Nov 4, 2004

Miss Tsungit on the go..

Gumimik ako yesterday with the Alimasag people..
Ok naman.. masaya siya kahit 3 lang kami.
I'm glad nakahabol si Jeff... I wasn't expecting na makakasama siya kasi di ko siya matext kahit yung mga ibang friends, nakausap ko lang sila nung naghihintay na ko for Abi sa Makati..
I'm glad to see him again. :)

here we are..

Jeff, Abi, and yours truly.


I went home around 11 pm.. at natambakan ng sangkatutak na paper works. I finished 4 book report in one seating. Grabe din tong mga customer ko. May nakakainis, may nakakatuwa. Hay! Ewan. Natapos ako around 5 am, and slept around 6.. Sobrang puyat. Nakabawi naman ako kahit papano ng tulog kanina pero mabigat pa din ang katawan ko.

A few days ago, may nagpatype sa kin ng 3 chapter ng isang pocketbook, I asked him if what is that for, ang sagot... "summary report daw". Muntik na akong malaglag sa upuan. Nagpatawa na lang ako.. "Anong summary report? Eh nobela tong pinapagawa mo eh!" Mapilit siya.. eh ano bang magagawa ko, yon ang gusto ng customer di ba! Type dito.. type doon.. after 2 days, bumalik siya. Tapos na yung pinagawa nya, 16 pages and it will cost him P240.00 for the typing and printing job. Nung sinabi ko kung magkano ang bayad nya.. mukhang hindi ata kayang bayaran ni kumag. Ang nakakaasar bigla siya humirit..

"Ate, lagpas ba yan sa 600 words?"
ang sagot ko "Anong 600 words? Eh libo po kaya yan?!"
"Eh bakit ganyan kadami?"
"Sabi mo itype ko yung 3 chapter..."
"Di ah.. sabi ko sayo gawan mo ng paraan."
nairita na ko...
"Hoy sira-ulo ka.. wag mong painitin ang ulo ko ha. Sinabihan kita na nobela ang pinapagawa mo sa kin.. Sabi mo ikaw na ang bahala. Sinabi ko pa sayo na malaki ang babayaran mo pero sige ka pa din! Atsaka ano ka? Project mo yan, tapos ako ang papagawain mo?! Nagtatype lang kami dito!"

Hindi ko na napigilang pagalitan. Ang ginawa ni kumag eh pinalagay na lang sa diskette yung pinatype nya pero siningil ko pa din siya sa typing job. Until now, di ko pa din siya kinikibo.
Pano naman kasing di ako mapupuno, nung morning pa lang.. may mga estudyante na nagpatype ng book report din, 5 book report sa Dekada '70 and 2 book report sa Scarlet Letter.. Tapos nung sinisingil na sila eh walang mga pera. Samantalang nung pumunta sila dito last week eh sinabihan na sila kung magkano yung dapat nilang bayaran.. Hindi ko rin nirelease yung pinagawa nila. Bahala silang bumagsak sa subjects nila.
Medyo masakit sila sa ulo.. masakit din sa daliri at mata, mas lalo na sa bulsa.
Nasayang ang panahon at kuryente ko don. :(

No comments: