Mar 19, 2005

Gisingin Mo Ko

March 14, 2005

Maayos ko naman naicelebrate yung bday ko.
Dumating ang mga friends ko, pati si Bullit and Chris.
I was hesitant to invite Bullit coz in the 1st place, nakaset na pupunta talaga si Chris. Habang namimili kami ng sister ko ng lulutuin for that day, tinanong nya ko kung ininvite ko na si Bullit... sabi ko hindi pa atsaka dadating kasi si Chris, basta na-greet na din naman ako ni Bullit sa fon nung morning. She suggested na iinvite ko din with matching reason na may kanya-kanya na nga din kaming buhay, for good times sake, and bday ko naman.
Oh well, OK naman yung outcome. :)

March 17

I was about to go to Chris' shop pero nandito si Ian (my technician) kaya naglaro na lang ako ng gb until Bullit called on me.. I invited him na kumain ng siopao. Pumunta ko sa kanila tapos diretso kami ng Makati.. while on our way to Makati, naka-amoy kami ng bulaklak ng patay.. Ewan ko, pero di ako natakot. Sabi ko sa kanya na ganyan yung mga bulaklak na naaamoy ko non sa Baguio tapos hinuhulaan pa namin kung anong klaseng bulaklak yon. I went home around 3 am, dadaan pa sana ko kila Chris kaso tinamaan na ko ng antok.

March 18

The following day, gumising ako ng maaga kasi ipapaayos ko yung scanner sa Gilmore with Bullit. May plano pa nga kami na magco-commute lang. Ipapark ko yung sasakyan ko sa bahay nila tapos sasakay na kami ng jeep and mrt papuntang Gilmore kaso umulan.... at matraffic. 2pm na ala pa din kami sa Gilmore kaya nagdecide na lang ako na bukas na lang namin ipaayos yung scanner. Dumiretso kami sa Megamall. Nanood kami ng sine. Masaya naman.

Mind you guys.. di kami nagkabalikan, at di rin ako umaasa na magkabalikan kami. Di ko maexplain eh.. Ok kasing kasama si Bullit, masarap siyang maging kaibigan.

After ng movie, around 5 pm ata.. Nagstroll stroll kami... nagtingin-tingin sa music store hanggang nag-ring ang fon ko. It was a call from Chris. Napalakas pa ata ang boses ko sa bad news.. Nalimas lahat ng pc nya sa shop. Ninakaw lahat ng system unit nya nung madaling araw. Para kong nanlumo... naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Napakapit ako kay Bullit pagkababa ng celfone. Buti malapit lang ang Megamall sa shop nya kaya nagdecide ako na puntahan namin siya don. Pagdating namin sa shop nya, medyo madumi.. Nandon pa yung mga monitor, kakatapos lang daw ng investigation. Wala daw nakuhang finger prints, pero ang sabi ni Chris.. parang minadali lang yung investigation. Kinuhaan lang daw ng picture, nilagyan lang ng powder na itim yung mga mesa pero di kinuha yung mga finger prints... tapos konting kwento-kwento.. Tapos na. Goodbye 13 pcs na system unit.

Ganto na ba talaga kabulok ang sistema ng imbestigasyon sa Pilipinas?

Nanlulumo man, inayos na namin yung monitors at naiwang mga gamit sa pc tapos dinala namin don sa bahay ng lola ni Chris. Nag-aasaran na lang kami.. pilit tinatakpan yung lungkot sa nangyari. Hiniram ni Chris yung sasakyan ko, paghatid ng 1st batch ng mga monitor habang on the way daw sila, nakaamoy sila ng bulaklak. Naiwan kami sa shop para bantayan yung mga monitors na natira tapos sumama na lang kami sa bahay ng lola nya nung nadala na namin lahat ng gamit sa shop. Pagdating namin don sa labas ng bahay ng lola nya, naamoy na naman namin ni Bullit yung bulaklak na naamoy namin nung madaling araw. Biglang pumasok sa isip ko yung asawa ng Lola ni Chris na namatay lang last month. Oh my God... May premonition na pala ko nung gabi pa lang. Nagtataasan ang mga balahibo namin habang pinagkukwentuhan yon. Eto na naman ako, sinisisi ko yung sarili ko.. Sana dumaan pala kami ni Bullit sa shop ni Chris kasi siguro puedeng magtagal kami don. 2 am na kasi nagsara si Chris, sakto sa oras ng pagdaan ko kay Bullit sa bahay nila. Kung alam ko lang sana. Nakakapagtaka lang, parang bulag ata lahat ng tao habang ninanakawan yung shop nila Chris kasi wala ni isang nakakita.. Kahit yung mga pulis na nasa kanto lang, para di napansin na nililimas na yung mga pc sa shop ng dis oras ng madaling araw.

Niyaya ko si Chris na mag-stay na lang muna sila sa shop ko para mag unwind.. Magkaron ng karamay..

Nakita ko kaming tatlo nila Bullit and Chris.. Para kaming nag-unite dahil don.. Kinalimutan lahat ng nakaraan.. Naging isa dahil sa isang masamang pangyayari.

Sana panaginip lang to. Nalulungkot pa din ako pag naiisip ko na wala ng source of income ang kaibigan ko.

Kinausap ko si Mama kanina, kung may tulong pa kaming puedeng maibigay kay Chris. Sigurado daw siya na sindikato ang bumiktima kila Chris. Di lang naman kasi kay Chris nangyari to.. Madami ding mga shop ang nagsasara dahil ninanakaw ang mga pc nila. Buti sana kung isa lang.. ang masaklap eh isang bagsak lang ang nakawan.. parang isang umaga pagbukas mo ng shop.. Wala na pala lahat ng pc mo. Nakakatakot isipin..

Dapat talaga ready ka sa lahat ng oras kasi sa bansang ito...
Wala kang ibang aasahan kundi ang sarili mo.

No comments: