Malas ata ako ngayong May.
Until now, I'm still in shock on what happen to me last night.
Somebody stole my bag in my shop.
Lahat ng importanteng id's nandon; my atm, TIN card, driver's license.. etc.
I lost my cash and wallet... isama mo pa don yung kikay kit ko.
Pumasok kasi ako sa loob ng bahay due to nature call. Around 12 am, I told my brother to look after the counter while playing ragnarok. When I opened the door, may 2 lalaki don sa tindahan.. nakita na may computer shop pala kaya pumasok. He asked me how much was the internet rental, I talked to him for a while and he told me that he'll just wait for his friend. So, I said 'Ok' and left him with my brother who's just occupying the pc near the counter. When I got back, wala na yung lalaki. Sa loob-loob ko lang.. That's ok. I'm about to close the shop by 1:00 am.
Around 1, don ko na napansin na wala na pala yung bag ko. Hinalughog ko na yung buong counter, wala talaga. Huling kita ko sa bag ko is around 11pm kasi nagpapalit pa yung cashier namin. Sobrang nanlumo ako. Hindi ko maimagine na puedeng mangyari sa kin to ng dalawang beses sa isang buwan. I lost a cash worth 5+K. Naiyak talaga ako.. and until now.. Naluluha pa din ako sa sobrang hinayang and galit.
Umuwi akong nanglulumo.. I talked to my friend Kian on the phone, medyo nahimasmasan ako. Pero alam mo yung feeling na gusto mong matulog pero di ka makatulog kasi di mo matanggap sa sarili mo na wala kang pera bukas pag gising mo? Kasama na don yung wallet and everything.. Waaaa!! Yung mga pictures ko!! Syet! pati pala picture ni Legolas nanakaw.
First week of the month, I also lost 3+K on my car. I was too sleepy and didn't notice that I left it on my car. I last seen my pouch when I pay the toll fee so I know I didn't left it anywhere else. Who's the culprit? My mom's driver... Nakasalubong ko kasi siya pag uwi, he told me na nasira daw yung service car pangkuha ng dyaryo kaya hihiramin daw nya sa kin yung revo. Binigay ko naman yung susi, may pahabol pa kong sabi.. "Pa-gasan mo yan ha.. kakapa-gas ko lang nyan kanina." Goodbye pouch with the cash inside it... Until now, he's still denying that he never saw it. Ang nagagawa nga naman ng pera sa tao.
Before I lost my cash, nasaksak yung likod ng aircon na gamit ko dito sa shop. So, syempre.. nasa likod siya ng shop hindi ko nakita kung sino ang gumawa. Kinabukasan, pinaayos ko yung aircon. Tinamaan yung compressor pati yung mga tubes. Ginawan na lang ng paraan para magamit ko pa. Naiyak ako sa fee nung gumawa, ako na nga bumili ng freon pero ang laki ng binayaran ko. I was thinking that time na bibili ako ng bagong aircon. Target ko sana before the month ends, may bago na kong aircon... Mabayaran yung ibang bills... Or kaya mapatanggal ko na tong brace ko at magpalagay ng bridge teeth sa bagang. Nanlulumo pa din ako pag naiisip ko.
Sa nangyari sa king to.. Naisip ko, eto ang panahon na dapat magpakatatag at magsipag ng husto. Kelangan kong ibawi ang nawala sa kin.
Naisip ko lang.. Pano kaya nakakatulog ang mga magnanakaw?
Bago ba sila matulog, naiisip ba nila yung perhuwisyo na nagawa nila sa kapwa nila?
Sana kahit yung mga importantend ID's, maibalik sa akin.
Yon na lang dapat ang ipagdasal ko gabi-gabi.
Sa kanila na yung pera... kaya ko pang bawiin yon.... tangina sila.
(huh! yon na lang ang kaya kong sabihin.. sana kunin na din sila ni satanas)
May 23, 2005
May 20, 2005
Halo-Halo
Nakareceive ako ng call from Maynard awhile ago. Actually, nagtatanong lang siya ng direction ng daan papuntang Laguna hanggang sa napunta kung saan-saan yung usapan namin. One of our topics is my lovelife. Nakakatuwa lang how we discuss about my current situation na parang akala mo wala kaming past. Tawa lang kami ng tawa.. Natatawa din ako sa sarili ko, para kasing ang level ng age ko is nasa early 20's. Tama ba namang ganon pa din? Ewan ko, medyo mas open akong sabihin kay Maynard yung situation ko pero kay Bullit na kasama ko araw-araw eh natatakot ako. Hala... 3 and half years na. Parang pansit sa gulo pa din ang sitwasyon namin. Ano ba yan.. napapag-iwanan na ata ako. Ikakasal na next week yung friend ko. Sino kaya ang susunod sa mga friends ko nung highschool? Oh well, I'm not expecting na ako na. Walang ka-kwenta-kwenta ang lovelife ko.
Parang mas gusto ko na lang maglaro ng gunbound kesa ma-hook sa dating. Nakakapagod ... nakakadala ang relationships. There are some people na masyadong eager magkabf/gf pero ako.. tapos na ata sa ganong stage. Parang masaya na din ako sa buhay ko. Minsan, naiisip ko.. kung yung sarili ko nga hirap na hirap akong buhayin, what more pa kaya kung dalawa na kami.. at madagdagan pa ng isang chikiting. Ang hirap kayang mabuhay sa Pinas.
Parang ang tagal ko na atang nagpapakabulok dito sa shop. Ang dami ko ng namimiss na mga friends.. Yung mga ali peeps, di ko na nakikita.
Last week, nawalan ako ng pera. Medyo malaki-laki, dagdagan na lang ng 1k pambayad ko na ng electric bill. Don ko naramdaman yung effect ng hirap. Dati nakakapag dinner pa ko sa maayos na restaurant kahit twice a month, nabibili ko yung mga gusto ko, nakakapanood ako ng sine anytime na gustuhin ko. Pero ngayon, parang dapat 1 beses ko na lang gawin yon. Di na din ako naasa kay Mama, minsan ayoko ng kumain sa bahay. Gusto ko din sanang makapag ipon pero sa mga bills pa lang.. nangagamote na ako. Isama mo pa dyan ang tax pati yung bababayaran mo pang business permit. Hay!! Hirap talaga.
2 months ko pa gustong iblog to eh, kaso tinatamad ako.
Nung pumunta kami sa Baguio, dumaan kami ng North Expressway. Ay naku! Grabe naman ang toll fee don. Pag pasok mo pa lang eh magbabayad ka na ng P40.00+ tapos pag exit mo eh magbabayad ka pa ulit ng P200.00+.
Grabe.. parang papatayin kaming mga Filipino sa mga toll fee na to.
Last January, nagtaas din ang South Super Highway ng 5.00. At dahil taga-Bicutan ako, 25.00 na ang binabayaran kong toll fee. Naisip ko lang, pano na yung mga pabalik-balik ng highway katulad ng taxi, jeep, and bus? Isipin mo.. dapat may 50.00 akong budget pag aalis ako, idagdag mo pa don yung parking fee kung saang lupalop ako pupunta. Grrrr... Kasama pa yung gas na ico-consume ko. Waaaa!! Ang hirap mabuhay sa Pilipinas!!
Ay naku.. iba pa pala ang presyo ng mga bus sa SSH! Eto ang tinatawag na lantarang HOLDAP sa kalye! Minsan, naiisip ko.. mas gusto ko pang mag-commute. Parang mas makakatipid pa ngayon ang mag commute kesa magdala ng sariling sasakyan. Kaso tataas na din pala ang pamasahe. Saan na ba ko lulugar ngayon?
Buti na lang.. may Darna at Enkantadia na. Kahit papano mababawasan ang mga sentimyento ko sa buhay... buti meron na ding gunbound.
Sorry sa alimasag, di ko na nagagawa ang duties ko.
Kaya mahirap talaga mag-asawa.
Ang hirap kumita ng pera.

Subscribe to:
Posts (Atom)