Sep 30, 2004

What's NEXT?!

I'm feelin' good today.

Bullit texted and asked for some favor, and I reject it.
Maybe this time.. he should learn how to do things on his own.
Maybe, that's one of the reasons..
and of course I already have Sims 2... that's why I feel so damn good today!
Mind you.. medyo nawala ang pagka-adik ko sa gunbound.

I have a new friend.. hay! sobrang kulit! and he makes my mind occupied for the whole day. Ewan ko.. feeling teenager again.. pero... lagi kaming nag-aaway pero pag nakapag-usap naman.. Ok na ulit. Magulo siya eh... magulo din ako. Kaya parehas kaming nag-guguluhan. Peace babe.. hehehe!!

WAAAAAHHHH!!!
ang pagsisimangot at pagkasungit ko this past few months eh nakaapekto sa kin.
Tiningnan kong mabuti ang mukha ko sa salamin.. at nakita ko ang isang wrinkles sa noo!!

Gosh!! I don't want to look old!!! at ayaw kong dumating sa point na yon :(

At eto pa ang isang natutuwa ako.
I'm finally moving on with my life..
Napagod na din siguro na pilit kong isinasama pa din sa buhay ko si Bullit samantalang dapat hindi na.

at ang lovelife?

Bahala na muna si Batman.
Contented na ako sa gantong buhay.

wag lang sana muna akong aatakihin ng pagkapraning. ;)

Sep 26, 2004

Nightmare



Kanina, nanaginip ako... Hindi naman siya yung tinatawag na bangungot pero kakaiba ata to.

Galing daw ako sa school at kasama ko yung yaya ko papunta sa kwarto.. medyo madilim ang kwarto nung oras na yon, ang ilaw na lang namin eh yung galing sa hagdan. Habang inaayos daw namin yung kama ko biglang may kumatok sa kwarto. Natakot ako kasi kakaiba ang mga boses.. sabi "Tulungan nyo kami.. tulungan nyo kami..." Pagpunta namin sa pinto.. nakita ko yung mga humihingi ng tulong kasi may uwang na yung ilalim ng pinto ko. Isang babae dalaga na at isang bata na age 12-14 years old. Maliwanag sa isip ko yung mukha ng batang lalake kasi siya yung nasa bandang hagdan at nakikiingay sa paghingi ng tulong, samantalang yung babae eh natatakpan yung mukha ng pinto at parang nakadapa. Feeling hopeless.. kinuha ko yung celfone ko. Gusto kong humingi ng tulong sa labas pero di ko na nagawa kasi nagigiba na yung pintuan. Hinawakan namin yung pinto at nagdasal ako. Dasal na hindi ko alam kung pano ko mabibigkas dahil wala ng boses na lumalabas sa kin. Panay ang hingi nya ng tulong.. gusto kong sabihin na "hindi ko kayo kayang tulungan".. "Magdasal.. magdasal tayo." Nasira yung pinto ko.. tumakbo na daw kami palabas ng bahay. Sa hallway sa apartment namin eh puno na din pala ng multo. Nakita ko yung pamangkin ko.. kinarga ko daw siya palabas ng bahay at sabay kaming umiyak dahil wala pala sila daddy and mommy. Nagising na ko.

Alam ko yung feeling na yon nung nagising ako.. Maraming beses ng nangyari to, panaginip or sa totoong buhay... pero kakaiba talaga to.

Iniisip ko na isang senyales to na kelangan kong magsimba. So.. I decided na umattend ng 4:15 mass sa church namin. Isinama ko sa dasal ko ang nakakatakot na panaginip na yon... but what makes me freak out is this boy who sat infront of me. He's wearing a penshoppe black shirt... I know his face.. and it resembles to the boy in my dreams!

Fuck! Ayoko talaga ng gift na to!!

Gusto ko sanang lapitan yung bata after mass pero nagsesermon pa lang yung pari, umalis na siya... at siya lang mag-isa!!

Oh boy... how can I sleep tonight? : (

Sep 23, 2004

Pedicure.. anyone?

