Haven't blog for a while.. Kaya eto na..
I have a good news..
- 2 months na lang ang itatagal ng brace sa ngipin ko at makakakain na ko ng maluwalhati. hehehe!!!
2 days ago, nagvisit kami ng sister ko sa dentist namin at habang pinapalitan yung rubber ko.. biglang na-open ang topic sa pag-da-diet. Nag-Slimmer's world din pala si Doc.. well, effective naman talaga don kaso nung panahon na kliyente nila ako di nakayanan ng schedule ko kasi college na ko non and at the same time, lumipat ako ng Sampaloc para manirahan. Diet ang usapan, at dahil makulit ako eh.. bigla kong naijoke ang tungkol sa bf ever... Don nagsimula ang topic na "ba't ayaw mo pa kasing mag-asawa eh nasa tamang edad ka na". Napag-isip tuloy ako. Ang daming advantage ng pagiging single eh.. although I know that I'm ready to settle down in all aspect of life.. Merong kulang.. at yon ang GROOM!!!! bwahahaha!!! Naisip ko si Bullit.. pero... nah! Ayaw ko talaga munang isipin yan... PERIOD!
After sa dentist.. nagyaya ako na pumunta sa SM. I treat my sister for dinner at TokyoTokyo. We have to eat bago sumakit ang ngipin namin kasi nahigpitan nga. Actually, ako lang ang kwento ng kwento pero siya ang nagbibigay ng topic. May mga nabungkal na issues about Zsa-Zsa and her sister (my ex-bestfriend in college and padmates at Sampaloc). Kung pano nasira yung 4 years na friendship.. at hinayaan lang na ganon yung mangyari sa min. Siguro yon ang tinatawag na fate. It was hard for me to leave Sampaloc when I graduated in college because of her. Maybe, I just want to settle our misunderstanding and huwag hayaan na dumating sa point na mabalewala lahat yung lahat ng pinagsamahan namin. Oh well.. siguro ganon talaga ang buhay. Anyway, It's been 5 years... siguro nakapag move on na ko sa pagkawala nya.. but sometimes, I miss her. Wala na din naman yung sama ng loob ko eh. I just hope she's happy with her life right now.. and have her own "family".
While on our way home, may sinabi ang sister ko sa kin na medyo disturbing.. here it goes... "Ate, bat kasi ayaw mo pang mag-anak? bat ayaw mo pang mag-asawa. Dapat mag-asawa ka na... kasi dadating ang panahon na hindi na kita masasamahan sa gantong mga lakad dahil magkakaron na rin ako ng sariling buhay. Ayaw mo man, pero dadating tayo sa panahon na yon. Lumilipas ang panahon, dapat pag-isipan mo yan. Oo nga, masarap ang buhay single pero di mo pa ba napapagdaanan lahat? Di mo ba naiisip na isang araw may batang sasalubong sayo pag uwi mo.. na may makakasama ka sa pagtanda mo?" Shocking as it is.. saka ko na open sa kanya yung findings ng ob-gyne ko 2 weeks ago. It would be hard for me... but there's still a big chance kung maayos ang hormones ko. Kaya kahit gustuhin ko man.. hay!! I don't want to think about it. Dadating din yan at the right time.
No comments:
Post a Comment