Nov 24, 2004
. Grateful
Last friday when we bought the 3 pc's, I just couldn't believe that "this is it" thing again. Sometimes, I still can't believe myself that I already have a computer shop... it's really like a dream come true.
Medyo matagal lang talaga yung process ng installation namin.. which took us 3 days to complete pero ok lang. Sobrang hirap ng pinagdaanan namin ni Ian, nireformat lahat ng pc pati ang server... Yung brownout pati ang puyat. Pero bilib ako sa kanya kasi nakayanan nyang di matulog for 2 nights. I just have a little problem with one of my new pc kasi corrupt ata yung video card nya :( Yan kasi yung ginagawa namin nung panay ang brownout. Siguro nasira siya dahil don.. Di ko tuloy magamit kasi naghahang. Gusto ko mang ibalik sa binilhan ko (which I have a 1 year warranty)... Wala na kong kasama dito sa shop. Di na siya napasok for 3 days na din, at ang hirap pa nyan... nag-cash advance siya sa kin. :( Hay! ba't ba may mga taong ganyan.
May ka-compete na din ako dito... Nagbukas siya 2 weeks ago. Ang medyo masakit lang sa loob, katabing-katabi ko lang siya. Oh well.. kanya-kanyang diskarte na lang yan. Challenge nga naman. :) Pero nung first 3 days nya eh kala ko last day na ng shop. Sobrang tumal talaga.. Pero ngayon, medyo nabalik na din yung mga customers ko atsaka sa kin pa di naman napunta yung mga students sa harap.
Ganyan talaga ang buhay... parang life.
Nov 7, 2004
Drowning
- Was it because Achilles passed away, due to a vehicular accident.
I'm so sorry for my baby Achilles.. I'll surely miss him. I'll be missing those nights that he's here with me on my shop... barking on those pangets. I'll miss his company. Last night before I went home, he was here with me.. I was browsing on Alimasag, looking for someone's post and I felt like crying.. He was watching me.. and I felt his body on my legs.. maybe he's telling me not to cry.. I looked down on him and smiled with teary eyes.. I told him.. "Sige achilles, dito ka lang ha.. Bantayan mo ko. Wag mo kong iiwan ha" and I stroke my hand gently on his head. Yon na pala yung last na lambing nya sa kin.
- or.. was it the same old Bullit heartaches again.
I'm trying to analize why am I feelin' this way. Siguro combination nila.
I'm sensing something wrong.. Basta, I feel so down and I thank that alimasag people is there to fill up my mind.
Whenever I think of him today, I feel like my heart is crushing and I keep on holding back to the memories where our relationship started and how it break apart.. I'm messed up, feeling screwed again. And this question keeps filling up my head.. "Why do you keep holding on to someone who no longer loves you. What's fucking wrong with you?! I have this feeling that I want to go back.. go back to the days that I'm so carefree. Sometimes before I go to sleep.. I often ask myself with..
- What would be my life right now if I didn't meet him? ~natuloy kaya yung kasal namin ni -----
Oh love... love is such a crazy game.
Nov 4, 2004
Miss Tsungit on the go..
Ok naman.. masaya siya kahit 3 lang kami.
I'm glad nakahabol si Jeff... I wasn't expecting na makakasama siya kasi di ko siya matext kahit yung mga ibang friends, nakausap ko lang sila nung naghihintay na ko for Abi sa Makati..
I'm glad to see him again. :)
here we are..
Jeff, Abi, and yours truly.
I went home around 11 pm.. at natambakan ng sangkatutak na paper works. I finished 4 book report in one seating. Grabe din tong mga customer ko. May nakakainis, may nakakatuwa. Hay! Ewan. Natapos ako around 5 am, and slept around 6.. Sobrang puyat. Nakabawi naman ako kahit papano ng tulog kanina pero mabigat pa din ang katawan ko.
A few days ago, may nagpatype sa kin ng 3 chapter ng isang pocketbook, I asked him if what is that for, ang sagot... "summary report daw". Muntik na akong malaglag sa upuan. Nagpatawa na lang ako.. "Anong summary report? Eh nobela tong pinapagawa mo eh!" Mapilit siya.. eh ano bang magagawa ko, yon ang gusto ng customer di ba! Type dito.. type doon.. after 2 days, bumalik siya. Tapos na yung pinagawa nya, 16 pages and it will cost him P240.00 for the typing and printing job. Nung sinabi ko kung magkano ang bayad nya.. mukhang hindi ata kayang bayaran ni kumag. Ang nakakaasar bigla siya humirit..
"Ate, lagpas ba yan sa 600 words?"
ang sagot ko "Anong 600 words? Eh libo po kaya yan?!"
