Dec 2, 2006

What kind of Ghost I am




I am a...
guide spirit

Always watchful, the guide spirit is one spectre that lights the way for others. Call it compassion or just plain kindness, but it seems like you often fill a "guardian angel" role.

Read more
...

What kind of ghost are you?



Nov 10, 2006

Labo mo

Minsan gusto kitang sisihin
Kung bakit nagkaganto ang buhay namin
Kung puede nga lang sana bumalik sa nakaraan
Sana sa una pa lang na nakilala kita ay iniwasan na kita.

Bakit ba ang labo mo?
Pag binibigyan kita ng atensyon
Saka mo naman ako binabalewala
Pero pag ayaw ko na at may iba na kong
pinaglalaanan ng panahon
Para kang bata na inagawan ng kendi at gagawa ka
ng paraan para mabalik ako sayo.

Sawang-sawa na ko sa ilang taon na ganto
Paulit-ulit... ang gulo-gulo mo
Bakit di mo na lang ako pabayaan magmahal ulit
Bakit di ka na lang mawala sa buhay ko.

Ang labo ng set up mo
Gusto mo magkaibigan pa din tayo
Bakit di mo muna ko bigyan ng puwang para
makapag-isip para sa sarili ko
Lagi na lang ikaw.. pulos na lang ikaw
Nakakainis ka na.


Hayaan mo naman kami maging masaya
Siguro tama na ang ilang taon na minahal kita
Eto na ang panahon namin..
Kung magkamali man ako ulit
Wag kang mag-alala, hindi kita sisisihin.

Nov 1, 2006

My Guardian Angel

4 days na kong di natutulog sa bahay ng gabi.. Ewan ko ba natatakot pa din ako kahit matagal na kong nakatira don. Pag palapit na kasi ang halloween, nakakaramdam ako ng di maganda sa paligid kaya nakikitulog ako kila mama and this time.. sa kwarto naman ng mga babies namin. Yesterday pag-uwi ko around 6am, napa-idlip ako. Pag gising ko parang wavy ang pakiramdam ko.. napansin ko yung wall bandang paahan ko na may portrait ko (pero payat ako don pramis), ang kakaiba lang don parang 3D siya.. gumagalaw yung drawing; hinahangin yung buhok ko tapos parang ang saya-saya ko don. Napuna ko na may katabi akong lalaki na naka-all white.. Sabi ko sa kanya, "Uy.. tingnan mo oh.. Ang ganda ng pagkakagawa" Parang nagulat sya sa kin.. Sabi nya.. "Balik ka na.. bilis balik ka na.." Nagtataka ako don sa lalaki.. at nagising na nga ako. Mga bandang hapon na dito sa shop nung naalala ko ulit yung "panaginip" ko. Para kasing totoo.. Hanggang sa nafinalize ko na nakapag-astral projection na naman pala ko but this time, medyo weird talaga siya kasi may lalaki akong kasama sa kwarto. Sino kaya yon? Sure ako na kilala ko siya pero di ko matandaan kung anong connection nya sa kin. Sabi sa kin ng sister ko, baka daw binabantayan ako ng guardian angel ko tapos nagulat siya nung lumabas yung spirit sa katawan ko kaya pinapabilis na bumalik ako. Anyhow.. Thank you my guardian angel :) Talagang binabantayan mo ko :)

.... And promise my guardian angel.. di na kita papabantayin kahit kanino. Nung college ako, may bf ako na halos namuti ang mata ko kakahintay sa kanya eh inindyan ako. Di siya nagpe-page sa kin (dahil di pa naman uso ang text non kaya page lang). Sobrang worry ko, nagdasal ako at inutusan ko yung guardian angel ko na bantayan yung bf ko kasi baka naaksidente siya or whatever na may masamang nangyari sa kanya. Napa-idlip ako habang nag-iintay. Napakadilim ng kwarto, yung ilaw lang galing sa tv ang liwanag, nakikita ko yung mga kasama ko sa bahay pero sobrang dilim. Kinakausap ko yung mga kasama ko sa bahay pero di nila ko pinapansin, parang di nila ako nakikita. Lungkot na lungkot ako tapos bigla akong nagising. Bumangon ako, paglabas ko ng kwarto.. kung anong pwesto at kinakain ng mga kasama ko.. ganon na ganon din sa panaginip ko. Madaming beses na din nangyari sa kin to. Most of the time, pag sobrang depress ako pero yung kahapon.. di naman ako super depress. Depress lang pero not to the point na kelangan kong uminom ng lexaton para maibsan ang nararamdaman ko.

