Sep 13, 2006

Kasal

2 weeks ago, umuwi si Chu (classmate and a friend since highschool) dito sa ParaƱaque, nakipaghiwalay sa asawa nya. Since pagbalik nya, lagi na kaming lumalabas.. nag co-coffee.. kwentuhan hanggang umaga.. Parang katulad nung mga ginagawa namin before nung wala pa kong business and mga dalaga pa sila. Last friday, pinag-usap namin (Rosie and Weng; husband naman ni Ros) sila sa Tagaytay. Actually, parang set up na din para magkaayos yung mag-asawa. It all went well although inabot na kami ng umaga sa Tagaytay and nakauwi na kami around 9am. Pero ok lang, atleast na-ayos namin yung problema nila. Yesterday, sinundo na siya ni Rodel and nag-coffee kami dito lang sa malapit sa amin. Nakakatuwa.. parang feeling accomplished kami kasi ok na ang lahat.

Last week.. A long time friend showed up. Si Ashley naman, bestfriend ko siya nung 1st yr college ako. Medyo matagal-tagal na kaming di nagkita kaya medyo shock pa ko nung nag uusap kami sa bahay. Hay! Ganon din ang problema nya, yung asawa nya. 8 yrs na silang kasal, 3 na ang anak nya.. kaso arranged marriage sila. Di pa naman siya nakikipaghiwalay pero feeling ko mas malaki ang problema nya, unlike kay Chu na kaya pang ayusin ng magkakaibigan.. pero yung sa kanya.. medyo hopeless. Parang nahihirapan ako for her but I can't do something to ease her pain. Di ko siya kinakausap lately kasi feeling ko hindi pa panahon, I want her to realize na iba na yung panahon ngayon.. Nagbabago ang lahat ng bagay kahit mahirap tanggapin. Di naman sa iniiwasan ko siya pero iba talaga eh.

Mag aapply siya ng work sa Libis, sinamahan ko siya na hanapin yung lugar para di na siya mawala pag ready na siya magpa-interview.

Kinabukasan ng gabi, tinext nya ko. Samahan ko daw siya mag-apply.. She needed me daw para malakasan siya ng loob, 7-9am ang interview nya. Ang tagal ko bago nag reply. Pinag-isipan ko ng husto, nagtataka kasi ako kung bakit ganon. Bakit siya kukuha ng strength sa kin? Yeah, I know na friend nya ko.. and as a friend, I should be there to help her... Pero bakit ganon? 3 na ang anak nya.. di pa ba sapat yon para don siya kumuha ng strength nya? Sinabi ko sa kanya yung feelings ko about sa sinabi nya. Actually, yung buhay nya ang pinag usapan namin.. puro advise ang ginawa ko... Mahirap magbigay ng payo mas lalo na kung isang side lang ang naririnig mo. Gusto ko man malaman yung side nung asawa nya, pero wag na lang. I haven't met him baka sabihan pa ko na nakikialam.

Last friday, she text me again.. Nagsusumbong siya sa kin na 2 days ng di nauwi yung asawa nya.

Nag-reply naman ako pero brief lang kasi on the way kami sa Tagaytay non para ayusin yung problema ni Chu. I told her na suportahan nya yung asawa nya kasi kakabukas lang ng stall nila sa Metrowalk, since wala naman silang katulong and gipit sila financially.. baka yon ang reason kung bakit di nauwi ang asawa nya. Ang dami pa nyang sinabi sa text, lahat naman daw ginagawa nya para maging maayos sila.. lagi na lang daw siyang binabalewala ng asawa nya. In short, nagse-self pity siya. Di na ko nakapag-reply.

Nagi-guilty ako for Ashley because I'm not there for her. Para kasing di ko na kaya.. I'll still do the same thing kahit di dumating yung problema ni Chu. Maybe I just got tired of saving her ass to her parents.. Pagod na ko kaka-back up and lumabas na masama sa family nya pag tinutulungan ko siya.

Naiisip ko, tama nga yung kasabihan ng matatanda.. "Ang pag-aasawa ay di mainit na kanin na puede mong iluwa pag napaso ka." Sa dalawang friend ko, nasabi ko sa kanila na ang pag-aasawa eh di parang fairytale, na pagkatapos nyong ikasal eh nasa dulo na yung "and they live happily ever after". Bakit kasi ang daming nagmamadaling mag-asawa. Ano ba to? Marathon? Mag-uunahan kayong magpakasal... pero sino ba ang panalo sa finish line? Hindi naman sa against or natatakot ako sa term na Kasal.. pero ang dami ko ng nakita, hindi lang sa mga friends ko kundi sa paligid na nagiging failure ang union nila. Bakit pa magpapakasal kung maghihiwalay lang naman?

Siguro, depende lang talaga sa sitwasyon. Depende sa pagdadala nilang dalawa sa problema.

Ay.. bakit nga pala bigla kong na-neglect yung term na Love sa pag-aasawa. Baka dahil di nag-eexist ang Love sa kin kaya parang di ko makuha yung point ng kasal.

Siguro nga..

No comments: