This day is so disappointing... disappointed with Bullit and Ian, my computer technician. I'm planning to replace him. I just can't understand why he is doing this to me. Andaming problema sa pc since nagpalit kami ng OS. My os before was xp, we had a problem with the configuration coz di na nagmimi-meet yung network although nakakapaglaro ng mga games, di sila makita sa neighborhood. In short, may mali sa ip add nila. We observe it for a week, wala namang problema sa mga games, walang hang or nagcrash man lang... it's just the neighborhood thing. He can't fix it so I suggest.. "what if we change our OS to windows 98?" madami kasing nagsasabi na maganda ang 98 mas lalo na sa gaming. We changed the OS to windows 98.. and don mas lumala ang problema. Well, nagkita naman sila sa neighborhood but yung mga games eh nagka-crash, may problem sa mouse, and nagha-hang na yung pc. I am wondering what's wrong with the pc. Is there something wrong with the way he install it... I can't figure out what's happening and nahihiya ako sa mga customer ko pag nagloloko na ang mga pc. Lately, umiinit na ang ulo ko.. Lagi na lang akong nag-iinstall ng counterstrike, minsan di na siya puedeng iremove kasi may problema na. Last last week, he went here and he tried to fix the problem. He came here unexpectedly. I wasn't prepared coz puyatan talaga ang pag-iinstall nitong pc kasi madaling araw lang nababakante ang shop. When the clock strike at 2 am.. pumipikit na ang mata ko. Antok na antok na ako. I ask him if it's ok kung matutulog na ako since nandon naman yung brother ko and his friends to assist him. Sabi nya, ok lang. I also told him to wake me up when he's done para macheck ko naman yung gawa nya. He didn't wake me. He didn't even left a note of what he had accomplished that night. I was disatisfied with his work coz wala namang changes except na naayos na nya yung configuration ng modem... yon ang rason kung ba't di ako nakapag-internet for 2 fucking weeks. (syet! umiinit na naman ang ulo ko). He texted me the ff. morning, apologizing coz he didn't woke me. He told me that he'll be back that day. I waited for him but he didn't visit me. After a few days, saka lang siya bumalik at may kasama pa. He just dropby to check kung anong status ng pc. I ask him the usual thing.. naghahang pa din... at may kasunod na, Kelan mo ba to aayusin? Ang sabi, babalikan na lang nya after a week kasi may nilalakad siya. He also told me na magbubukas din yung barkada nya ng computer shop, nagstart na daw silang magcanvass. Sabi ko naman na unahin na muna nya yung pc ko bago siya tumanggap ng bagong trabaho. Which is tama naman di ba. Di naman thank you lang tong trabaho nya sa kin.. I pay him at may kasama pang bonus yon! Di na siya nagpakita for a week and a half. Kanina lang siya lumitaw ng walang pasabi. He asked me again the same question, kung kamusta ang pc.. I answered the same again. Papalitan na daw nya yung OS ngayon, kaya ibig sabihin non eh mag-iinstall na naman ng games. Ang problema, lahat ng cd eh ipinahiram ko kay Bullit. Syempre, nataranta na naman ako. I call Bullit and ask him na kukunin ko na yung mga cd's. Oo daw but papasok na siya kaya kunin ko na lang daw sa kuya nya. Ang nakakaasar, di pala nya sinabi. Naaasar ako kasi ba't ganto naman si bullit, pag siya ang may kailangan sa akin eh nandyan agad ako.. pero pag ako na eh iniiwanan nya ako sa ere. Ano ba naman yung sasabihin lang nya sa kuya nya na kukunin ko na yung mga cd.. napakasimple lang non. Di ba nya naisip na magbibiyahe pa ako ng malayo?! Bullshit talaga.
Nung papunta na ako sa kanila, nagtext naman sa kin si Ian. Kakain daw muna siya. I didn't reply... naiinis ako sa kanya coz before I left, I asked him kung nagugutom siya. sabi nya, kumain na daw sila. tapos umalis lang ako eh kakain daw sila kasi nagugutom na sila. Ano ba naman yan.. I might be too harsh pero ba't nagsisinungaling pa siya. Eto pa ang mas nakakainis.. Ala pa din siya. namumuti na ang mata namin kakahintay. Di na siguro siya babalik. Naaasar ako. Gusto ko siyang pagalitan.. gusto ko siyang murahin sa mga ginagawa nya. Gusto ko siyang tarayan at pamukhaan. If he's thinking na di na ako makakahanap ng technician, he fucking wrong. madaming mas magaling pa sa kanya! Naiinis ako kasi pupunta siya dito na walang pasabi.. ano ba siya? Para isang text lang.. nagpiprima donna pa siya. Sobrang sama ng loob ko kasi mas inuna pa nya yung isang project nya, yung computer shop ng barkada nya. Ano ba namang klaseng tao to. Di ba siya professional?! Pinakinabangan na nya yung bayad ko sa kanya samantalang yung gawa nya dito palpak pa.
No comments:
Post a Comment