Jul 30, 2004

Broke

"Ang kawawang cowboy..
may baril walang bala.... 
May bulsa, wala namang pera."
 
Sobrang nakarelate naman ako sa kanta.. 

2 days from now.. We will have a big gathering on our house because it'll be Joshua's 4th bday.  As in big talaga.. knowing my mom.. di siya papayag ang ang first apo eh walang handa.  So, she invited all of our kamag-anak and family friends.  
I saw one of our aquarium, looking so empty because almost all of our salt water fish died coz my sister cannot maintain it anymore.  I have a little cash on my pocket last night and decided to go to SM and buy some fish...  ano nga pala yung pangalan nung petshop na yon?  Anyway, it cost me 500 simoleons para lang sa mga isda but it doesn't really matter sa kapalit na ginhawa na maibibigay non pag gusto mong mag unwind sa harap ng aquarium... and ofcourse, di lang yon ang reason.  Nakakahiya naman sa mga bisita kung mga 5 pcs na isda lang ang makikita don.
 
"it's been a while, I haven't sit and relax infront of our aquarium bcoz of my busy schedule..  it just happened awhile ago while eating my merienda.  ang sarap ng feeling na nakatingin ka sa kawalanan..."
 
I went to Greenhills awhile ago.  Ok na ang printer.  Madumi pala and naihian ng lintek na daga.  Lagot talaga sa kin yang mabait na yan pag nakita ko.  Grrrrr!!!  Ang mahal ng bayad sa repair!  Nyemas.  At the same time..  nangati ang kamay ko.  Pinag-iisipan ko lang to last night pero natuloy na din.. I bought a DVD player and konting dvd movies na din.  Gusto kong maiyak kasi halos murahin ako ng pitaka ko kasi wala ng matitira sa kanya.  Sige, ok lang yan.  Atleast, may bagong gamit at mapapakinabangan ko din naman. 

I have a pic of Chi-chi, she's here with me at ayaw umalis sa kili-kili ko... Nakakuha ba naman ng instant kama.. tulog-tulog ang pobreng unggoy.   This is courtesy of my webcam na ok na din ngayon.. Yehey!!

Uncompromising position...

i know what you're thinking... Oh no.. no.. no!!!!! 

:D


Jul 29, 2004

Bloated

As I planned yesterday... natuloy ang punta ko sa Greenhills.  The printer would take 3 days to be repaired.. sabi nung technician...  Sana nga.  I have to post it here at baka makalimutan ko na naman.

Grabe... I'm so kaka-full!  Antakaw ko today!!  :(
I had my breakfast around 10 am, as in rice talaga. 
after 3 hrs, nag shawarma ako sa Ghills.. at di pa nakunteno.. nag beef brisket rice and koapao pa ako sa Le Ching.  Di na ako makahinga sa sobrang busog.  Pramis!  Bigat na bigat ako sa tiyan ko. 

Kanina naman... nag-spag pa ako kasi bday ng bro ko.. Hay! bumalik na naman ang bigat ng tiyan ko.  Greedy!!  Parang nasa leeg ko pa yung kinain ko until now.  

Dinaanan ko din si Papa sa stall nya kanina.. wala na naman siya kundi yung wife nya.  May bago daw na stall sa Marikina.. don daw siya busy ngayon.  Kung bat kasi papalit palit siya ng sim.. di ko tuloy mahagilap ang tatay ko.  Miss ko na papa ko.  :(
Well, si Mama naman... naglalambing kanina.  I'm glad nagustuhan nya yung pasalubong kong koapao.  With matching appear pa kami kanina nung tinanong ko siya kung nagustuhan nya yon.  hehehe!! 

It's nice to catch up with Ate Armi and Jun.

Sino kaya ang mananalo sa most wanted thread this year? hmmm.... :)