Jan 27, 2005

Thank you Friend

Around 9 am awhile ago, I received a long text from Bullit..
3 days na daw siyang di mapakali.. di makatulog ng maayos... disturb...
Siguro daw kasi miss na daw nyang makakita ng kasing panget nya (at ako yon).
I disregard his text at pinilit na matulog ulit kasi ayan na naman siya.
11 am, I received a long texts from him again,
puro explanations kung bat di siya makapagtext at kung ano-ano pa...
Ok, 5 days na sira ang network ng sun cell, accepted ang reasons nya.
Kaya di naman ako nagtetext kasi ayoko lang talaga at syempre until now di nya alam kung bakit.
Siguro nagtataka siya kung bat di ako nagrereply,
nag miss call siya.... once... twice....
Umiiyak na ko, gusto ko na ayaw kong sagutin ang celfone.
I was gripping my rosary, asking God to give me more strength to hold on to my decisions the other day.
Mahirap talaga pag umpisa...
Pang 3rd time na nag ring ang fon at papatayin ko na sana..
biglang nakita ko ibang name ang nakaregister..
Oh my.. si Jeff na pala
Nung sasagutin ko na sana, binaba na nya yung fon.
I call him back... at napaiyak na ako kay schat.. I told him what happen just before he called.
Ayon, napayapa ulit ang loob ko.
Kahit nung isang araw, kahit wala siyang kamuwang-muwang sa buhay ko..
Ang galing tsumamba ng pagkakataon..
Siya ang nag absorb ng sama ng loob ko.
Sana tuloy ang date ng mga single sa Valentine's day...
Excited na ko. :)

Masyadong madami akong dapat pagbalingan ng attention ngayon.
Tama na muna si Bullit, oo nga pala... tapos na siya.

Lumabas kami ng sister ko kanina,
Sinamahan ko siyang mag exam tapos sinamahan naman nya kong pumunta sa Gilmore.
After that, nanood kami ng Electra sa Megamall.
Buti.. di na siya masyadong nagtatanong tungkol kay Bullit.

To all my friends..
thank you so much for all the support you've given me.
ipag-pray nyo din sana ako na malagpasan ko to. :)
I love you all. :)

Jan 25, 2005

Rumble

Grabe ang lamig ngayon, parang December pa din
parang nasa Baguio ako.
Went to Ace hardware 2 days ago to buy a heater
To my dismay, ubos na daw yung stock ng pang nawasa na heater nila,
yung pang deep well lang daw ang available....
I'm wondering what the difference between a nawasa and a deep well heater...
Eh parehas lang naman silang tubig di ba?
Can somebody enlighten me...
Seriously, I cant see the point.
brrrrrrrrrrr.........

My dsl line was installed last sunday...
whoooppieeee!!!!
No more lags at gunbound!!
Yahoo!!!

Masyado akong bad yesterday...
Habang iniayos ang configurations ng mga pc,
Meron akong nalaman...
Di ko alam kung dapat ko bang sisihin yung sarili ko,
Siguro sabi ni God, maybe it's about time for you to know..
that all of your hunch is true.

I get depressed again on what I found out..
Nakakadismaya...
I wasted 3 1/2 years of my life....
Ganon pala yon... nawala lahat ng pagmamahal ko sa kanya.
Nakakahiya siya...
Nakakasuka...

Talked to Jeff awhile ago...
Medyo na-enlightened ang isip ko..
Nagawa ko pang itawa.
When he asked me how am I feeling...
tama naman ang sagot ko....
I'm hurt pero parang kaya ko ng tumawa..
Siguro dahil manhid na ko lahat ng ginawa nya.
Kaya siguro dito sa nalaman ko... isang iyakan lang..
Pagkatapos non... tinulog ko na lang.
May magagawa ba ang luha kung nandyan na?

Ang mahirap lang eh yung trauma ko sa nangyari.
I can't let it out.
Paulit-ulit na lang eh
Nakakasawa na.
Gusto ko man ng bagong love,
Para ano pa?
Ready na ba ko?
Naka-move on na ba ko?
Kaya ko na ba na ibigay ulit ang sarili ko?
Kaya ko na ba ulit yung commitment?
Kaya ko na bang mag tiwala?