Malas ata ako ngayong May.
Until now, I'm still in shock on what happen to me last night.
Somebody stole my bag in my shop.
Lahat ng importanteng id's nandon; my atm, TIN card, driver's license.. etc.
I lost my cash and wallet... isama mo pa don yung kikay kit ko.
Pumasok kasi ako sa loob ng bahay due to nature call. Around 12 am, I told my brother to look after the counter while playing ragnarok. When I opened the door, may 2 lalaki don sa tindahan.. nakita na may computer shop pala kaya pumasok. He asked me how much was the internet rental, I talked to him for a while and he told me that he'll just wait for his friend. So, I said 'Ok' and left him with my brother who's just occupying the pc near the counter. When I got back, wala na yung lalaki. Sa loob-loob ko lang.. That's ok. I'm about to close the shop by 1:00 am.
Around 1, don ko na napansin na wala na pala yung bag ko. Hinalughog ko na yung buong counter, wala talaga. Huling kita ko sa bag ko is around 11pm kasi nagpapalit pa yung cashier namin. Sobrang nanlumo ako. Hindi ko maimagine na puedeng mangyari sa kin to ng dalawang beses sa isang buwan. I lost a cash worth 5+K. Naiyak talaga ako.. and until now.. Naluluha pa din ako sa sobrang hinayang and galit.
Umuwi akong nanglulumo.. I talked to my friend Kian on the phone, medyo nahimasmasan ako. Pero alam mo yung feeling na gusto mong matulog pero di ka makatulog kasi di mo matanggap sa sarili mo na wala kang pera bukas pag gising mo? Kasama na don yung wallet and everything.. Waaaa!! Yung mga pictures ko!! Syet! pati pala picture ni Legolas nanakaw.
First week of the month, I also lost 3+K on my car. I was too sleepy and didn't notice that I left it on my car. I last seen my pouch when I pay the toll fee so I know I didn't left it anywhere else. Who's the culprit? My mom's driver... Nakasalubong ko kasi siya pag uwi, he told me na nasira daw yung service car pangkuha ng dyaryo kaya hihiramin daw nya sa kin yung revo. Binigay ko naman yung susi, may pahabol pa kong sabi.. "Pa-gasan mo yan ha.. kakapa-gas ko lang nyan kanina." Goodbye pouch with the cash inside it... Until now, he's still denying that he never saw it. Ang nagagawa nga naman ng pera sa tao.
Before I lost my cash, nasaksak yung likod ng aircon na gamit ko dito sa shop. So, syempre.. nasa likod siya ng shop hindi ko nakita kung sino ang gumawa. Kinabukasan, pinaayos ko yung aircon. Tinamaan yung compressor pati yung mga tubes. Ginawan na lang ng paraan para magamit ko pa. Naiyak ako sa fee nung gumawa, ako na nga bumili ng freon pero ang laki ng binayaran ko. I was thinking that time na bibili ako ng bagong aircon. Target ko sana before the month ends, may bago na kong aircon... Mabayaran yung ibang bills... Or kaya mapatanggal ko na tong brace ko at magpalagay ng bridge teeth sa bagang. Nanlulumo pa din ako pag naiisip ko.
Sa nangyari sa king to.. Naisip ko, eto ang panahon na dapat magpakatatag at magsipag ng husto. Kelangan kong ibawi ang nawala sa kin.
Naisip ko lang.. Pano kaya nakakatulog ang mga magnanakaw?
Bago ba sila matulog, naiisip ba nila yung perhuwisyo na nagawa nila sa kapwa nila?
Sana kahit yung mga importantend ID's, maibalik sa akin.
Yon na lang dapat ang ipagdasal ko gabi-gabi.
Sa kanila na yung pera... kaya ko pang bawiin yon.... tangina sila.
(huh! yon na lang ang kaya kong sabihin.. sana kunin na din sila ni satanas)
No comments:
Post a Comment