Kainis kasi tong si Chris eh.. ang arte. Yan tuloy, nagclose ang starbucks! :p
Ang bagsak namin? Sa Shell select, at sa shop na lang kami nag kape habang naglalaro ako ng gunbound.
Hmmmppp!! Malas! Nag-drive ako pauwi ng naka-apak.
Nag-away na naman kami ni Cort the other day... last sunday ata. Nasa akin ang mali... napikon ko kasi nagkukunyarian akong nagseselos, binabaan pa ko ng fon. Ayon, mas naasar siguro. Yon naman ang lagi naming pinag-aawayan.. Yung selos ever. Pero parang malala ata to. Ilang araw na kaming di nag-uusap, nitext di siya nagrereply... Mas naramdaman ko kanina yung coldness nung paalis na siya kanina. Walang goodbye, ni good night. Matindi ata ang galit sa kin. Hmmmm.... Lagi na lang ako.
Pag mas bata ba sa kin, kelangan ba na ako ang umunawa? Di ba dapat give and take?
Naiisip ko lang, kung maghihiwalay kami.. Hmmm... syempre, masasaktan ako di ba? Pero pano kung di naman magwowork out yung relationship? Magkaiba kami ng priorities.. Kung maghihintay ako, baka di na ko puedeng magkaanak non pag ready na siya.
Pero kung don nga ang bagsak namin..
Mamimiss ko siya. Narealize ko, puede naman yung mahal mo yung isa tao pero di mo siya kasama. Yung hanggang don lang kasi alam mong wala namang patutunguhan...
Salamat na lang dahil sa isang yugto ng buhay ko, nagawa mo kong pasayahin, patawanin, matutunang mahalin ka..
Sana kung maghihiwalay kami, maging magkaibigan pa din kami. Maganda naman yung samahan namin eh. Sana yung magiging relasyon natin eh yung katulad ng naipundar namin ni Chris, na kahit wala na.. nandon pa din ang respeto at pagmamahal sa isa't isa.
Nalulungkot ako.. Pero ganon talaga.
Sa umpisa lang naman masakit yan di ba...
Wow! Malapit na pala ang bday ko.
Ayos tong bday gift na to.
I'm Screwed!
Unang Araw
Sugarfree
Sadya ba talagang ganyan
Palakad-lakad kang nakatungo
San patungo?
Ngayong wala ka na
kailangang masanay na muling nag-iisa
San ka na kaya?
Wag mo akong sisihin
Minsan ika'y hanapin
Ito ang unang araw na wala ka na
Nasanay lang sigurong nandyan ka
Di ko rin akalang puedeng kang mawala
Ayan na nga...
Nababato.. nalulungkot
Luha'y napapawi ng singhot
At talungkob ng kumot
Wag mo akong isipin
Minsan ako'y iyakin
Ito ang unang araw na wala ka na..
Ito ang unang araw na wala ka na...
Ito ang unang araw na wala ka na...
3 comments:
hayy..ang lungkot naman :(
so sad that our relationship didn't lasts that long..
disappointing and depressing..
sayang.. kung kelan kaya ko ng harapin lahat..
sayang.. mahal ko na siya.
Joe.. about the comment box error, it also happen to me before I left to Baguio. Ok na ata ngayon.
Bait-bait... Nasisiraan na ko ng bait sa love-love na yan! bwahaha!!
Post a Comment