Jul 3, 2004

WANTED: Poging Kontyuter Attendant

It's been 3 weeks at wala pa din akong assistant. I'm exhausted and bored but then.. I have no choice. I'm glad, Owen is still helping me here especially when I have an important things to attend too. By appointment nga lang. Ayoko din masanay na nandyan siya.

Right now, I'm waiting for my customer na matapos sa pagchachat nya but for sure, mag-eextend pa tong si Pogi. Pinagtitiyagaan ko na lang kasi walang customer kanina.

I'm so kaka-lazy lately. I should have called my dentist last week pa coz matutulungan nya ako sa problema ko sa kasama dito sa shop. Nagda-dalawang isip ako... I really prefer a female assistant but I'm afraid na "what if mahirap turuan, and walang interes sa games and computer?" Hay! Sabi nga ni Bullit, lalaki na lang daw. Until now, bine-base ko pa din ang desisyon ko sa gusto nya. Oh well. Siya na lang kaya ang gawin kong ASSistant?

I'm planning na mag-cable na lang instead of dial up. Para makapagpa-ragnarok na ko dito. Medyo may conflict kasi eh. Actually, inayos na kanina tong pc. Na-trojan na naman ako. XP na naman ang OS ko. Sana naman ngayon, wag na akong ma-virus. May virus na nga ang utak ko.. pati ba naman pc!
Ayon, minsan gusto ko ng murahin ang sarili ko... kasi yung cable company eh di ko na tinawagan since nag-inquire ako last week. Antamad mo Jo!!

Nanood kami (Ate Thess, missy, and ivy) ng Spiderman yesterday sa Rockwell. Ang ganda :D ansarap pa ng popcorn don. Takaw! hehehe! Actually, humabol na lang ako. After nung movie, medyo umikot pa kami sa Rockwell, naghanap ng singsing kasi balak kong regaluhan ang sarili ko. Wala kaming nahanap. Puro fancy yung nakita namin, mga pang-kikay stuff talaga. Tingin na nga lang ako sa Ongpin, baka nandon yung trip ko.
Bact to topic.. After ng window shopping, I invited them to come over my house and don na mag-dinner. Di naman sila nagdalawang isip :D Supposed to be eh dapat sila jeff, rc, neo, and ate sups and dapat pupunta dito sa bahay, I promised them last week na if ever na magkita-kita ulit eh sa haws ko na lang tutuloy tapos magluluto na lang ako. Since di natuloy at puro gurls kami, and unexpected ang dinner sa haws, nag-Andoks na lang.
Buwan pala ang binilang ko bago uli nakakain sa sariling bahay ko. Pramis! Naalala ko na naman tuloy si Bullit. The day after my bday, may hangover pa kami at nag-lunch sa bahay. Since non, di na nasundan pa ng kahit sinong bisita ang bahay... at di na nadumihan ang mesa.. di na din nagulo ang kusina. "A clean kitchen isn't a happy kitchen"... Eh pano na ang maalikabok? :s

(Ayan.. nag-extend pa nga ng 1 hr si Pogi)

Mahaba-habang kwentuhan pa to.

After dinner, kwentuhan pa kami ng konti tapos nagyaya na sila sa shop. Nag internet sila ate and lucci, tapos kami naman ni rye eh tumambay na lang sa labas. Si rye lang ang nakakita sa mga babies ko. Kahiya nga kasi ang dungis na naman ng mga aw-aw ko. Ay naku! pinaliguan ko yung dalawa kanina salbaheng Achilles yan! grrr!! bawat buhos ko ng tubig, panay ang wag-wag ng balahibo, panay pa ang habulan namin. Tatalian ko na yon next time. Mahirap na siyang paliguan unlike Schat na napaka-hinhin. Ayon lang, parang ayaw na nya atang lumaki. Nakukuha ata lahat ni Achilles ang sustansya. Pag tinignan sila ngayon, di na sila mukhang magka-edad. Mukha pa ding 2 weeks old ang Schat ko. Yung iba, di Schat ang tawag sa kanya... Barbie daw kasi mahinhin gumalaw. Naku! kung marinig mo namang tumahol eh pagkalakas-lakas! (yes, tumatahol na si Schat at si Achilles, magaling lang umiyak... baligtad sila. Makes sense, lumabas ang pagiging babae nya. hehehe! kawawa ang magiging asawa ni Schat, bungangera eh. hahaha!!!)

Nawala na naman ako sa topic. Inabot na kami ng 1:30 dito sa shop bago sila nagdecide na mag-uwian na. At syempre, di ko na pinahirapan pa ang Suplada.. sinipa ko na lang pauwi sa kanila. hahaha!! joke lang.. hinatid ko siyempre ang suplada kong Ate. Mamimiss ko yung halos 3 oras na kwentuhan sa phone. Yung walang katapusang tsismisan at kung ano-ano pa. Sa ym na lang ulit kami magkikita. Pero atleast nakita ko na yung mukha behind her avatar. Kakaibang experience na naman to. Kagabi,sabi nya.. baka last na kita na daw namin yon. Ako, ayaw kong isipin na ganon.. magkikita pa ulit kami ni Ate... Kung di dito sa Pinas, don na sa Holland.
I have to fulfill my dream before I die... Sino na kaya ang makakasama ko sa place na yon? Don sa place na gusto kong puntahan sana namin ni Bullit pag successful na kami sa kanya-kanyang karera namin sa buhay. Hay! Hanggang pangarap na lang pala na si Bullit ang kasama ko. Siguro nga may dadating pang MAS hihigit sa kanya. Di ko pa man maisip kung kaya ko pang magmahal katulad ng pagmamahal na naramdaman ko para sa kanya, basta ang alam ko.. mas mamahalin ako nung tao na yon kaysa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya.

1 comment:

Thess said...

Panay OT! hahaha...sexyyyy, miss na kita!! salamat sa lahat ha, and always take care of urself...wala na ko jan para pumukpok ng ulo mo'ng sintigas ng batwo eh, hihi

anyhowkalabaw, online na lang natin ituloy ang ating apeyr, pero pag si bullit ang iku kwento mo, hay naku! TALK TO MY HAND KA!!

aylabyu, peksman ;)