Habang nagpapamanicure/pedicure ako kanina.. napagkwentuhan na naman namin ng manicurista ko si Bullit. She's been my manicurista since I graduate kaya updated ang lola sa bawat chapter ng katangahan ko. 4 days kaming walang communication... medyo maganda na uli ang takbo ng utak ko pati na din ang kwento kay Jun, at sa isang bagong kakilala. We were texting... the new friend and Jun ng biglang may nagtext sa kin na ang pangalan ay Bullit. Nakaramdam ata na pakonti-konti na akong nawawala sa kanya. Nagtataka lang ako kasi everytime na may iba akong nakikilala at nag-eenjoy na sa sarili kong buhay eh bigla siyang sumusulpot. Baket kaya siya ganon?

Di ko maintindihan yung feeling eh.. pero di naman siya magulo. Di ko lang siguro pinag-uukulan ng pansin kasi busy ako lately and madaming nagpapa-occupy sa isip ko.

Bakit pag nagmahal tayo, pag dumating ang punto na hindi mo na kaya pero nandon ka pa din. Kahit nasasaktan ka nya, tumatahimik ka lang. Dahil ba sa duwag ka lang na harapin ang katotohanan na hindi ka na nya mahal or takot ka lang harapin na wala kang makakasama habang buhay? Siguro kaya mo naisip na panghabang buhay na siya na ang kasama mo eh dahil nai-devote mo na ang lahat ng oras mo sa kanya.. hindi lang ang oras kundi ang mundo mo. Mas close ka na nga sa mga kaibigan nya kesa sa mga kinalakihan mong kaibigan. Bakit pag dumating ang oras na ayaw mo na at gusto mo ng magsimula eh nalulungkot ka. Nakakalungkot kasi antagal nyong nagsama tapos mapupunta din pala sa wala ang lahat. Sa ilang taon na umiyak, tumawa, nagalit, nalungkot ka at siya ang nasa tabi mo.. Hindi ba't nakakalungkot isipin na hanggang doon na lang. Minsan, mahirap harapin at tanggapin ang katotohanan na ang lahat ng bagay ay may katapusan.
Siguro nga hanggang don na lang.
Siguro nga, madami pa kong makikilala.
Siguro nga, madami pa akong dapat matutunan.
Malamang ganon na nga.

Yan ang naisip ko habang nagpapalinis ng kuko.

Hay.. buti na lang mabilis natapos, maglalaro pa kasi ako ng gunbound. :D
Konting experience na lang.. metal axe na ko. lol!
Naglaro kami ni Lara nung isang araw.. deads agad ako.
Di man lang ako nakapagpakitang gilas.. hahaha!!

Sep 20, 2004

Melanism

At the Miss International Contest

· The FIRST ever --
Eddie Mercado: "Angie Dickinson has insured herlegs for a million dollars, would you also do the same?"
Melanie Marquez: "No, of course no, because I am proud and contented with my long legged."

Accepting an acting award
· "Eto na po ang pinakamaligayang pasko at manigong taon sa inyonglahat." (yes, for a movie where she plays herself)

About her modeling school
· "You may want to be a model pero mas bagay ka pala maging beautyqueen, so I'll concentrate on your potential as a model."

Being a mother
· "I deserve my Miss International title kasi 'international' din angmga anak ko - may Filipino, may Arab, may Chinese at may American."
· When asked for a message to her daughter who was allegedly abused bytheir houseboy -- "Don't worry little angel, big angel is here."
· On what they should do to the houseboy who molested her kid: "Heshould be put behind bar."

On family·
"My brother is not a girl; he's a gentleman."
· "Kapatid ko pa rin siya. We are one and the same."
· "Ang tatay ko ang only living legend na buhay!"

Talk show moments
· Host: "Ano ba ang pinaka-favorite mong movie lately, Melanie?"
Melanie: "Maganda yung kay Emma Thompson at Kate Winslet, yung "Simple andSimplicity".
· Host: "Paano ka nag-susurvive sa mga trials mo?" Melanie: "Alam moate Ludz, you know, when you are alone, you really have to step yourfoot...ah , forward!"
· At a talk show after her break-up with Derek Dee, Melanie was asked if she had some words for Derek's mother (whom she partly blamed for theseparation)
. "Oo nga," said Melanie, "pero i-English-in ko para maintindihanniya." She looked into the camera and, with the peremptoriness of royalty,said, "And to you, Mrs. Dee, I have two words for you. Ang labo mo!"
· "Period na talaga; wala nang exclamation point." (When asked onS-Files if her present husband, Adam Lawyer, is her Mr. Right.).

