Jan 20, 2005

Fed Up

30 hrs na kong di nagtetext kay Bullit.
Sabi nga nung title ko.. fed up.
Not because he's not texting nor calling me
kasi he call on me naman after kong mapublish sa blog ko na di na kami nag-uusap.

Kagabi, bago ko matulog.. bigla kong naumpog..
Parang yung makapal na helmet ko sa kanya eh biglang nawasak
Siguro dahil sa kayabangan nya sa kin nung naglalaro kami ng gunbound.
Gunbound lang pala yung way para magising ako sa kahibangan ko.
Di ko gusto ang timbre ng pananalita nya..
Bumalik na naman ang kayabangan nya.
Anyway, di ko na lang sasabihin kung ano yung nangyari..
basta na-offend ako ng husto sa ginawa nya.

Wow.... after a year (after our break up) ngayon lang ako nagising sa kagagahan ko.
Andyan na yung harap-harapan nyang pangtu-2 time at pangloloko sa kin
pero di ako nagalit, di ako napagod sa pagmamahal at pagtulong sa kanya...
Pero ngayon, masasabi ko nang......
AYOKO NA!!! TAMA NA ANG KAHIBANGANG ITO!!!!!
Bukas, pag gising ko... Alam ko, eto pa din ang sasabihin ko sa loob ko.

Actually, di na ko nasasaktan.. tapos na ko don.
Hindi na din ako iiyak para sa kanya.
4 na taon ang nasayang sa isang relasyong pinagkaingat-ingatan ko.
Sinayang nya lahat...
Sinayang nya ako.................................

Parang gusto kong punitin lahat ng binigay nya...
gusto kong sunugin yung singsing at hikaw hanggang matunaw..
gusto kong basagin yung celfone..
wasakin yung damit at stuff toys..
Para magkasya sa isang box ng canned foods..
at ibabalik ko sa kanya with note na..
"Maybe, you should have give me more!"
Kaso baka isipin na gusto ko siyang bumalik sa kin..
Wag na lang..

Tama yung sabi ng friend ko...
Oo nga...
Checkmate na tayo Bullit!
Tapos na ang laro.. at ikaw ang talunan.

Nakakalungkot isipin na umabot na ko sa dulo ng pisi ko.
Akala ko walang hangganan na yon....
Ngayon, alam ko na...
Meron din palang hangganan ang isang pagmamahal na totoo
Mas lalo na kung inabuso at niloko ka.
Kala ko nagfe-fade lang ang pagmamahal at di nawawala..
Meron din pala.

Salamat sa experience..
Sana di na ako makatagpo ng taong katulad mo.

1 comment:

Joanne said...

thanks lolo ;)
kaya natin toh... :D