilakihan ko na yung overall na bili ko, large lahat and it turn out na sakto lang. Wag lang muna siya biglang lumaki agad kasi di nya magagamit lahat yon. Grabe ang hirap namin sa bata na yan since napunta siya sa min. Gustong gusto ko na talaga na ako na lang sana maging nanay nya kaso sabi ni Bullit, wag daw kasi mas maganda daw na sarili kong anak. Gagawan na lang daw kami. Asa din tong si panget. Pakasalan muna nya ko para di naman kami kawawa ng magiging anak namin noh. Pramis di kami nagkabalikan... at hindi ako umaasa na magkakabalikan kami. Hahaha!!
Ok na ko ngayon about Bullit. We seldom see each other, puro usap lang sa phone. Parang mas okey nga eh. Although I know deep inside me na mahal ko pa din siya pero ayaw ko na eh. Parang mahal ko lang siya.. ganon lang. Hindi ako nag eexpect na magiging kami ang magkasama in the end pero di ko kino-close yung istorya naming dalawa. Nakapag move on na siguro ako sa part na yon.
Nami-miss ko si Arielle, every day bago ko pumunta sa shop.. Iche-check kung ok lang siya.. Kung gusto magpakarga.. kung nagugutom na. Most of the time, I spend my time with her and Ashley pag wala namang masyadong ginagawa sa shop. Taga-alaga.. taga-hele.. taga-karga. Kaya nami-miss ko siya kasi hiniram muna siya ng mama nya ng 3 days. Bukas daw isasauli na. Sana bukas makabalik na siya.
Ashley and Arielle is different in many ways. Mahinhin si Ashley.. pati pag iyak babaeng babae. Atsaka parang madaldal pag lumaki. Nakakausap na kasi siya.. Di naman nagsasalita pero pag kinakausap kasi namin, sumasagot siya. Ganon di naman si Arielle pero kakaiba. Ang lakas umiyak.. Ang lakas sumigaw.. Ay grabe. I remember nung 5 months siya. Natuto na siyang dumapa. Galit na galit nung nakadapa kasi di siya makatihaya.. Sumisigaw, eh di ko pinapansin.. umiyak na. Hahaha!! Siguro kung nakakapagsalita yung baby namin.. siguro sinasabi non.. "Hoy Mama Ann!! Ano ka ba!! Di ko mabuhat ang katawan ko!! Waaaa!!" Hehehe... Omg.. I really miss my baby. Binansagan ko pa yung ng 'dragon' kasi nga malakas sa lahat.. pati pagkain.. ay over sa dede. Kaya siguro ganyan siya kalaki.
Gusto ko ng magka-baby.. Pero pano? Wala naman akong asawa. Wala din akong boyfriend. Ayoko naman mag ampon kung di ko pamangkin. Gusto ko sana yung galing sa kin. Pero gusto ko kasal na ko bago ko magkaanak.
Yon na lang ang kulang sa kin... my own Family.
No comments:
Post a Comment