Jan 27, 2005

Thank you Friend

Around 9 am awhile ago, I received a long text from Bullit..
3 days na daw siyang di mapakali.. di makatulog ng maayos... disturb...
Siguro daw kasi miss na daw nyang makakita ng kasing panget nya (at ako yon).
I disregard his text at pinilit na matulog ulit kasi ayan na naman siya.
11 am, I received a long texts from him again,
puro explanations kung bat di siya makapagtext at kung ano-ano pa...
Ok, 5 days na sira ang network ng sun cell, accepted ang reasons nya.
Kaya di naman ako nagtetext kasi ayoko lang talaga at syempre until now di nya alam kung bakit.
Siguro nagtataka siya kung bat di ako nagrereply,
nag miss call siya.... once... twice....
Umiiyak na ko, gusto ko na ayaw kong sagutin ang celfone.
I was gripping my rosary, asking God to give me more strength to hold on to my decisions the other day.
Mahirap talaga pag umpisa...
Pang 3rd time na nag ring ang fon at papatayin ko na sana..
biglang nakita ko ibang name ang nakaregister..
Oh my.. si Jeff na pala
Nung sasagutin ko na sana, binaba na nya yung fon.
I call him back... at napaiyak na ako kay schat.. I told him what happen just before he called.
Ayon, napayapa ulit ang loob ko.
Kahit nung isang araw, kahit wala siyang kamuwang-muwang sa buhay ko..
Ang galing tsumamba ng pagkakataon..
Siya ang nag absorb ng sama ng loob ko.
Sana tuloy ang date ng mga single sa Valentine's day...
Excited na ko. :)

Masyadong madami akong dapat pagbalingan ng attention ngayon.
Tama na muna si Bullit, oo nga pala... tapos na siya.

Lumabas kami ng sister ko kanina,
Sinamahan ko siyang mag exam tapos sinamahan naman nya kong pumunta sa Gilmore.
After that, nanood kami ng Electra sa Megamall.
Buti.. di na siya masyadong nagtatanong tungkol kay Bullit.

To all my friends..
thank you so much for all the support you've given me.
ipag-pray nyo din sana ako na malagpasan ko to. :)
I love you all. :)

4 comments:

Thess said...

sayang wala ako dyan, kung hindi....lalakwacha tayo, mama!!

kakaladkarin natin sina Eloise, Lino, Ronnie at Jeff! Hindi natin papapasukin sa trabaho mga yan!

Kaya mo yan Jo.matigas ka na...cge, sabihin mo sa harap ng salamin: Matigas ako! Ako ay batwo...ehek! BATO pala!

Anonymous said...

jho isipin mo na lang na ang decision mo ay parang post sa tag board.. wala ng delete-an... hmm... pwera na lang kung sa doodle ka magpo-post :D

~ you sparingly give chances and bestowed unto him more than he deserves... may the next one be in your favor ~

ano daw? di ko ma gets? :lol:

sachiko said...

Ang hirap ma in love ano? Even for married couples,nangyayari rin ang ganyan. Some give up and separate,some make pasensha to heavens,most naturally kiss and make up. If the relation is giving you too much heartaches than happiness,maybe it's time to move ahead. He should give you love and attention and respect the way you do to him,ang sikreto ng matibay na samahan. And you should be both (esp.the man)financially prepared,kung hindi maski ikasal kayo,magulo. I hope you find happiness in love,marry and have kids.Maski wala ng marriage or kids,basta ba happy ka and secured na, you are being loved.

Hope you don't mind my giving you this advise.I know that when you reach a certain age,a woman longs for a stable commitment and future. Goodluck,Joanne..It's your life,sana wag kang magkamali sa mga desisyon mo..

Joanne said...

Ate thess,

Ayyy!! oo nga!! BATWO!!!! hahaha!! I miss you 'te... uwi ka muna dito.. saluhan mo ko sa problema ko.. :D
Thanks 'te

Ymir,

ikaw ba yan arcie? sabi sayo, wag kang masyadong nagpupuyat eh. Nagkaka-sense na tuloy ang litanya mo. hihihi!! joks lang.. Very well said.. salamat sa encouragement :)
It's been 3 years na tayong magkakilala at eto pa din ako, si bullit pa din ang problema... Sana next time, iba na. :)

Ate sachi,

Thank you.. buti na lang di natuloy ang kasal namin, kundi yari ang lola mo. :p

Thank you talaga sa advise. Don't worry.. kakahintay, dadating din yang si Mr. Right. di man siya yung ideal man, atleast siya yung tama para sa kin :)