Anyway.. Nov. 1 na ngayon. Sana lang, tama na ang paramdam at masyado na kong natatakot. And promise po.. magdadasal ako mamya para sa "inyo".

Sep 14, 2006

Hmp!

Last sunday, text everness kami ni Randy. Ininvite nya ko manood ng sine, yung movie na "The weaker man".. Pumayag naman ako. Actually, medyo excited ako kasi ang tagal naming di nagkita.

Yesterday, nagtext ulit siya. He asked me kung showing na ba talaga. Sure ako kasi dapat manonood na ako non kaso di lang ako tumuloy kasi parang nakakatakot. Akala ko inaayos na nya yung schedule nya sa sunday, kasi last week nagsabi din siya na dadalawin nya ko dito pero di naman siya pumunta. Kaso, after lang ng ilang oras nagtext ulit siya, nanonood na daw siya ng The Weaker Man kasama ang mother nya. Ano ba yan.. Iinvite-invite nya ko manood ng sine tapos di pala siya makakatiis eh nauna na siya. Masama ang loob ko noh.. Wala man lang sorry-sorry.. GRRRR!!! Sa lahat pa naman ng ayaw ko yung yayayain ako manood ng sine tapos di matutuloy. Hmp!! Parang gusto ko lang sabihin na..

Hello!!! Movie addict kaya ako.. Kahit di mo ko yayain manood ng sine kaya kong manood mag-isa! Nakakainis lang kasi magbibitaw ka ng salita pero di mo naman ginagawa... and di ka man lang marunong magsabi ng "Sorry".. nakakabawas ba ng pagka-lalake pag mag-aapologize ka?

Susme naman.. madali lang naman ako kausap. In the first place, di ko naman siya pinilit na pumunta dito. Second, mag-iinvite invite siya.. tapos di naman pala sure kung matutuloy.

Nag reply naman ako na enjoy na lang siya sa movie.. and I never text back when he texted me again. I'll never text him until I hear him say "SORRY"...

Pramis!

Sep 13, 2006

Kasal

2 weeks ago, umuwi si Chu (classmate and a friend since highschool) dito sa ParaƱaque, nakipaghiwalay sa asawa nya. Since pagbalik nya, lagi na kaming lumalabas.. nag co-coffee.. kwentuhan hanggang umaga.. Parang katulad nung mga ginagawa namin before nung wala pa kong business and mga dalaga pa sila. Last friday, pinag-usap namin (Rosie and Weng; husband naman ni Ros) sila sa Tagaytay. Actually, parang set up na din para magkaayos yung mag-asawa. It all went well although inabot na kami ng umaga sa Tagaytay and nakauwi na kami around 9am. Pero ok lang, atleast na-ayos namin yung problema nila. Yesterday, sinundo na siya ni Rodel and nag-coffee kami dito lang sa malapit sa amin. Nakakatuwa.. parang feeling accomplished kami kasi ok na ang lahat.

Last week.. A long time friend showed up. Si Ashley naman, bestfriend ko siya nung 1st yr college ako. Medyo matagal-tagal na kaming di nagkita kaya medyo shock pa ko nung nag uusap kami sa bahay. Hay! Ganon din ang problema nya, yung asawa nya. 8 yrs na silang kasal, 3 na ang anak nya.. kaso arranged marriage sila. Di pa naman siya nakikipaghiwalay pero feeling ko mas malaki ang problema nya, unlike kay Chu na kaya pang ayusin ng magkakaibigan.. pero yung sa kanya.. medyo hopeless. Parang nahihirapan ako for her but I can't do something to ease her pain. Di ko siya kinakausap lately kasi feeling ko hindi pa panahon, I want her to realize na iba na yung panahon ngayon.. Nagbabago ang lahat ng bagay kahit mahirap tanggapin. Di naman sa iniiwasan ko siya pero iba talaga eh.

Mag aapply siya ng work sa Libis, sinamahan ko siya na hanapin yung lugar para di na siya mawala pag ready na siya magpa-interview.

