Habang nagpapamanicure/pedicure ako kanina.. napagkwentuhan na naman namin ng manicurista ko si Bullit. She's been my manicurista since I graduate kaya updated ang lola sa bawat chapter ng katangahan ko. 4 days kaming walang communication... medyo maganda na uli ang takbo ng utak ko pati na din ang kwento kay Jun, at sa isang bagong kakilala. We were texting... the new friend and Jun ng biglang may nagtext sa kin na ang pangalan ay Bullit. Nakaramdam ata na pakonti-konti na akong nawawala sa kanya. Nagtataka lang ako kasi everytime na may iba akong nakikilala at nag-eenjoy na sa sarili kong buhay eh bigla siyang sumusulpot. Baket kaya siya ganon?
Di ko maintindihan yung feeling eh.. pero di naman siya magulo. Di ko lang siguro pinag-uukulan ng pansin kasi busy ako lately and madaming nagpapa-occupy sa isip ko.
Bakit pag nagmahal tayo, pag dumating ang punto na hindi mo na kaya pero nandon ka pa din. Kahit nasasaktan ka nya, tumatahimik ka lang. Dahil ba sa duwag ka lang na harapin ang katotohanan na hindi ka na nya mahal or takot ka lang harapin na wala kang makakasama habang buhay? Siguro kaya mo naisip na panghabang buhay na siya na ang kasama mo eh dahil nai-devote mo na ang lahat ng oras mo sa kanya.. hindi lang ang oras kundi ang mundo mo. Mas close ka na nga sa mga kaibigan nya kesa sa mga kinalakihan mong kaibigan. Bakit pag dumating ang oras na ayaw mo na at gusto mo ng magsimula eh nalulungkot ka. Nakakalungkot kasi antagal nyong nagsama tapos mapupunta din pala sa wala ang lahat. Sa ilang taon na umiyak, tumawa, nagalit, nalungkot ka at siya ang nasa tabi mo.. Hindi ba't nakakalungkot isipin na hanggang doon na lang. Minsan, mahirap harapin at tanggapin ang katotohanan na ang lahat ng bagay ay may katapusan.
Siguro nga hanggang don na lang.
Siguro nga, madami pa kong makikilala.
Siguro nga, madami pa akong dapat matutunan.
Malamang ganon na nga.
Yan ang naisip ko habang nagpapalinis ng kuko.
Hay.. buti na lang mabilis natapos, maglalaro pa kasi ako ng gunbound. :D
Konting experience na lang.. metal axe na ko. lol!
Naglaro kami ni Lara nung isang araw.. deads agad ako.
Di man lang ako nakapagpakitang gilas.. hahaha!!
No comments:
Post a Comment