
Parang mas gusto ko na lang maglaro ng gunbound kesa ma-hook sa dating. Nakakapagod ... nakakadala ang relationships. There are some people na masyadong eager magkabf/gf pero ako.. tapos na ata sa ganong stage. Parang masaya na din ako sa buhay ko. Minsan, naiisip ko.. kung yung sarili ko nga hirap na hirap akong buhayin, what more pa kaya kung dalawa na kami.. at madagdagan pa ng isang chikiting. Ang hirap kayang mabuhay sa Pinas.

Parang ang tagal ko na atang nagpapakabulok dito sa shop. Ang dami ko ng namimiss na mga friends.. Yung mga ali peeps, di ko na nakikita.

Last week, nawalan ako ng pera. Medyo malaki-laki, dagdagan na lang ng 1k pambayad ko na ng electric bill. Don ko naramdaman yung effect ng hirap. Dati nakakapag dinner pa ko sa maayos na restaurant kahit twice a month, nabibili ko yung mga gusto ko, nakakapanood ako ng sine anytime na gustuhin ko. Pero ngayon, parang dapat 1 beses ko na lang gawin yon. Di na din ako naasa kay Mama, minsan ayoko ng kumain sa bahay. Gusto ko din sanang makapag ipon pero sa mga bills pa lang.. nangagamote na ako. Isama mo pa dyan ang tax pati yung bababayaran mo pang business permit. Hay!! Hirap talaga.
2 months ko pa gustong iblog to eh, kaso tinatamad ako.
Nung pumunta kami sa Baguio, dumaan kami ng North Expressway. Ay naku! Grabe naman ang toll fee don. Pag pasok mo pa lang eh magbabayad ka na ng P40.00+ tapos pag exit mo eh magbabayad ka pa ulit ng P200.00+.

Grabe.. parang papatayin kaming mga Filipino sa mga toll fee na to.
Last January, nagtaas din ang South Super Highway ng 5.00. At dahil taga-Bicutan ako, 25.00 na ang binabayaran kong toll fee. Naisip ko lang, pano na yung mga pabalik-balik ng highway katulad ng taxi, jeep, and bus? Isipin mo.. dapat may 50.00 akong budget pag aalis ako, idagdag mo pa don yung parking fee kung saang lupalop ako pupunta. Grrrr... Kasama pa yung gas na ico-consume ko. Waaaa!! Ang hirap mabuhay sa Pilipinas!!
Ay naku.. iba pa pala ang presyo ng mga bus sa SSH! Eto ang tinatawag na lantarang HOLDAP sa kalye! Minsan, naiisip ko.. mas gusto ko pang mag-commute. Parang mas makakatipid pa ngayon ang mag commute kesa magdala ng sariling sasakyan. Kaso tataas na din pala ang pamasahe. Saan na ba ko lulugar ngayon?

Buti na lang.. may Darna at Enkantadia na. Kahit papano mababawasan ang mga sentimyento ko sa buhay... buti meron na ding gunbound.
Sorry sa alimasag, di ko na nagagawa ang duties ko.

Kaya mahirap talaga mag-asawa.
Ang hirap kumita ng pera.
1 comment:
hoy babae may bayad na ang gunbound bait naglalaro ka pa din? :D
Post a Comment