Kinabukasan ng gabi, tinext nya ko. Samahan ko daw siya mag-apply.. She needed me daw para malakasan siya ng loob, 7-9am ang interview nya. Ang tagal ko bago nag reply. Pinag-isipan ko ng husto, nagtataka kasi ako kung bakit ganon. Bakit siya kukuha ng strength sa kin? Yeah, I know na friend nya ko.. and as a friend, I should be there to help her... Pero bakit ganon? 3 na ang anak nya.. di pa ba sapat yon para don siya kumuha ng strength nya? Sinabi ko sa kanya yung feelings ko about sa sinabi nya. Actually, yung buhay nya ang pinag usapan namin.. puro advise ang ginawa ko... Mahirap magbigay ng payo mas lalo na kung isang side lang ang naririnig mo. Gusto ko man malaman yung side nung asawa nya, pero wag na lang. I haven't met him baka sabihan pa ko na nakikialam.

Last friday, she text me again.. Nagsusumbong siya sa kin na 2 days ng di nauwi yung asawa nya.

Nag-reply naman ako pero brief lang kasi on the way kami sa Tagaytay non para ayusin yung problema ni Chu. I told her na suportahan nya yung asawa nya kasi kakabukas lang ng stall nila sa Metrowalk, since wala naman silang katulong and gipit sila financially.. baka yon ang reason kung bakit di nauwi ang asawa nya. Ang dami pa nyang sinabi sa text, lahat naman daw ginagawa nya para maging maayos sila.. lagi na lang daw siyang binabalewala ng asawa nya. In short, nagse-self pity siya. Di na ko nakapag-reply.

Nagi-guilty ako for Ashley because I'm not there for her. Para kasing di ko na kaya.. I'll still do the same thing kahit di dumating yung problema ni Chu. Maybe I just got tired of saving her ass to her parents.. Pagod na ko kaka-back up and lumabas na masama sa family nya pag tinutulungan ko siya.

Naiisip ko, tama nga yung kasabihan ng matatanda.. "Ang pag-aasawa ay di mainit na kanin na puede mong iluwa pag napaso ka." Sa dalawang friend ko, nasabi ko sa kanila na ang pag-aasawa eh di parang fairytale, na pagkatapos nyong ikasal eh nasa dulo na yung "and they live happily ever after". Bakit kasi ang daming nagmamadaling mag-asawa. Ano ba to? Marathon? Mag-uunahan kayong magpakasal... pero sino ba ang panalo sa finish line? Hindi naman sa against or natatakot ako sa term na Kasal.. pero ang dami ko ng nakita, hindi lang sa mga friends ko kundi sa paligid na nagiging failure ang union nila. Bakit pa magpapakasal kung maghihiwalay lang naman?

Siguro, depende lang talaga sa sitwasyon. Depende sa pagdadala nilang dalawa sa problema.

Ay.. bakit nga pala bigla kong na-neglect yung term na Love sa pag-aasawa. Baka dahil di nag-eexist ang Love sa kin kaya parang di ko makuha yung point ng kasal.

Siguro nga..

Malas

Nakakainis tong araw na to... Parang medyo malas..

  • Si Joshua, naiwan na naman ni Tin sa loob ng sasakyan. Buti nakita ko.... Muntik ng masuffocate ang bata sa sobrang init. Until now, pag naaalala ko.. awang awa ako sa pamangkin ko. Oh my God.. wag sana maulit.
  • Nag-over heat yung revo nung hinatid ko si Papa sa Greenhills, eh sinama ko pa yung baby ko. Hay.. First lakwatsa nya with me.. nag-over heat pa.
  • Na-late ako pa ko sa appointment ko dahil sa traffic and yung inispent na time namin habang inaayos yung sasakyan.
  • Nasira ni Papa yung bukasan sa likod ng Revo.. puede pa naman maayos pero.. Yari ako...
  • Nabasag nung customer yung salamin ko sa table. Nakakainis, di man lang pinabayaran ni Ivan.
  • Dumating yung mga s0-called friends and so-called sister ni Mama. Iritado talaga ko sa kanila. Pupunta lang sila dito pag may kailangan sila, pero pag wala na.. wala na din.. Ang pobre kong nanay, nagamit na naman.