Sa Xtra Challenge Hong Kong
· Melanie about Extra Challenge sa Hong Kong: "It's really an openeye(i.e. eye-opener)"
· "Eh nagmamadali na ko eh kaya tumawid na ko sa PEDESTRAL(pedestrian)"
· "....I think its because of the anxiety of curiosity....

"Joey vs Kris vs Melanie
· "hindi si joey ang tipong mambubugbog ng babae...talaga lang malapitsya sa mga gulo...pro-accident kasi sya eh..."
· "hindi ba kayo naawa sa kapatid ko...sa mga kwento nya? di ba kayonapersuave ng mga kinwento nya?"
· "Don't judge my brother; he's not a book."
· "...di sinungaling ang kapatid ko! sa mga pangyayari, sya pa ba angmay kasalanan? di ba nyo nakikita?! di ba nyo nakikita?! are you dep?!"
· "'Yung STD, baka sa maruming toilet lang niya nakuha yan."
· "Eh, ikaw ba naman, durugin ang ari mo... Pag di ka naman manutok ng baril."
· "We are lovers, not fighters."

· Melanie to Kris Aquino. "You're nothing w/o your parents!"

Sari-sari
· "That's why I'm a success, it's because I don't middle in other people's lives."
· "I won't stoop down to my level."
· "I am not an addict. I am the victims!"
· "I don't eat meat. I'm not a carnival."
· "Sumasakit ang migraine ko."
· While waiting backstage during a noontime show, after watching NikkiValdez do her dance number. "Nikki, you're so galing. You should go to the States. You will sell hotcakes."

My personal favorite
· "You can fool me once, you can even fool me twice, you can even foolme thrice. But you can never fool me four"

At bilang pagtatapos --
· "Bakit," Melanie said during an interview. "'Yung magagaling mag-English diyan, may Miss International title ba sila?

got this from an email...
there you go.. lol!


..................... start your week with a laugh everyone. :)

Sep 19, 2004

Scary yet Funny Saturday Night

Nanood kami ng Fengshui kagabi ni Bullit sa Megamall.. Syet!!! Mababaw lang talaga ang takot ko, napapasigaw talaga ako sa takot sa loob ng sinehan. Ok yung movie. Infairness, ok ang acting ni Kris dito and puede rin siyang pang international horror movie. When I was driving home, muntik pa kaming maaksidente. Gitgitin ba naman kami ng truck and kotse. Oh God! Hinihintay ko na lang na may marinig akong bunggo kundi deds na talaga kami. Buti na lang lumayo ng konti ang kotse. Whew!!

Eto, real life na. Pag-akyat namin sa kwarto ni Bullit, I was going to pee by then.. biglang sumigaw si Lola. Yung room ni lola eh sa baba.. sabi nya.. "Eeeeeeee!!! iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!! Lumayo kayo sa kin.. Alis.. eeeeeeeeeeeeee!!!" Sabi ni panget, ganon na daw si lola ngayon. Every night lagi siyang sumisigaw ng ganyan pero pag tiningnan mo naman sa kwarto nya, siya lang mag-isa. Umuwi ako around 2 am, hindi pa din nakakatulog si Lola. Pagsilip namin sa kwarto nya, siya lang naman ang nandon. Nakakatakot ang feeling. FYI, Lola is 100 yrs old now.
Naaawa ako sa kanya.. naisip ko, ayaw kong umabot ng ganyan katanda... mas lalo na yung may sumusundo sa kin kasi malapit na akong dumating sa katapusan ng buhay ko. I demand an instant death. lol! Ay! sabi nga pala ni Bullit, I should be careful with my wishes. Hay... napapangiwi tuloy ako.

