Kanina ko pa gustong magblog. Iniisip kung ano'ng magandang entry, wala akong maisip. Paulit-ulit lang kasi since pinaalis ko yung assistant ko dito sa shop 2 weeks ago. Habang naglalaro ng gunbound around 9 pm, nag-ring yung phone dito sa shop. Di ko pinapansin kasi wala namang natawag sa kin, so di ko sinagot yung telepono kasi alam ko din namang si Mama na ang sasagot non sa loob. After 2 minutes, tinawag ako nung tindero namin.. Phone call, lalaki daw. Hmmm.. imposibleng si Bullit kasi training nya ngayon.
Conversation on the phone
Joanne: Hello... sino to?
Man: Hello.. puede po kay Joanne.
Joanne: uhhhh.... sino to?
Man: Si Che-Che.
*Oh my god.. ano to lokohan?!!!
*startled
Joanne: uhhhh... saang company po kayo?
*oh my.. sana walang sabihin na company...
Che: Friend po nya ko...
Joanne: Si Joanne na nga ako... Che? as in Percival Jimenez?
Che: Oo... Jo.. ikaw na ba yan? kamusta ka na?
Joanne: Oh my God! Che!!! It's been so long... Kamusta na... Pano mo nalaman number ko?
Che: Kinuha ko kay Tita.........................................
Joanne: Oh my... Che.. ang tagal tagal na nating di nagkita..
Che: Oo nga eh.. antagal na kitang gustong tawagan kaso natatakot ako baka di mo ko pansinin.. baka di mo na ko makilala.
Medyo matagal din kami nag-usap. Che2x is my 1st bf way back in high school. I met him through my ex step mother at Nueva Ecija, 1991. Actually, taga Navotas siya; sinama lang siya ng father ko sa NE pagsundo sa min kasi nagbakasyon kami noon don.
Joanne: oh.. balita ko may asawa ka na ah...
Che2: Oo.. may anak na din ako, 5 yrs old. Actually, schooling na din siya.
Joanne: Naks.. tatay na tatay na.
Che2: Ikaw? ano? nag-asawa ka na ba?
Ouch... Ano ba namang tanong yan.
Joanne: Ahuh... hmmm... Dadating din yon. Di ko pa siguro nakikita.
Che2: Baka naman mapili ka..
Joanne: *chuckled hindi naman. Di lang nag work out yung mga past relationships ko.
I dont know but I was giggling.. Para kong nabuhayan... Di ko maintindihan yung feeling.
Totoo ba to? talaga bang si Che2 yung nakausap ko sa phone? Para kong nananaginip. Kung bibilangin ko... 13 yrs na kaming di nagkikita but until now, natatandaan ko pa din in every detail the 1st time I saw him.. yung mga kulitan namin.. lambingan.. yung mga 1st time and sweet moments.. and kung pano kami naghiwalay.. pati na din yung last na nakita ko siya. Wala kasing tuldok yung paghihiwalay namin.
It keeps on rumbling in my head.. Isusulat ko ba dito kung ano yung nangyari or wag na kasi tapos na din siya.. Pero gusto kong mag reminisce, kung anong mga ginawa ko noon nung naghihintay pa ko sa kanya nung highschool and college. Nagkaron kami ng chance na magkita ulit before I graduate in college. Neighbor kasi siya ng classmate ko sa thesis.. Pero siyempre, nahihiya ako noon atsaka sabi din ng classmate ko na may gf na kaya di na lang ako nagpursue na mameet ko siya. After college, nagkaron ako ng contact sa ex-stepmother ko. Sabi may gf na din ulit. I abandoned the thought na magkikita pa kami kasi meron na din akong bf non.. Syempre, ayaw ko din namang magulo yung present relationship ko. After a year, nabalitaan ko.. kinasal na siya.
Ngayon, kakatawag lang nya... Parang nasa langit ang utak ko. Ang tagal kong hinintay to. Nasabi ko ba lahat ng gusto kong sabihin noon? After 13 years saka lang nya inexplain sa kin lahat. I don't know if I'm dwelling too much on the past.. Kung tutuusin tapos na siya. May sarili na din akong buhay, masaya na din naman siguro siya sa buhay nya.
Naalala ko lang nung bata pa ko.. nung inlove na inlove pa ko sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, pag nagkasasakyan ako.. hahanapin ko siya sa Navotas.. Susuyurin ko ang buong Navotas.
Ngayon, iniisip ko kung anong nangyari nung nagkaron ako ng sasakyan. Bakit di ko na siya hinanap..
Para lang kasing bumalik yung dating feelings. Hahaha!!
Is that what they called: First Love Never Dies? Nyahahaha!!
Natatawa ako sa sarili ko.
But I'm glad he called...
I can't wait to hear from him again.
Bakit pag may nakakausap akong ex ko.. puro sorry ang nababanggit?
Ganon ba talaga ko katanga nung bata pa ko?
No comments:
Post a Comment