Aug 30, 2006

Out of Bound

4 months ago, I decided to quit playing gunbound. Actually, di naman talaga quit to the max na i-a-uninstall ko siya sa pc kasi ako na ulit ang gm ng D.end pero ang consequence is.. di na active lahat ng members. Drew joined other guild, ok lang. Sayang lang yung sinimulan nya. It's because of him why I pursue myself to take care of the guild while he was "away". It's kindda disappointing when he left us... but as I have said, it's OK.
For 4 months.. ang dami kong nagawa. Mas naging close kami ng sister and brothers ko. I have more time for my family now.. di lang sa family kundi sa madaming bagay. Naayos ko na din ang bahay ko... Actually, I'm not asking for more. I'm blessed with my family.. and my business is doing good.
Although zero lovelife ako ngayon, parang ok lang. Hindi ko naman hinahanap and it's not a big deal for me kung wala. Nae-enjoy ko yung pagiging isolated ko sa ibang tao, mas lalo na sa ibang nakilala ko sa gunbound. Yeah, I still have hatred with some people.. it may took long for me to forget about it. It hurts when you are betrayed by a 'friend'. Oh well.. naging friend ba talaga ako sa kanila? But I'm still thankful that I met those assholes, atleast I'd learned something.

Aug 17, 2006

test .. test .. test..

Personality test addict as I may say.. This is what I usually do whenever I'm bored.



You Are 26% Evil

A bit of evil lurks in your heart, but you hide it well.
In some ways, you are the most dangerous kind of evil.


whoa...



Your Five Variable Love Profile

Propensity for Monogamy:

Your propensity for monogamy is medium.
In general, you prefer to have only one love interest.
But it's hard for you to stay devoted for too long!
There's too much eye candy to keep you from wandering.

Experience Level:

Your experience level is high.
You've loved, lost, and loved again.
You have had a wide range of love experiences.
And when the real thing comes along, you know it!

Dominance:

Your dominance is medium.
You tend to be the one with more power.
You aren't a total control freak in relationships..
But of course you don't mind getting you way!

Cynicism:

Your cynicism is low.
You are an eternal optimist when it comes to love and romance.
No matter how many times you've been hurt - you're never bitter.
You believe in one true love, your perfect soulmate.
And if you haven't found true love yet, you know you will soon.

Independence:

Your independence is high.
You don't need to be in love, and sometimes you don't even want love.
Having your own life is very important for you...
Even more important than having a relationship.



Are You Ready To Date Again?
You are Ready to Date Again

If you're not out there already, you should be.
Your ex is long gone from your heart, and you are ready for another relationship.
Any guy you meet gets a clean slate - and no emotional baggage.
Congratulations, you've gotten completely over him.
Now, on to a better guy :-)

It's time for you to start dating!
Post your photo and profile on a bunch of personals sites.
Before long, you won't have any more lonely Saturday nights.


hmmm... I'm a bit surprised. :)
anyway.. do I really need a knight in shining armor?
I guess I need to take another test..



You Don't Need a Man, but You Want One!

You like having a guy in your life, and overall, you prefer not to be single.
You won't go out with a guy out of desperation.. you rather be alone.
However, when you're single, you do tend to obsess a little over dating.
Because no matter how good your single life is, it's better with a great guy around.


funny.. wahahaha!

Aug 15, 2006

Cross Your Fingers With Me

I got sick for 2 days last week. Overfatigue and heartaches strikes me. I lost my defenses, no doubt.. it's really a knock out.

I've been depressed for the past years, insanely mad with life for the past few month. I guess, I live so much in the past and I forget that there's a brighther tomorrow even if he's gone. Before I got sick, I dreamt so much about flying. My bestfriend's interpretation about flying in dreams is that the dreamer wants to escape. Escape from what? My business is doin' good, I have a wonderful family. So what's the reason for me to 'escape'? I've been evaluating myself, my feelings for someone, and then I realized that I didn't succeed to forget him. My stuggles begins (again), I thought I'm done with the Bullit thing and I wonder what is wrong again.. I realized how can someone move on when she's trying to run away from it.

A weeks before I got sick, I called him on the phone... I don't know what happen, I just found myself telling him that I'm still madly inlove with him BUT I have no intentions for a reconciliation. I just want to let him know my feelings.. and what life would be if I chosed Chris better than him. I let him know my frustrations and the pain I've gone through of losing him. He was my world, my happiness, my everything. How could he left me defenseless from pain and loneliness. My soul was crying but not confused.