Pag uwi ko ng bahay.. natakot na naman ako. Kung dati, natatakot ako dahil mag-isa lang ako, ibang klaseng takot yon.. it somekindda loneliness you feel at night at sa gabi, napapag-isip ka ng kung ano-ano. Ang feeling na to eh.. takot kang mag-isa kasi baka may mumu. I slept with the lights on. Alam nyo ba yung feeling na pumipikit na yung mata mo sa pagod pero pilit mong dinidilat kasi takot ka. Ayaw ko talagang matulog. Pag nafeel kong nakatulog ako, ginigising ko ang sarili ko. Nakatulog lang ako ng maayos nung sumikat na ang araw at pinatay ko na ang ilaw. Hay!! for 4 hrs na tulog, nakapanaginip pa ko, but it's a good dream. At ang meaning.. A new life with a new friend/acquaintance. :)

Sana nga.

*singit.. parang nakita ko yung cousin ni Chris kagabi sa Mega pero nahihiya naman akong pansinin. Actually, nilapitan ko na siya don pa lang sa Jollibee kaso di nya ko binati kaya dedma na lang ako. Tapos after nung movie, nakasalubong pa namin siya don sa pintuan pero dedma ulit. hmm.. Sana malaman nila na kung ano mang conflict meron kami ni Chris eh di sila damay.
Am cool...

(kahit mainit ang ulo all d time.) :p

Sep 13, 2004

Magpamisa na kayo...

Last friday pa kami huling nagkita ni Panget.. nagkasakit kasi ang pobre kaya siguro di nagyayayang lumabas. Anyway.. nagtetext and miss call naman siya.

For the past 2 days.. eto ang napuna ko. Hindi uminit ang ulo ko (yung tipo na pagsisisihan ko). Oh well, sana tuloy tuloy na to. Pasumpong-sumpong na sungit lang pero di tuloy-tuloy. May peace of mind ata ako ngayon.. or may peace of mind ako kasi di ko nakakasama si Bullit. Kung may tao nga naman na source ng galit ko.. share nya yung 75%. Maybe that's what happen when love and great shit of hate of collides.

Achilles was hit by a tricycle 3 days ago.. Napilay yung left leg nya tapos si Schat naman.. pinaglaruan ng mga salbaheng tambay 2 weeks ago, ang laki tuloy ng sugat sa leeg. :( Wag lang talaga silang papakita sa kin, babasagin ko mukha nila >:( Oh well.. ok na naman ang mga anak ko. Minsan talaga pag busy, di maiiwasan na makalabas sila ng canteen ni sisterlet. Pagaling na yung sugat ni Schat and medyo nakakalakad na din ng maayos si Achilles. Nadala sa pagmamahal na hilot ng nanay nya. :D Di na siya iika-ika ngayon.. para na lang pike kung maglakad.

Hindi nga ata sila magkapatid. Tinitingnan ko silang mabuti kagabi, parehas lang sila ng tenga pero sa mata eh iba. Atska mataas si Achilles unlike Schat na maliit and yung katawan ang humahaba.. parang hotdog. Atska green eyes si Schat, si Achilles eh ordinaryong brown lang. Kelangan ko sigurong pigain yung nagbenta sa kin kung san nya nadampot tong mga anak ko. Ok lang kung wala silang lahi or mahina na yung lahi nila kasi matatalino tong mga anak ko. :) Atsaka alam kong labs nila ako. Kaya pala nabangga si Achilles kasi one time, sinama siya dito nung sister ko nung nirenovate naming tong shop. Siguro.. hinahanap hanap ako nung gabing yon na kasalukuyang nagpipintura.. ayon.. nabangga na nga. Napatakbo tuloy ako nung sinabi sa kin yung nangyari. Hay!! Salamat na lang at yon lang. Yung aso kasi ng sister ko, namatay din sa bangga 3 months ago. Sinusundan din kasi siya non kahit san siya magpunta. Kagabi naman.. marurunong na palang pumunta dito yung mga anak ko.. Nagulat ako may sumusundot sa puwet ko.. si Schat na pala. Hehehe!! Sabi nung tindera namin, mga ilang gabi na din na pumupunta sila dito sa shop. Timing lang na bukas ang pinto ko kaya nakita nila ko.


Sep 10, 2004

Bgurl~~ as in... Busy Gurl

Been busy for awhile.. Nirenovate namin ang shop. Oh well.. mas maganda na siyang tingnan ngayon and medyo lumuwag na.

Di ako masyadong makapag-Ali ang gumawa ng entry sa blog coz since renovation, laging puno ang shop.. (THANKS GOD!!!) Masyado talagang busy ang byuti ko..

