Oct 16, 2004

Kapoy gid

Sobrang pagod ako the whole day. Nagpacheck up ulit ako kanina.. with Bullit as moral support. Ok naman yung result. Haay!! Nabunutan ako ng tinik pero nakakalungkot pa din isipin yung katotohanan. Next week, babalik ulit ako sa doctor. Hanggang kelan kaya matatapos to. Napag-isip isip ko kanina na siguro dapat kumuha na ko ng Health Insurance para naman just in case na mas may worst pang dumating dito eh nakahanda ako. Sana may dumating na lang na ahente dito sa shop na mapagkakatiwalaan ko tungkol dyan kasi wala na akong chance pa para makaalis since yung kasama ko dito sa shop eh pauwi na din ng Bicol next week. Sana makahanap agad ako ng kapalit nya. Sayang naman kasi kasundo ko na siya.

Pagod na pagod na talaga ko kaso may customer pa ko dito. Gusto ko sanang ibuhos na lang lahat sa gunbound kaso nag-a-update naman sila ngayon. Kaya eto, blogging ang napag-tripan ko.

Nag-iikot ikot ako sa alimasag kanina.. may thread akong nabasa about this book.. Yung "Purpose Driven Life", maganda kaya tong book na to? Medyo intriguing. Tapos kaka-ikot ko.. napunta ako sa isang thread about course nung college. Narealize ko.. parang naliko ata ako sa linya. I took BS Commerce Major in Bus. Management at bigla akong nalinya sa computer. Napractice ko naman yung course ko ng 4 1/2 years, pero kakaiba to. I have a related story about this 2 weeks ago.
Naubusan na ako ng supply ng bond paper and notebook. Habang naglalakad papuntang SM, tinanong ko yung sarili ko kung ba't ako pupunta sa National. Yon nga.. bibili ako ng mga gamit sa shop. Then, there's something inside me na biglang na-confuse ever.. yung biglang pop ng question na: "Anong shop?!".... "Computer shop.. ano ka ba! may computer shop ka na no!" Parang don lang nag-sink in sa kin na may sarili na pala akong negosyo. Medyo nagpanic pa ko ng konti kasi ano nga ba naman ang alam ko sa computer samantalang isang pc lang ang pinagpapractisan ko dati. Ah.. siguro, mabait talaga si God sa kin. Eto ako.. walang kamalay-malay sa computer tapos biglang natuto lang ng konti eh may instant negosyo na. This was my dream 3 years ago pa... and I never thought that it could happen. Oh well.. eto na siya. Thanks God. :)

Ok pala akong mapagod noh? May sense na kahit papano ang kwento ko. :D

2 comments:

sachiko said...

Nakakatawa naman itong new post mo,buti di ka naligaw sa SM.Pero,atta girl,Joanne.Owning and running your own business is no joke.I also saw your flicker photos,cute ni achilles.

take care and pagaling kang mabuti.

sachi

Thess said...

At mabait din yung financier mo ;)

Since we've talked earlier at alam kong pinagsaraduhan ka ng gunbound ( banned ka na dun! ) la na ko ibang comment

Keep smiling Kappy!