A week or so, I woke finding myself sleeping on a messy room... living on a dirty house. I keep on mumbling.. "Anong nangyari sayo Jo? Anong nangyari sa bahay? San ka nagpunta?" I decided for a general cleaning. There I saw our diaries, loveletters, those chocolate and roses boxes I kept. I recall that it is the reason why I am avoiding to clean the house for the past years. I can't help myself not to look at those again.. those things that I know will hurt and makes me cry. It took me 8 hours cleaning (5 hours for cleaning, and 3 hrs for reminiscing and crying)... duh.. as if I'm living on a big house. It's a messy house.. and I have a messy lovelife.. Photobucket - Video and Image Hosting
It's a very tiring day but I still managed myselt to go to the shop. (It's a punishment for me for not cleaning the house for decades!... just joking) Then I got sick a day after that.

Right at this moment, I don't feel depress anymore. I can't say that I have no feelings for Bullit but I think I'm starting to move on.
I want myself to be healed not by hatred nor having a relationship again.
I know it's not too late for me.. I'll keep my (hand and toe) fingers cross.

Photobucket - Video and Image Hosting

Jul 13, 2006

Rainy Wednesday

Around 9 am, nakareceive ako ng text sa assistant ko na sira daw ang OS ng pc 5. I'm trying to ignore his text kasi 6am na ko natulog. I was thinking na mga lunch time ko na lang aayusin kaso.. di ako mapakali sa pagtulog and may lakad kami ni Tin before lunch. So, napilitan akong bumangon at ayusin yung pc. Actually dapat reformat na ang gagawin pag naging ganon ang problema, buti na lang nagkaron ako ng powerquest drive image. It's a software that copies your hard disk... puedeng i-copy from hard disk to hard disk or puedeng i-save mo yung image sa hard disk mismo but you'll really be needing 2 pc talaga. Depende sa sira nung pc mo. Pag OS, 2 pc talaga ang kelangan. Pero kung na-virus lang at wala ng solusyon, puede na nya i-load un sa mismong pc. To cut it short, nadaanan ko lahat ng pc ko.. at sa isang pc lang ako puedeng mag-kopya. Dati naman, puede lahat... Nagtataka tuloy ako ngayon kasi baka magkaron ako ng problema in the near future sa mga pc ko. Dapat talaga mag ipon ako kasi mahirap masiraan ng pc... ang mas mahirap eh yung wala akong nakatago para ipampalit ng piyesa. Parang wake up call na naman. Kung wala tong software na to, it will took me several hours sa pag reformat and pag install/update ng mga games. Maswerte pa din ako kahit papano kasi wala pang 1 hr kung magkopya.

Lunch time na kami nakaalis ni Tin papuntang Tagaytay. Every wednesday kasi, may panata si Mama na pupunta kami sa Pink Sisters and Our Lady of Manaoag sa Tagaytay. Since nasa Bicol si Mama, kami na lang ng sister ko ang tumuloy sa panata nya. Before, sumasama din ako kay Mama pero lately iniiwan ako kasi minsan di ako makagising on time atsaka kakabalik din lang kasi ng assistant ko kaya wala din akong time last month. Gusto ko ding sumama palagi kasi don na lang yung time na nakakapag bonding kaming mag-iina. Don kami nakakapag-usap ng walang istorbo. Pag dito kasi sa bahay, paputol-putol kasi laging may bisita si Mama atsaka laging may phone call.

Kanina ko lang nakwento kay Bullit na nagpupunta kami sa Pink Sisters.. Sabi nya sa kin, may miracle na ba kong natanggap since pumunta ko don. Kanina ko lang nasabi sa kanya na 3 yrs ago, nagpunta ako don nung unang hiwalay namin. Di ko naman winish na magkabalikan kami, I asked for His guidance kasi naman maloka-loka talaga ako nung nawala siya di ba. After 3 months, nag-reconcile kami. Last January, bumalik ako don with my friends. Sila din yung kasama ko nung unang punta ko. It was a good timing because Arielle was confined in the hospital for 2 weeks. I prayed for my niece to get well and my prayer has been answered. After a week, naiuwi na namin siya. I don't know kung kino-call talaga Niya ko kasi si Mama, nadiscover nya yung PS last May. Last day of May, and it was wednesday.. sinama kami ni Mama don. Medyo mabigat ang problema ko that time because of Ching, my ex. Kasi nga, gusto ko siyang tulungan na magbago. I asked for His guidance again, kung hanggang saan ako magho-hold on.. Kung kaya ko bang baguhin yung tao na yon. Kinabukasan, naghiwalay kami ni Ching. Parang ang bilis nung sagot nya sa kin. Pero alam ko tama lang yung nangyari. Nahihiya nga ako kay God.. kasi everytime na napunta ako puro wish ang ginagawa ko. Puro hingi ng guidance, pero ako kaya? Ano ba ang nagawa ko para sa Kanya?