Anyway.. sasagutin ko na lang yung mga tag nyo.

@ Jeff - hello schat!! wow! parang namiss mo ko ah.. hehehe! ang haba pero nakakatuwang basahin.. I'm still thinking about that credit card pero di masyado ngayon.. Madami pa akong ginagawa. I'll call you one of these days. Grabe.. until now.. nabobroken hearted ako pag naaalala ko ang chocolate na yon. Dapat bago ako mamatay.. MAKATIKIM MAN LANG AKO KAHIT ISANG PIRASO NG CHOCOLATE NA YON!! GRRRRR!! tama ang advice mo.. at napaisip ako sa pagreject ko don sa babae sa credit card.. hehehe!! ganti ganti lang.. :D

@ Missy - waahhh!! mali po kayo!!! I went home with an empty hand.. :( Pero hello pa din.. :) usap ulit tayo next time sa phone ha..

@ Neo - lagi namang malakas ang tama nyan ni Bombi eh.. hehehe!! Hello! ano nga pala ulit ang celfone no. mo? I'm trying to call you pero wala na ata yang sim na yan.

@ Ymir a.k.a **** - hehehe!!! umamin ka na!! miss yah! ;)

Alam nyo ba, grabe talaga ang kapangitan ng ugali ko ngayon. Sobrang uncontrollable ang galit ko na pati Mama ko eh natamaan ko ng kasungitan kanina. I still feel guilty about it, though I already said sorry and nilinis ko yung dalawang aquarium.. Nagi-guilty pa din ako.
May bago kasi akong baby.. flower horn, 2 1/2 inches pa lang ang laki. Actually, gift ko yon sa Mama ko, sabi ko sa kanya na ako ang mag-aalaga. Kaso, kaninang pag-gising ko at pakakainin ko sana yung isda nakita kong may mga kasamang isda maliliit, yung pangkain nya sa arowana nya. Naaasar kasi ako sa isda na yon kasi madumi sa aquarium atsaka namamatay agad! Minsan, hinihigop pa nung pump at nagpapadumi sa tubig. Eh siya ang naglagay ng mga buset na isda. Ayon, umakyat hanggang langit ang dugo ko. Dyaske.. kaaga-agang galit. Reklamo too the max with matching lakas ng boses.. Ayon, pinagalitan ako at nilayasan ko siya. Nung mahimasmasan ako.. saka ko naramdaman kung gano ako kagagong anak. I shouldn't do that to her. Ang kapal ng mukha ko. Nung mag-sosorry na ako, umalis pala sila ni Daddy. Di na ako nag-dalawang isip.. I call her on dad's celfone at nag-sorry.. napaiyak pa ako nung nag-aapologize sa kamalditahan ko. Ayon... pag-uwi nya, pinasalubungan ako ng siopao. Peace na kami ni Madir. :) pero super guilty pa din ako until now.

Sep 3, 2004

Tantrums

I had a brunch date awhile ago with Bullit. I almost forgot that it's friday today at kakatapos pa lang ng sweldo, sobra naman talaga ang traffic. Ang kawawang Bullit, nakaranas na naman ng tantrums ko. Di pa din pala napapaayos yung aircon ni syoting kaya sobra ang init!! I regret wearing black shirt on a hot weather.. mas mainit! dyaske! Nadidisolve ang mga natutulog kong mantika. It almost took us 2 hrs bago nakarating sa G4. Hate ko talaga yang traffic na yan. Kainis! Mas naalibadbaran pa ako sa mga barumbadong driver. Muntik pa kaming masandwich and masangga ng bus. Que horror!! I was screaming talaga.. as in konti na lang!

Naaawa naman ako kay Bullit.. spoiler talaga ako sa mga times na dapat maganda para sa min. But what can I do? Last week, I also had this bad temper and I told him that maybe I need an anger management. He asked me... "Why do you have to make simple things complicated?! You don't need that.. you just have to accept it and there's nothing you can do! Oh sige.. Gusto mong palipadin tong sasakyan? sige... palipadin mo." Ok.. pissed off na siya. Not because of the traffic, kundi sa ugali kong ewan ko ba. Kahit ako minsan di ko na maintindihan.. Minsan sobrang calm tapos tatawa-tawa pa ko tapos bigla na lang nagsi-shift sa pagkabwiset.. na parang sa sobrang frustration sa traffic eh parang gusto kong kumuha ng kutsilyo at maglalaslas ako! Actually, yan ang naiisip ko pag aburido na ako sa traffic.