"Eh bakit ganyan kadami?"
"Sabi mo itype ko yung 3 chapter..."
"Di ah.. sabi ko sayo gawan mo ng paraan."
nairita na ko...
"Hoy sira-ulo ka.. wag mong painitin ang ulo ko ha. Sinabihan kita na nobela ang pinapagawa mo sa kin.. Sabi mo ikaw na ang bahala. Sinabi ko pa sayo na malaki ang babayaran mo pero sige ka pa din! Atsaka ano ka? Project mo yan, tapos ako ang papagawain mo?! Nagtatype lang kami dito!"
Hindi ko na napigilang pagalitan. Ang ginawa ni kumag eh pinalagay na lang sa diskette yung pinatype nya pero siningil ko pa din siya sa typing job. Until now, di ko pa din siya kinikibo.
Pano naman kasing di ako mapupuno, nung morning pa lang.. may mga estudyante na nagpatype ng book report din, 5 book report sa Dekada '70 and 2 book report sa Scarlet Letter.. Tapos nung sinisingil na sila eh walang mga pera. Samantalang nung pumunta sila dito last week eh sinabihan na sila kung magkano yung dapat nilang bayaran.. Hindi ko rin nirelease yung pinagawa nila. Bahala silang bumagsak sa subjects nila.
Medyo masakit sila sa ulo.. masakit din sa daliri at mata, mas lalo na sa bulsa.
Nasayang ang panahon at kuryente ko don. :(
Nov 1, 2004
Let me hear it from you
Haven't blog for a while.. Kaya eto na..
I have a good news..
- 2 months na lang ang itatagal ng brace sa ngipin ko at makakakain na ko ng maluwalhati. hehehe!!!
2 days ago, nagvisit kami ng sister ko sa dentist namin at habang pinapalitan yung rubber ko.. biglang na-open ang topic sa pag-da-diet. Nag-Slimmer's world din pala si Doc.. well, effective naman talaga don kaso nung panahon na kliyente nila ako di nakayanan ng schedule ko kasi college na ko non and at the same time, lumipat ako ng Sampaloc para manirahan. Diet ang usapan, at dahil makulit ako eh.. bigla kong naijoke ang tungkol sa bf ever... Don nagsimula ang topic na "ba't ayaw mo pa kasing mag-asawa eh nasa tamang edad ka na". Napag-isip tuloy ako. Ang daming advantage ng pagiging single eh.. although I know that I'm ready to settle down in all aspect of life.. Merong kulang.. at yon ang GROOM!!!! bwahahaha!!! Naisip ko si Bullit.. pero... nah! Ayaw ko talaga munang isipin yan... PERIOD!
After sa dentist.. nagyaya ako na pumunta sa SM. I treat my sister for dinner at TokyoTokyo. We have to eat bago sumakit ang ngipin namin kasi nahigpitan nga. Actually, ako lang ang kwento ng kwento pero siya ang nagbibigay ng topic. May mga nabungkal na issues about Zsa-Zsa and her sister (my ex-bestfriend in college and padmates at Sampaloc). Kung pano nasira yung 4 years na friendship.. at hinayaan lang na ganon yung mangyari sa min. Siguro yon ang tinatawag na fate. It was hard for me to leave Sampaloc when I graduated in college because of her. Maybe, I just want to settle our misunderstanding and huwag hayaan na dumating sa point na mabalewala lahat yung lahat ng pinagsamahan namin. Oh well.. siguro ganon talaga ang buhay. Anyway, It's been 5 years... siguro nakapag move on na ko sa pagkawala nya.. but sometimes, I miss her. Wala na din naman yung sama ng loob ko eh. I just hope she's happy with her life right now.. and have her own "family".
While on our way home, may sinabi ang sister ko sa kin na medyo disturbing.. here it goes... "Ate, bat kasi ayaw mo pang mag-anak? bat ayaw mo pang mag-asawa. Dapat mag-asawa ka na... kasi dadating ang panahon na hindi na kita masasamahan sa gantong mga lakad dahil magkakaron na rin ako ng sariling buhay. Ayaw mo man, pero dadating tayo sa panahon na yon. Lumilipas ang panahon, dapat pag-isipan mo yan. Oo nga, masarap ang buhay single pero di mo pa ba napapagdaanan lahat? Di mo ba naiisip na isang araw may batang sasalubong sayo pag uwi mo.. na may makakasama ka sa pagtanda mo?" Shocking as it is.. saka ko na open sa kanya yung findings ng ob-gyne ko 2 weeks ago. It would be hard for me... but there's still a big chance kung maayos ang hormones ko. Kaya kahit gustuhin ko man.. hay!! I don't want to think about it. Dadating din yan at the right time.