Jul 6, 2004

Chukchakchenes

Wala naman.. adik na naman ako sa Sims. :D
Di ko muna ininstall yung Sims Unleashed, superstar, and Makin' magic.. ieexplore ko muna yung vacation, hotdate, livin' large, atsaka houseparty. hehehe!! natatawa ako sa player ko, pati babae pinapatos. :D

I went to my dentist late in the afternoon, sa thursday na makakabit yung brace ko. hay! I'm broke but happy. :)
Papayat kaya ako pag kinabit na yon? Magandang advantage yon ah.

Andami kong unpaid bills ngayon.
Nawala na naman ako sa mga pina-prioritize ko. Di bale, basta trabaho lang ng trabaho... mababayaran ko din yan. Baka next month na lang yung cable connection ng internet. Iaayos na lang namin muna ni Ian ang mga pc para wala ng proxy na gagamitin.

Ilang araw ko ding di nakausap and nakatext si Bullit. Medyo tumahimik ang mundo ko. He called on me ng lunch time, nakausap daw nya si Mama sa phone tapos sabi ni madir, ala daw ako.. di nya alam kung san ako pumunta. Natakot na naman si mama na baka nagkabalikan kami ni panget. Hay! sarap buhay! Sana tuloy-tuloy ng stable tong isip ko. Kaya ko din naman pala eh.

May narealize lang ako kanina pag gising, kasi bakit minsan pag nag end ang isang relationship eh bakit nag-e-end up na magkaaway sila? Di ba puede yung lalabas pa din kayo, mag-eenjoy kayo sa company ng isa't-isa.. parang ganon. Si Chris ang naaalala ko na ganto ang friendship namin kahit naghiwalay kami. Si Bullit kaya eh kelan? Siguro nasa akin yung problema. Kahit kelan, di naman nagalit sa kin yon, siguro nainis.. Oh siya.. iba pa din yung kinaliwa nya ko. (that's unforgivable baby).. At bakit naman kaya siya magagalit, to think na siya ang may problema. Gusto ko yung naiisip ko kaninang umaga.. yung lalabas kami uli ni bullit or kung sinong ex ko na wala ng extra baggage from the past. Siguro, mas masaya yon.

Namimiss na daw nya yung makipag-inuman dito sa amin, namimiss daw nya yung mga tao. He invited me na lumabas sa sunday tapos biglang back out siya kasi may inuman daw sila... Yan ang nakakainis sa kanya, mag iinvite tapos di naman sigurado sa oras nya. Ay naku.. sumasama naman kasi ako kahit na sino sa mga friends ko ang mag-invite sa kin mas lalo na kung sine ang pag-uusapan at kung may oras talaga ako. He informed me na igi-give up na daw nya yung line nya sa globe, actually, naunahan lang nya ako. I also wanted to surrender the simcard he gave me kasi sobra na ako sa bills. Gusto ko na din mag-let go. Yung walang makakapag-paalala sa kanya para mabilis ang healing process ko... but how can I heal if I'm not sure kung napatawad ko na siya? Minsan, parang ang hirap ipaintindi sa kanya yon na lubayan muna nya ako kahit isang taon lang para naman matutunan ko ulit mabuhay ng wala siya... pero nasa akin na din naman kung gusto kong mag let go coz if I really wanted to move on, kahit nandyan pa siya ... magmu-move on ako.

Think Jo.. think about it...

Jul 3, 2004

WANTED: Poging Kontyuter Attendant

It's been 3 weeks at wala pa din akong assistant. I'm exhausted and bored but then.. I have no choice. I'm glad, Owen is still helping me here especially when I have an important things to attend too. By appointment nga lang. Ayoko din masanay na nandyan siya.

Right now, I'm waiting for my customer na matapos sa pagchachat nya but for sure, mag-eextend pa tong si Pogi. Pinagtitiyagaan ko na lang kasi walang customer kanina.

I'm so kaka-lazy lately. I should have called my dentist last week pa coz matutulungan nya ako sa problema ko sa kasama dito sa shop. Nagda-dalawang isip ako... I really prefer a female assistant but I'm afraid na "what if mahirap turuan, and walang interes sa games and computer?" Hay! Sabi nga ni Bullit, lalaki na lang daw. Until now, bine-base ko pa din ang desisyon ko sa gusto nya. Oh well. Siya na lang kaya ang gawin kong ASSistant?

I'm planning na mag-cable na lang instead of dial up. Para makapagpa-ragnarok na ko dito. Medyo may conflict kasi eh. Actually, inayos na kanina tong pc. Na-trojan na naman ako. XP na naman ang OS ko. Sana naman ngayon, wag na akong ma-virus. May virus na nga ang utak ko.. pati ba naman pc!
Ayon, minsan gusto ko ng murahin ang sarili ko... kasi yung cable company eh di ko na tinawagan since nag-inquire ako last week. Antamad mo Jo!!

Nanood kami (Ate Thess, missy, and ivy) ng Spiderman yesterday sa Rockwell. Ang ganda :D ansarap pa ng popcorn don. Takaw! hehehe! Actually, humabol na lang ako. After nung movie, medyo umikot pa kami sa Rockwell, naghanap ng singsing kasi balak kong regaluhan ang sarili ko. Wala kaming nahanap. Puro fancy yung nakita namin, mga pang-kikay stuff talaga. Tingin na nga lang ako sa Ongpin, baka nandon yung trip ko.
Bact to topic.. After ng window shopping, I invited them to come over my house and don na mag-dinner. Di naman sila nagdalawang isip :D Supposed to be eh dapat sila jeff, rc, neo, and ate sups and dapat pupunta dito sa bahay, I promised them last week na if ever na magkita-kita ulit eh sa haws ko na lang tutuloy tapos magluluto na lang ako. Since di natuloy at puro gurls kami, and unexpected ang dinner sa haws, nag-Andoks na lang.
Buwan pala ang binilang ko bago uli nakakain sa sariling bahay ko. Pramis! Naalala ko na naman tuloy si Bullit. The day after my bday, may hangover pa kami at nag-lunch sa bahay. Since non, di na nasundan pa ng kahit sinong bisita ang bahay... at di na nadumihan ang mesa.. di na din nagulo ang kusina. "A clean kitchen isn't a happy kitchen"... Eh pano na ang maalikabok? :s

(Ayan.. nag-extend pa nga ng 1 hr si Pogi)

Mahaba-habang kwentuhan pa to.

After dinner, kwentuhan pa kami ng konti tapos nagyaya na sila sa shop. Nag internet sila ate and lucci, tapos kami naman ni rye eh tumambay na lang sa labas. Si rye lang ang nakakita sa mga babies ko. Kahiya nga kasi ang dungis na naman ng mga aw-aw ko. Ay naku! pinaliguan ko yung dalawa kanina salbaheng Achilles yan! grrr!! bawat buhos ko ng tubig, panay ang wag-wag ng balahibo, panay pa ang habulan namin. Tatalian ko na yon next time. Mahirap na siyang paliguan unlike Schat na napaka-hinhin. Ayon lang, parang ayaw na nya atang lumaki. Nakukuha ata lahat ni Achilles ang sustansya. Pag tinignan sila ngayon, di na sila mukhang magka-edad. Mukha pa ding 2 weeks old ang Schat ko. Yung iba, di Schat ang tawag sa kanya... Barbie daw kasi mahinhin gumalaw. Naku! kung marinig mo namang tumahol eh pagkalakas-lakas! (yes, tumatahol na si Schat at si Achilles, magaling lang umiyak... baligtad sila. Makes sense, lumabas ang pagiging babae nya. hehehe! kawawa ang magiging asawa ni Schat, bungangera eh. hahaha!!!)

Nawala na naman ako sa topic. Inabot na kami ng 1:30 dito sa shop bago sila nagdecide na mag-uwian na. At syempre, di ko na pinahirapan pa ang Suplada.. sinipa ko na lang pauwi sa kanila. hahaha!! joke lang.. hinatid ko siyempre ang suplada kong Ate. Mamimiss ko yung halos 3 oras na kwentuhan sa phone. Yung walang katapusang tsismisan at kung ano-ano pa. Sa ym na lang ulit kami magkikita. Pero atleast nakita ko na yung mukha behind her avatar. Kakaibang experience na naman to. Kagabi,sabi nya.. baka last na kita na daw namin yon. Ako, ayaw kong isipin na ganon.. magkikita pa ulit kami ni Ate... Kung di dito sa Pinas, don na sa Holland.
I have to fulfill my dream before I die... Sino na kaya ang makakasama ko sa place na yon? Don sa place na gusto kong puntahan sana namin ni Bullit pag successful na kami sa kanya-kanyang karera namin sa buhay. Hay! Hanggang pangarap na lang pala na si Bullit ang kasama ko. Siguro nga may dadating pang MAS hihigit sa kanya. Di ko pa man maisip kung kaya ko pang magmahal katulad ng pagmamahal na naramdaman ko para sa kanya, basta ang alam ko.. mas mamahalin ako nung tao na yon kaysa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya.