Quote from the oldies..
"Singko na lang ang pamasahe, malapit na tayo sa langit"
Yan ang Baguio... 3 nights ago, bigla kong inaya ni Mama papuntang Baguio. Graduation daw kasi ng cousin ko sa PMA, although di naman kami ganon ka-close.. sumama pa din ako. Of course, miss ko na ang bakasyon. Actually, nagpaplan na talaga kong magbakasyon a week before that. Timing lang talaga tong okasyon na to.
The following morning, we proceed to the place I've been longing to live for the rest of my life.
It's my 2nd time there.. as in no regrets ako because I love the place (except for the ghosts.. ahihihi) and the people who lives there. Ewan ko ba kung anong pang-hatak sa kin ng Baguio. We arrived 2 in the afternoon, we first proceed at PMA. Wow.. ang laki pala non. Wala nga lang akong nakitang fafi.. on duty ata lahat.
Around 4pm, nasa Teacher's Camp na kami. Nandon kasi yung uncle ko, konting pahinga... nangati ang paa.. na-miss ang gunbound.. naisip ko.. Kelangan kong pumunta sa Session Road! From TC to SR, wow!! palakpak ang wallet ko, 37.00 lang ang fare ko sa taxi. Yahooo! Pero sana.. sa Manila ganito din. Walang reklamo ang mga taxi drivers at di namimili ng pasahero... at ang bonus pa don, KAHIT .50 cents LANG ANG SUKLI MO, IBIBIGAY NILA YON!!! Sana ma-apply ang gantong sistema sa buong Pilipinas.
At Session Road...
"Rain drops keep falling on my heads..
And just like the guy whose feet are too big for his bed
Nothin' seems to fit
Those raindrops are falling on my head, they keep falling ......
Raindrops keep falling on my head
But that doesn't mean my eyes will soon be turnin' red
Crying's not for me
Cause I'm never gonna stop the rain by complainin'
Because I'm free
Nothing's worrying me"
Have u heard this song at Spiderman 2? Naramdaman nyo ba yung feeling ng freedom just like Peter Parker felt while walking on the street?
Ako.. OO.
I felt the excitement, freedom, and happiness that I've been longing for so long.
Eto yung matagal ko ng gustong gawin.
Pag nasa Baguio ako, nakakalimutan ko ang mundong ginagalawan ko.
Para kong ibang tao na nakapaloob sa katawan ng isang babaeng malungkot
... at disoriented ang utak.
Habang naghahanap ng internet cafe.. tinatandaan ko yung mga lugar na napuntahan ko before. Nakita ko yung Porta Vega/Vaga. Hmmm.. Parang pumunta na ko don dati.. diretso ko sa 2nd floor.. Konting lakad, nakakita na ko ng internet shop. 15 hrs akong di nakapaglaro.. Wow! Excited!!! (ADIK!)
Around 7pm, umuwi na ko.. Nakalimutan ko, inutusan pala kong bumili ng red wine. Hihihi! Hinatid ko lang yung red wine, balik ulit ako sa Session Road with my cousin. Hinahanap ko yung kinakainan namin ng bestfriend ko dati. Late ko ng narealize, sa Magsaysay pala yon. At dahil gabi.. nakuntento na lang ulit ako sa Netopia. Lumipas ulit ang oras.. 11 pm na pala! Hala!! Pagbalik ko ng TC, iniwan na ni mama yung gamit ko. Wag na daw ako sumunod sa Executive's Hills.. susunduin na lang daw ako kinabukasan. Ang pobreng lakwatsera.. ahihihi!! Ok lang.. Enjoy naman.
--------------------------------
Ginising ako ng 5 am to prepare kasi 8:30 daw ang graduation. Brrrrr!! Ang lamig!! Gusto ko pang matulog. Buti na lang nakapag init na sila ng tubig. Isang baldeng pampaligo.. solve na ko. Umuusok ang katawan ko sa lamig. 7:30 nasa PMA na kami, buti kumain ako ng almusal.. 10:30 pala ang start ng ceremony. Pero kahit ganon, wala na kaming maupuan. Nadaanan ko yung mga ibang kamag-anak na manonood ng graduation, nagkakainan na sila sa sasakyan. Galing pa daw ng Tuguegarao.. Cagayan yung iba. Magaan yung feeling. Isipin mo nga naman.. kung puedeng dalhin mo yung buong angkan talagang dadalhin mo... Nakikita ko kung gano ka-proud yung Uncle ko sa anak nya. Mas overwhelmed siya kasi yung bunso nyang anak, 2nd year na this coming sem sa PMA din, at yung sinundan ng bunso... Papasok na din this April. Tatlo sa apat nyang anak na lalaki ba naman. Sana makayanan nung dalawa.
