Jan 5, 2005

Doctor.. doctor.. I am sick


I'll be gone for awhile. Medyo pangit ang pasok ng taon sa kin in health term coz I've been sick since the year started. Muscular pain at the back.. hanggang sa pati paghinga ko naapektuhan na. Ang conclusion nilang lahat, pati ni doc eh over fatigue na daw ako... tapos madaming iniisip.. Oh well....

Maco-confine na dapat ako yesterday. Di lang ako pumayag. Nung umupo pa lang ako sa wheelchair sa ER eh inabot na ko ng nerbyos.. sa kama pa kaya ng hospital.
Nakakatuwa lang yung mga customers ko na nagtetext sa kin, dadalhin daw nila ako sa manghihilot.. Naappreciate ko naman sila :)
Nakakatuwa din yung pamangkin ko sa hospital (kasi sinama ng sister ko)... to calm us... sumayaw ng ispageti.. at binigyan ako ng chocolate na dala-dala nya, sabi.. "mama anne is sick" daw. bibo and sweet.. haaaay!! gumaan ng konti ang pakiramdam ko :)

Mga 1 week pa siguro ko magpapahinga... takas lang tong pag iinternet ko kasi super bored na ako... Super bed rest. Medyo nakakatulong naman yung gamot kaso hilong-talilong naman ako pag nakainom na. Anyway, naeenjoy ko naman kasi sobrang pahinga and madaming time with my family. Affected lang yung business kasi siyempre, di na kakayanin ng assistant ko na magduty hanggang madaling araw. Pero ok lang yon, maganda naman ang pasok ng business ngayong taon na to :)

Oh well.. naiisip ko lang ang Ali, may pending pa kong trabaho don.
Hay.. bahala na muna sila.