Sep 19, 2004

Scary yet Funny Saturday Night

Nanood kami ng Fengshui kagabi ni Bullit sa Megamall.. Syet!!! Mababaw lang talaga ang takot ko, napapasigaw talaga ako sa takot sa loob ng sinehan. Ok yung movie. Infairness, ok ang acting ni Kris dito and puede rin siyang pang international horror movie. When I was driving home, muntik pa kaming maaksidente. Gitgitin ba naman kami ng truck and kotse. Oh God! Hinihintay ko na lang na may marinig akong bunggo kundi deds na talaga kami. Buti na lang lumayo ng konti ang kotse. Whew!!

Eto, real life na. Pag-akyat namin sa kwarto ni Bullit, I was going to pee by then.. biglang sumigaw si Lola. Yung room ni lola eh sa baba.. sabi nya.. "Eeeeeeee!!! iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!! Lumayo kayo sa kin.. Alis.. eeeeeeeeeeeeee!!!" Sabi ni panget, ganon na daw si lola ngayon. Every night lagi siyang sumisigaw ng ganyan pero pag tiningnan mo naman sa kwarto nya, siya lang mag-isa. Umuwi ako around 2 am, hindi pa din nakakatulog si Lola. Pagsilip namin sa kwarto nya, siya lang naman ang nandon. Nakakatakot ang feeling. FYI, Lola is 100 yrs old now.
Naaawa ako sa kanya.. naisip ko, ayaw kong umabot ng ganyan katanda... mas lalo na yung may sumusundo sa kin kasi malapit na akong dumating sa katapusan ng buhay ko. I demand an instant death. lol! Ay! sabi nga pala ni Bullit, I should be careful with my wishes. Hay... napapangiwi tuloy ako.

Pag uwi ko ng bahay.. natakot na naman ako. Kung dati, natatakot ako dahil mag-isa lang ako, ibang klaseng takot yon.. it somekindda loneliness you feel at night at sa gabi, napapag-isip ka ng kung ano-ano. Ang feeling na to eh.. takot kang mag-isa kasi baka may mumu. I slept with the lights on. Alam nyo ba yung feeling na pumipikit na yung mata mo sa pagod pero pilit mong dinidilat kasi takot ka. Ayaw ko talagang matulog. Pag nafeel kong nakatulog ako, ginigising ko ang sarili ko. Nakatulog lang ako ng maayos nung sumikat na ang araw at pinatay ko na ang ilaw. Hay!! for 4 hrs na tulog, nakapanaginip pa ko, but it's a good dream. At ang meaning.. A new life with a new friend/acquaintance. :)

Sana nga.

*singit.. parang nakita ko yung cousin ni Chris kagabi sa Mega pero nahihiya naman akong pansinin. Actually, nilapitan ko na siya don pa lang sa Jollibee kaso di nya ko binati kaya dedma na lang ako. Tapos after nung movie, nakasalubong pa namin siya don sa pintuan pero dedma ulit. hmm.. Sana malaman nila na kung ano mang conflict meron kami ni Chris eh di sila damay.
Am cool...

(kahit mainit ang ulo all d time.) :p

5 comments:

Thess said...

oh, saan napunta yung COMMENT ko dito?!?

hmp!

Joanne said...

baka naman hindi ka dito nag comment 'te..
ano yung comment mo? waahh!! di ko nabasa!!

Joanne said...

nyahaha! alam ko na kung san napunta yung comment mo!! sa baba nito!! bwahahahaha!!!

minulto ka din!! nyehehe!

Thess said...

Nyek! oo nga ano! nasa ibaba...ay engotski ko talaga *LOL*

kwento mo na lang, sige na...sabi din ni ymir, nakakapigtal hininga ang mga eksena ho ho ho ( ao nun )

o sya sexy...hello kay lola ^_^

Joanne said...

Ate!! Lola ni Bullit yon.. di yung sa amin. :D

Kwento ko na lang sa ym.. baka kasi maging spoiler ako pag nabasa nung mga di pa nakakapanood. lol!

Pero nakakatakot talaga siya..
eto.. for the record kasi lagi naman kaming nanonood ni panget ng horror movies.. For the first time, tumaas ang balahibo ni Panget don sa movie. :D
hindi yung sa baba ha!! lol!