Pag uwi namin kanina, umidlip muna ko. I'm up around 6pm, di rin ako makatulog. Ang lakas ng ulan, iniisip ko kung may customer ba ako o baka may tumutulo na naman galing sa bubong. Minsan kasi pag magdamagan ang ulan, nagkakaron ng leak sa bubong. Ang pinagtataka ko lang, lagi kong pinapaayos ang bubong ko pero bakit nagkaka leak pa din? Tama nga ang hinala ko, may leak nga. Pero bakit ganon? Nung isang araw pa naulan pero ngayon lang nagkaron ng tulo? Di ko pa pinapaayos yung bubong ngayon, pero bat tumigil yung tulo eh umuulan pa din hanggang ngayon. Nakaka-aning din tong problema sa bubong ah. Ang gulo parang pansit.

Wala pa din si Arielle :(
Iniisip ko siya palagi. Sana napapalitan siya ng diapers ng nanay nya on time. Sana di umiiyak. Dapat di ko siya masyadong isipin eh kasi sabi ng mga matatanda, dapat wag masyadong isipin ang bata pag nalalayo sayo kasi nase-sense daw nila yon. I can't help it. I miss her so much :(

Nag brownout sa min kanina around 11pm.. Bumalik ang kuryente after 30 minutes. Inis na inis ako kasi pagbukas ko sa isang pc.. Nasira din ang OS. Grrrr! Alangyang brownout yan! Nasira ang pc ko. Pasalamat talaga ko sa drive image na to. Lord.. tama na muna yung dalawang pc na nasira ang OS for this day. Sana last na yung dalawa na yon kasi pag yung ibang pc ang nasira (mas lalo na yung mga bagong pc), magbabayad na naman pag pagawa sa techinician ko.

Buti na lang eto lang ang pino-problema ko sa araw-araw lately. Wala akong ibang tao na pasanin. Tama na siguro ang lovelife. Gusto ko munang magpahinga sa ganyan at namo-moret ako. :D

Jul 12, 2006

Woot!

I don't know how to start again. Everytime na magba-blog ako, iniisip ko kung ano bang title atsaka pano ko mag i start. Hayz.. Name-mental block ako. Kanina andami kong iniisip kung anong ilalagay ko, natagalan lang ako sa paghahanap ng bagong skin. Sa sobrang tagal, nakalimutan ko na ata lahat. Iniisip ko pa yung theme ng blog skin ko.. Inlove but lonely. Lonely ako pero di ako inlove noh! Photobucket - Video and Image Hosting Ang cute lang kasi ng design nya.. Hihihi!

Laging umuulan ngayon, buti di masyadong apektado ang business ko. Actually, my shop is picking up mas lalo sa mga chatters pag gabi. Before, wala na kong customer ng 11pm pero ngayon.. ako pa ang sumusuko kasi minsan natatapos na sila ng 4 am, mas worst pa is 7 am. Ay! di ako nagrereklamo.. pramis. Bumalik yung assistant ko kaya medyo di na ko pagod palagi. Medyo naka-recover na din ako sa hypertension ko last week, pero magpapacheck up pa din ako a week before maubos ang gamot ko. Sabi nga nung doctor na pinuntahan ko, di dapat dinededma ang ganitong sakit.

Nung isang araw ko lang naisip... Pano kung mabuntis ako eh nagte take ako ng medications? Hmmm... Ay, umaasa pa ako. Photobucket - Video and Image Hosting

Naiinggit kasi ako kay Tin, kamukhang kamukha ko pa yung baby nya.
She's 2 months old.. ang cute di ba.
Ashley
Photobucket - Video and Image Hosting