First time kong maka-attend ng graduation don, nakakatuwa palang manood. Di na masyadong binigyan ng attention yung GOAT ngayon.. Sabi nga nila, mas sikat pa ang goat kesa sa honored PMAers. 4 na babae ang pasok sa top 10. Kung titingnan mo, halos parang lalaki na din sila kung kumilos. Pero wow!! Yan ang Women's power! Pero eto pa ang mas bilib ako, mahirap lang talaga yung family ng isa sa kanila na makakareceive ng 2 awards.. Ang trabaho ng father nya eh magbabalot. Sobrang determination. Bow ako don.
After ng ceremony.. Nagtataka ako kasi yung mga graduates eh isa-isang binubuhat ng mga lower class... hinuhubad pa yung mga damit.. tinitira lang yung panloob nila na parang jumper style. Pagbaba namin .. di na namin mahanap yung pinsan ko. Waaaa!!! Nakuha na pala ng mga lower class. Sabi ni Daddy.. ihahagis daw yung mga yon sa pool. Wow!!! Yon ang masasabi kong SWEET REVENGE para sa mga lower class. Hehehe!!
After ng graduation, bumalik kami sa TC. Konting oras na lang ang natitira sa kin kaya pumunta ko ng La Trinidad, Buenget. Mas mura kasi don yung mga pampasalubong and strawberries, 50.00 lang per kilo. Meron pa ngang 35.00. Ayaw ko din pumunta sa Mine's View or kahit saan na madaming tao. Takot akong mahawa ng Meningo.
Bumalik ulit ako ng SR with my cousin nung afternoon.
Masaya na ulit ako. hehehe! Mas sumaya ako nung makakita ako ng branch nung kinakainan namin sa Magsaysay. Mura yung food.. and sulit ka naman sa sarap :)
Umuwi na ko ng maaga para di na ko maiwan ulit
"Goodbye Session Road.. I'll be back ASAP"
Ang aking farewell.. Bago ko sumakay ng taxi pauwi..
I slept with my mom at EH.. sa wakas! Ang ganda nung place. Sobrang tahimik.. Parang may mumu!!
Parang mas comfortable ako sa TC. Pero sa doon talaga kami.. kaya no choice. May kasama naman ako sa room eh.
The following morning... Uwian na kami
Hindi pinakinggan ng Supreme Court ang apela ko na mag-extend. Birthday ko daw kasi kinabukasan.
Kung may lugar akong gustong balik-balikan.. Yon ang Baguio. Kung mas malakas na ang loob ko.. gusto kong tumira don.. at mag establish ng sarili kong business. Balang araw.. magagawa ko to.
____________________________________
Before Heaven..
The night before I left to Baguio, nafinalize namin ni Maynard na tapusin ang relationship namin. He's sorry kasi akala nya ready na siya for a commitment. I was kindda disappointed how it end.. Friends pa din naman kami. Yon lang, until now.. di ko pa din siya kinakausap. Ayoko din muna talaga.. Gusto kong bigyan ang sarili ko ng space. Ayokong kausapin muna siya hanggang may nararamdaman pa ko sa kanya. Pero tanggap ko na din naman na hanggang don lang. Wala kong magagawa.
Bday ko na pala mamya. Ano kayang mangyayari? Masaya kaya or parang ordinaryong araw lang?
Sana nagmatigas ng ulo na lang ako kanina para nasa Baguio pa din ako.
Hay!!
2 comments:
HAPPY HAPPY BIRTHDAY JOANNE!
I hope that this will become a wonderful day...I wish you all the best, good health and happiness.
(thanks for blogging, d man tayo makapag usap at least it feels like I'm still in contact with you)
Jo Happy bertday! labas tayo!
Post a Comment