If you haven't read this at Tawa ng Tanghalan @ Alimasag.com
Halloween party sa house nila Bullit..
Masaya kaming nagkukwentuhan ng mother ni Bullit, his friends, and of course, him.
JR: Tita, ano tawag dyan sa isdang kinilawin?
B's mom: Tanigue
B: Favorite ko to eh..
J: Tita, anong ingredients nito?
sabay bulong kay Bullit..
"Eto na naman ako, nanghihingi ng ingredients.. hehehe!"
JR: Ano po? Paniki?
B's mom: Hindi.. tanigue..
dahil maingay sa background.. nakisakay yung isang friend..
Jonas: Paniki.. Oo paniki yan...
Bonakid: Ay.. Paniki pala yan..
biglang binitawan ang tinidor..
at dahil cool si mommy...
B's mom: ay! hindi ka ba nakain ng paniki? masarap yon hijo!
JR: Ayoko po non..
J: Ay.. paniki ba yan?
nakikisakay din..
B's mom: Ay! ano ba kayo.. di ba kayo kumakain ng exotic food? Yung aso nga, mas malinis pa sa karne ng baboy o baka..
JR and J: Ewwww...
B's mom: Eh yung kambing, di kayo nakain?
J: ay tita! nakakain na ko kaso parang mapanghe ang lasa.
Bonakid: hindi talaga ko nakain ng mga ganyan..
feeling sick with our topic
B's mom: Ay naku.. hija, pag ako ang gumawa.. Naku.. hindi mo malalasahan yon.. magaling akong magluto ng kambing.
*B: feeling proud to mom
Bonakid: Ayoko na..
J's mom: Daga? Palaka? nakakain ka na?
referring to Bonakid
at sabay sabad ang nalalasing na "ako"...
J: Ay tita.. Nung palaka pa lang ako.. kumakain ako ng bata!.....
ooppppssss..
B: ano? bwahahahaa!!!
Imaginin nyo na lang yung tawa and buska nilang lahat after ng line kong yon.....
with bullit, his mother, sister-in-law,and jonas.
No comments:
Post a Comment