Last night, napag usapan namin ni Bullit sa phone yung tungkol sa mga babies sa bahay. Yung 2nd baby kasi ni Aris, kami ang nag-aalaga ngayon kasi parehas na nagwo work si Aris and yung nabuntis nya. Gusto ko sanang ampunin si Arielle..
Here she is.. 6 months old naman.
Photobucket - Video and Image Hosting
Last week, bumili ako ng panglakad nya na damit. Omg.. di nagkasya yung blouse na nabili ko. Napunta tuloy kay Ashley. Kaya nung isang araw, nilakihan ko na yung overall na bili ko, large lahat and it turn out na sakto lang. Wag lang muna siya biglang lumaki agad kasi di nya magagamit lahat yon. Grabe ang hirap namin sa bata na yan since napunta siya sa min. Gustong gusto ko na talaga na ako na lang sana maging nanay nya kaso sabi ni Bullit, wag daw kasi mas maganda daw na sarili kong anak. Gagawan na lang daw kami. Asa din tong si panget. Pakasalan muna nya ko para di naman kami kawawa ng magiging anak namin noh. Pramis di kami nagkabalikan... at hindi ako umaasa na magkakabalikan kami. Hahaha!!

Ok na ko ngayon about Bullit. We seldom see each other, puro usap lang sa phone. Parang mas okey nga eh. Although I know deep inside me na mahal ko pa din siya pero ayaw ko na eh. Parang mahal ko lang siya.. ganon lang. Hindi ako nag eexpect na magiging kami ang magkasama in the end pero di ko kino-close yung istorya naming dalawa. Nakapag move on na siguro ako sa part na yon.

Nami-miss ko si Arielle, every day bago ko pumunta sa shop.. Iche-check kung ok lang siya.. Kung gusto magpakarga.. kung nagugutom na. Most of the time, I spend my time with her and Ashley pag wala namang masyadong ginagawa sa shop. Taga-alaga.. taga-hele.. taga-karga. Kaya nami-miss ko siya kasi hiniram muna siya ng mama nya ng 3 days. Bukas daw isasauli na. Sana bukas makabalik na siya.

Ashley and Arielle is different in many ways. Mahinhin si Ashley.. pati pag iyak babaeng babae. Atsaka parang madaldal pag lumaki. Nakakausap na kasi siya.. Di naman nagsasalita pero pag kinakausap kasi namin, sumasagot siya. Ganon di naman si Arielle pero kakaiba. Ang lakas umiyak.. Ang lakas sumigaw.. Ay grabe. I remember nung 5 months siya. Natuto na siyang dumapa. Galit na galit nung nakadapa kasi di siya makatihaya.. Sumisigaw, eh di ko pinapansin.. umiyak na. Hahaha!! Siguro kung nakakapagsalita yung baby namin.. siguro sinasabi non.. "Hoy Mama Ann!! Ano ka ba!! Di ko mabuhat ang katawan ko!! Waaaa!!" Hehehe... Omg.. I really miss my baby. Binansagan ko pa yung ng 'dragon' kasi nga malakas sa lahat.. pati pagkain.. ay over sa dede. Kaya siguro ganyan siya kalaki.

Gusto ko ng magka-baby.. Pero pano? Wala naman akong asawa. Wala din akong boyfriend. Ayoko naman mag ampon kung di ko pamangkin. Gusto ko sana yung galing sa kin. Pero gusto ko kasal na ko bago ko magkaanak.

Yon na lang ang kulang sa kin... my own Family. Photobucket - Video and Image Hosting

Why can't I

Get a load of me, get a load of you

Walkin' down the street, and I hardly know you
It's just like we were meant to be

Holding hands with you when we're out at night
Got a girlfriend, you say it isn't right
And I've got someone waiting too

What if this is just the beginning
We're already wet, and we're gonna go swimming

Why can't I breathe whenever I think about you
Why can't I speak whenever I talk about you
It's inevitable, it's a fact that we're gonna get down to it
So tell me
Why can't I breathe whenever I think about you

Isn't this the best part of breakin' up
Finding someone else you can't get enough of
Someone who wants to be with you too

It's an itch we know we are gonna scratch
Gonna take a while for this egg to hatch
But wouldn't it be beautiful

Here we go, we're at the beginning
We haven't fucked yet, but my heads spinning

Why can't I breathe whenever I think about you
Why can't I speak whenever I talk about you
It's inevitable, it's a fact that we're gonna get down to it
So tell me
Why can't I breathe whenever I think about you

High enough for you to make me wonder
Where it's goin'
High enough for you to pull me under
Somethin's growin'
out of this that we can control
Baby I am dyin'

Why can't I breathe whenever I think about you
Why can't I speak whenever I talk about you

Why can't I breathe whenever I think about you
Why can't I speak whenever I talk about you
It's inevitable, it's a fact that we're gonna get down to it
So tell me
Why can't I breathe whenever I think about you

Jun 18, 2006

So tired and paranoid...

