4 days na kong di natutulog sa bahay ng gabi.. Ewan ko ba natatakot pa din ako kahit matagal na kong nakatira don. Pag palapit na kasi ang halloween, nakakaramdam ako ng di maganda sa paligid kaya nakikitulog ako kila mama and this time.. sa kwarto naman ng mga babies namin. Yesterday pag-uwi ko around 6am, napa-idlip ako. Pag gising ko parang wavy ang pakiramdam ko.. napansin ko yung wall bandang paahan ko na may portrait ko (pero payat ako don pramis), ang kakaiba lang don parang 3D siya.. gumagalaw yung drawing; hinahangin yung buhok ko tapos parang ang saya-saya ko don. Napuna ko na may katabi akong lalaki na naka-all white.. Sabi ko sa kanya, "Uy.. tingnan mo oh.. Ang ganda ng pagkakagawa" Parang nagulat sya sa kin.. Sabi nya.. "Balik ka na.. bilis balik ka na.." Nagtataka ako don sa lalaki.. at nagising na nga ako. Mga bandang hapon na dito sa shop nung naalala ko ulit yung "panaginip" ko. Para kasing totoo.. Hanggang sa nafinalize ko na nakapag-astral projection na naman pala ko but this time, medyo weird talaga siya kasi may lalaki akong kasama sa kwarto. Sino kaya yon? Sure ako na kilala ko siya pero di ko matandaan kung anong connection nya sa kin. Sabi sa kin ng sister ko, baka daw binabantayan ako ng guardian angel ko tapos nagulat siya nung lumabas yung spirit sa katawan ko kaya pinapabilis na bumalik ako. Anyhow.. Thank you my guardian angel :) Talagang binabantayan mo ko :)
.... And promise my guardian angel.. di na kita papabantayin kahit kanino. Nung college ako, may bf ako na halos namuti ang mata ko kakahintay sa kanya eh inindyan ako. Di siya nagpe-page sa kin (dahil di pa naman uso ang text non kaya page lang). Sobrang worry ko, nagdasal ako at inutusan ko yung guardian angel ko na bantayan yung bf ko kasi baka naaksidente siya or whatever na may masamang nangyari sa kanya. Napa-idlip ako habang nag-iintay. Napakadilim ng kwarto, yung ilaw lang galing sa tv ang liwanag, nakikita ko yung mga kasama ko sa bahay pero sobrang dilim. Kinakausap ko yung mga kasama ko sa bahay pero di nila ko pinapansin, parang di nila ako nakikita. Lungkot na lungkot ako tapos bigla akong nagising. Bumangon ako, paglabas ko ng kwarto.. kung anong pwesto at kinakain ng mga kasama ko.. ganon na ganon din sa panaginip ko. Madaming beses na din nangyari sa kin to. Most of the time, pag sobrang depress ako pero yung kahapon.. di naman ako super depress. Depress lang pero not to the point na kelangan kong uminom ng lexaton para maibsan ang nararamdaman ko.
Anyway.. Nov. 1 na ngayon. Sana lang, tama na ang paramdam at masyado na kong natatakot. And promise po.. magdadasal ako mamya para sa "inyo".
No comments:
Post a Comment