At sa sobrang inis ko.. parang gusto ko ng mangibang bansa. Pero pano kaya mangyayari yon? Haaa!!! Lintek na traffic yan!! Kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko!

"Come to think of it.. it almost took us 2 hrs to go here and then ilang minuto lang tayo kakain!" Bullit muttered. I just smiled on him.. at wala na yung topak ko. Yon lang ang ginawa namin sa Makati, nagbrunch and then pumasok na siya sa office...

Ah.. Oo nga, bumili pa pala kami ng cologne nya. I was on a happy mode, I saw Leonidez/s.. yung chocolate outlet na matagal ko ng pinapangarap tikman. Nangulit ako na bumili kami non.. Ayaw ni papa, ang mahal daw. Mahal naman talaga... 4 pcs for almost P200, 1x1 1/2 inch lang ang laki nya. Kabisado ko na yung itsura kasi hanggang tingin na lang ako. :(

and with our kulitan mode..
"Ano bang makukuha mo dyan sa chocolate na yan? tatangkad ka ba? papayat ka ba? gaganda ka ba? ha?!"
"gusto kong matikman yon eh!.. sige na.. bili na tayo kahit 1 pc lang!!"
"sabihin mo muna sa kin kung anong mangyayari pag nakatikim ka non.."
"eh di madadagdagan yung taba ko!".. "oh sige.. sabihin mo din sa kin kung anong makukuha mo pag nagpabango ka.."
"Oh sige.. di na lang ako bibili ng pabango"
"Oh di sige.. di na din ako bibili ng chocolate"

non-sense na usapan pero minsan nakakamiss din..

I went home without the chocolates and he went to the office with his cologne. Madaya!

I'm so happy for Chris, may computer shop na din siya. I visit his shop the other night.. napapag-isip tuloy ako na magrenovate. I like his shop. Pang-internet talaga, unlike mine na pang games naman. Oh well, kanya-kanyang trip ng customer yan :)

Gusto ko na din magdagdag ng computers, napapag-isip na din akong kumuha ng swipe it card.. :D Last month, may tinarayan pa kong babae sa telepono na every week kung tumawag, just informing me na qualified daw akong kumuha ng credit card sa kanila. Sa sobrang inis ko (kasi for 2 months, ganon na lang palagi).. I asked her.. "Miss, I've been receiving calls from your bank every week, informing me that I'm qualified to have a credit card. Can you please delete my name on that list coz I'm not interested." Hay! nakatikim ng katarayan ko. Bumalik ang karma sa kin. Nyahaha!! Oh well, di ko din naman kasi gusto yung bank kaya lagi kong nirereject. Pinag-iisipan ko pa kung san maganda kumuha ng credit card.
Hmmm... here I go again.

Sep 1, 2004

Give up

Hay! Alang magawa..

The whole day.. 2 bagay lang ang tinutukan ko..

PC.. alimasag.. blog
tv..

Nandito yung technician ko, nagawa din pala siya ng web page. Naisip ko, baka puede kong matulungan ni kumag ayusin yung blog ko. May nakita kong magandang skin kanina.. kaso gusto ko siyang iedit. Sinimulan nya kong turuan ng basic around 10... 2 am na ngayon at give up na ko. Siguro kelangan muna naming magbes0-beso ng ms frontpage para friends na kami bukas. For sure, mapapanaginipan ko to. :D

Eto na naman ako sa gabi. Kahit pagod maghapon eh hirap na naman sa pagtulog. Ba't na naman kaya. Ang gaganda pa naman ng panaginip ko lately. Di ko na matandaan.. basta.. magaan ang gising ko kinaumagahan. :)

Walang masyadong happenings.. basta, medyo relieved na din ako ngayon. Ano ba to.. lahat ng friends ko na lumalapit sa kin ngayon eh puro lovelife ang problema. At eto na naman ako.. nagmamagaling magpayo pero sa sarili, bokya naman.