Grabe.. pagod na pagod ako everyday :(
Since nagbakasyon yung assistant ko 2 weeks ago, wala na naman akong tulog na maayos. Nagsasara ako ng 2 am.. open ako ng 8 am sa shop. Kaya di ko na alam kung saang lakas ako humuhugot para sa araw-araw.
2 weeks ago, nag hiwalay kami ng bf ko na nameet ko taga-dito lang sa amin. Our relationship lasts for 1 1/2 month. Reason of our break up? I found out na drug addict siya. Ok lang sa kin kung yon ang past niya pero di ko kayang tanggapin to the extent na hanggang ngayon tumitikim pa din siya ng bawal ng gamot. Nalulungkot ako.. gusto ko kasi siyang magbago with my help pero pano matutulungan ang isang tao na di kayang tulungan ang sarili nya mismo. Nag hiwalay naman kami ng maayos... pero one time na high ata siya, tumawag siya sa kin sa shop and tinatakot nya ko. Mag ingat daw ako.. di ko daw kilala kung anong klase siyang tao. Di ko maimagine na ite-threat nya ko ng ganon.

Broken hearted and stressed.. Last sunday muntik na kong mag black out. Nagalit ako sa mga batang customers ko kasi nahuli ko na nag su surf sa porn. Na-feel ko yung slight numbness sa left arm ko. Di naman masakit ang batok ko... Basta feeling ko non na parang naka-float ako tapos nag na numb ang na nga yung braso ko. The following day, nagpa check up agad ako. They check my bp.. normal naman daw. I had my ECG that day.. tapos ang reseta ng doktor is uminom lang daw ako ng Vit. B. Hindi ako satisfied sa consultation ko, so the following day.. I seek for a second opinion. Mas maganda yung doctor na pinuntahan ko kasi ininterview nya ko. Normal pa din ang blood pressure ko.. So, yung doctor told me na magpa blood chem. May promo daw sila ng friday sa blood chem, 50% less.. so bumalik ako last friday. But since tuesday.. kung ano-ano ang iniisip ko. Since di kayang sabihin ng doctor kung anong sakit ko hanggang walang result ng blood chem, naparanoid na ko. Sabi kasi, puede daw hypertension or mas pinakamasaklap is diabetes kasi palipat lipat yung slight numbness sa right arm and pati sa feet ko. Yung para bang pag namali ako ng pwesto.. nararamdaman ko na parang may natusok sa paa or braso ko. For four days.. halos di ako kumain. Nag re research ako sa internet about diabetes.. Yung numbness lang ang pasok sa symptoms sa kin.
Friday.. ay salamat friday na. First thing in the morning, nagpunta na ko sa clinic for blood chem. Sobrang dinadasal ko na sana di naman diabetes type 2 yung sakit ko. At 8pm I got my result. Whew.. normal ang sugar ko, yung cholesterol level ko ang mataas. Relieved ako pero syempre problema din kasi mataas yung cholesterol ko .. pero mas ok na yon kesa diabetes di ba. So ngayon.. medyo strict ang diet ko. Andon pa din yung numbness pero di na katulad nung sunday.

Before ng blood chem ko, kung ano-ano iniisip ko. Sabi ng sister ko, napaparanoid lang daw ako. Atsaka depress. Since nag hiwalay kasi kami ni Ching (my ex), di ako umiyak or di ko man lang nailabas yung sama ng loob ko. Naisip ko lang kasi.. yung pain na nararamdaman ko is wala sa katiting na sakit na naramdaman ko nung nawala sa kin si Bullit. Pero iba din pala yon mas lalo na't naging part ng buhay mo kahit sandali yung tao. Ok naman kasi kasama si Ching, hindi ko lang matanggap yung part na pagiging addict nya. Ilang beses na siyang na-rehab. I think hindi na magbabago yung ganong sistema sa buhay nya. Gusto ko man siyang bigyan ng chance, pero sa ginawa nya sa kin.. parang di siya deserving para don. Nasasaktan ako pero alam ko na tama tong desisyon na ginawa ko. Masakit pero tama. Minsan iniisip ko.. san ba ko lalagay? Sa masaya ako na alam kong may mali at masasaktan din ako. O sa nasasaktan ako pero alam ko na tama ang ginagawa ko.

Sa susunod na ko mag-iisip. Kelangan ko muna magpagaling.