Sep 5, 2005

I'm bored again

After a relaxing day... tama ba term ko? relaxing? hmmmm.... parlor and dentist visit after lunch and shopping at the afternoon.. I don't know kung relaxing nga yon pero medyo magaan pakiramdam ko.

I was trying to make my hair long.. pero nakakairita kasi nagpa-fly away ang buhok ko. After 2 months of resisting myself to trim my hair di ko rin napigil magpagupit... but not really that short like before pero ok na ko sa buhok ko ngayon.
Last month, I bought clips, hairbands, at lahat ng kaechosan for my hair. Preparing for my hair pag haba nito pero nakakainis.. di na ko marunong mag ayos ng buhok like before in my teenage days.

Napansin ko lang kanina don sa parlor (kasi madaming customers) is nagdadala ng bata yung mga customers tapos parang mas disaster ang buhok nila sa kin. Actually, bagong open lang yung parlor and ang mura ng services nila.. 39.95 for trim. Mostly 100+ na pagupit ngayon, mas lalo na pag sa mall ka pumunta. Medyo natuwa ako sa price kaya nagpa highlights na din ako. Anyway, patawarin sana ako ni God kasi masyado na naman akong malupit mamintas. Medyo di kasi ako satisfied sa gupit nila. I was thinking na lumipat na lang pero tinawag na ko nung cashier kaya no choice.. umupo na din ako. I was talking to the hairdresser kung anong gusto ko pero di nya alam yung style na gusto ko. As in gusto ko ng mag evacuate kaso nashampoo na ang buhok ko.. baka sasaksakin ako ng gunting kung bigla kong sabihin na ayaw ko na..Pero.. Cute naman ang outcome. Weeee! I know he'll be surprised when he see me on tuesday. hahahaha! Buti na lang maayos ang pagkakagupit sa kin kung hindi.. malamang super short na naman ang buhok ko sa back job.

It's 1:00 in the morning.. and I still have 2 customers. Medyo bored and antok na. Tinatamad naman akong maglaro. Ewan ko.. basta nabobored ako.

Yesterday, 2 days akong alang tulog. Nakakainis talaga sa mga gumagawa ng mga virus and scripts!! 3 pc ang nireformat namin tapos 2 ang inayos dahil sa script na yan. Nakakabwisit pa kasi saturday yon!! Puede akong maglakwatsa kaso napako na ako dito sa shop. Nung matapos namin yung mga pc around 1pm, di na ko natulog. Nanood pa kami ng sine ni Bullit. Grabeng energy.. Siguro ganon talaga pag mahal mo yung isang tao, kahit ano pang nararamdaman mo, bibigyan mo pa din siya ng oras kahit kelangan mo na magpahinga. Actually, wala na din akong time for Bullit or sa kahit anong relationship. Ok lang naman... kelangan ko magconcentrate sa negosyo.

He invited me to go to Singapore this October or May next year. Vacation lang ng 1 week. Sana di mabago plano namin. Gusto ko yung bakasyon na yon.. Syempre, mas gusto ko kasi kasama siya.

4 comments:

Anonymous said...

neknek mo! wala daw time kay B pero kahit dapat matulog na, arya pa rin! :p (*lol* nang iinis lang, 'lam mo naman champ ako dyan eh, he he) psst, paki hello kay fafah mo...

bru, ang weird ng link ng comment box mo ha!

Joanne said...

medyo weird nga.. pati yung shoutbox ko.. medyo weird.. :(
U have to click "chat" to view the comments..

nyahahaha!! Valedictorian kamo sa pang-iinis :p
Hi lang 'te? walang kasamang kiss sa pwet? :))

as in super duper busy and byuti ever ko.. kung magkatime ako later.. post ko sa blog.

Neknek mo din! nyahaha! miss u 'te! mwah!

Ililibre kita sa sine basta libre mo ko ng pamahasahe papunta dyan :p

Anonymous said...

sus, kiss lang sa twet gusto mo?..sure, kiss na sa twet ko, dali! he he

pamasahe lang ba papunta dito gusto mo? maning-mani..cge mag-antay ka lang ng mga 20 years pa, okay?

:P

Joanne said...

Nyahaha!! 20 years? Not bad.. sige... umpisahan mo na 'teng mag ipon.. hahaha! :D