Jul 12, 2004

Bitchy me...

Hay! San ba ako magsisimula?

We went out last night. Watched Mean girls instead of Volta. It's a blast!! I may say that we're a good tandem watching a comedy film coz our laugh echoes inside the movie house, you wouldn't hear us laughing hahaha!! but bwahahaha!!! Minsan, kami na lang ang tumatawa, and yes.. we're crazy that's why I love Bullit so much. I love him much more that I could ever know... This guy still knows where to touch me.. we still do the things we used to do inside the theater, nabawasan nga lang ng yakap but it's still the same.. As if the relationship is still there... as if "WE" still exist. Oh siya... I'm a stubborn bitch... di lang stubborn... may kadugtong pa na CRAZY and CONFUSED.. After the movie, we went on my house.. supposed to be eh inuman sa house nila but our friend have a curfew kaya sa bahay na lang. I introduce him to Bob Ong's book. He likes the book that why I let him borrow it.. yung 3 lola! Pinakita ko din sa kanya ang bagong itsura ng bahay. It's been months since his been there, pati sa kwarto. While on our way to "our" home. He asked me if somebody has been there... sabi ko wala.. Just ate thess, lucci,and rye lang. Even my friends haven't visit me for a long time. He also asked me kung may iba ng nakapunta sa kwarto.. I replied, yes, si nanay(labandera).. pag kinukuha ang labahan ko. Maybe, he's expecting na may iba na akong lalaking dinadala don. He's fucking wrong. Just a thought, ginagaya yata ako ni Bullit sa mga babaeng nakikilala nya na kung sino-sino ang kasama gabi-gabi. It's ok. Yan na ang hangin na hinihinga nya ngayon kasama ng mga ka-officemate nya na puro sex, pangangarir sa mga may bf ng may bf, and one nightstand. So, what would I expect from him? Yan ang reality... mas lalo na sa call center. Nanghihinayang ako sa kanya.
"Bato-bato sa langit.. ang tamaan, wag magagalit"
Oh my.. naiinis na naman tuloy ako.. Anyways, we had a great time last night. Masaya... Nagpustahan kami at natalo ko ng 100 simoleons.. Minsan na nga lang ako makipagpustahan, natalo pa. hahaha!

Yes, he's still wearing our ring.. and so do I.

Before he leave, nagkwentuhan pa kami sa sasakyan. Kung ano-ano.. pinikon ko pa nga eh. Wow!! ang galing ko! Napipikon ko na siya. With Bullit kasi, I can be myself.. being maldita, sweet, demonyita, boyish.. If there is one person who really knows me, siya na siguro yon. Oh siya.. ilang buwan na lang.. 3 years na pala kaming naglolokohan.
Bitch!!!!

Talked to Ate awhile ago... it's a morning sermon. Di pa ata nag-aalmusal eh nasermonan na ko. She's right. How can I move on if he's still here. Mabubuhay naman ako kung wala na siya. Ang tanong eh.. kaya ko ba pag wala na siya? "oo naman.. kaya ko di ba?". Actually, matagal ko ng iniisip to, "to go with the flow".. siguro ganto na din yung nangyayari. Ok lang sa kin kung di ko siya makita.. ok din lang kung hindi na. I love him.. and that's a fact! I love living a life with him... though sometimes, feeling ko nasa impyerno ako... but not all the time naman. Minsan langit din mas lalo na pag gabi. Basta ang importante don.. Di ako ang nag-iinitiate na magkita kami. Yon nga lang, isang sabi lang nya eh nandyan na ko. I haven't try pa din kasi na yayain siya since naghiwalay kami except syempre nung bday ko.

Late na ako nagising kanina.. uminom muna ko bago natulog.. Gusto ko diretsong tulog. Yung wala ng isip-isip kasi masasaktan lang ako. Salamat naman kay San Mig lite. Pinatulog nya ako mabilis. Paggising ko kanina, pumasok na sa kukote kong may hangover ang "move on jo, it's about time to face your fears of falling inlove again." and yes.. I want to fall inlove again.. Not with Bullit but with someone who's better than him. The chase has started.. but hey! why should I look for him when he must be the one who seek for me ;)
Manang talaga ako sa flirting.. Tsk...tsk.. or nakalimutan ko na yung bagay na yan kasi nagawa ko na lahat? hmmm.... Kelangan ko sigurong magreminisce kung pano ko naakit yung mga ex's ko. :D
Bitch ka talaga!

Sandali.. bago ang flirting 101... maghanap ka muna ng ifli-flirt.

Yan ang mahirap.. wala akong type ngayon. My heart is frozen cold. Kelangan ni cupid ng mainit na palaso para matunaw ang yelo. Sino kaya ang susunod na biktima? Mahirap yung ipinipilit. Gusto ko yung pag nakita ko siya bigla akong kikiligin.. kasi napaihi na pala ako sa pantalon. atsaka yung parang heaven ang feeling.. parang may pusong umiikot-ikot sa ulo ko.

Syet! kinikilig na naman ako.. I remember last night, sa Mega kami nagdate. Siya kasi yung bumili ng food namin, basta, maayos na resto ang pinuntahan namin. May dagdag siya don sa order ko na strawberry flavor na tinapay. Nung pagkagat ko, medyo basa pa.. parang di naayos ang pagbake tapos nagpintas ako. Hindi siya naoffend.. Natuwa siya kasi marunong na daw akong mamintas pagdating sa baking. Parang gusto kong sabihin sa kanya that time na "Lahat naman ng natutunan ko eh para sayo, if not from you, di ako matututong magbake. I want the best for you kasi... kaso... Salamat na lang sa lahat. I never thought na mag-eexceed pa pala ako sa kaya kong gawin dahil sa pagmamahal ko sayo."
Cheesy..

Back to reality...
Konti ngayon ang customer ko. Late na kasi ako nakapag-open ng shop and monday ngayon. Medyo di busy.. but I forgot that I have an appointment to my dentist. Buti na lang busy siya when I call her in the afternoon kasi morning ang usapan namin. May improvement naman akong nakikita, naghihiwalay na silang lahat.

Schat and Achilles is doin great. Natutuwa ako sa kanila... :)
I have to schedule their first shot.

Bullit's dog named Mocha died last week :( nasagasaan daw. May blacky pa naman siya. Uy! Parehas pala kaming 2 ang baby. :D White and brown yung akin, black and brown naman sa kanya. Hmmm.... Dream on.. isa na lang ang aso nya.

Natutuwa ako kay Mama kanina, naglalambing kasi aalis siya papuntang Bicol. hay! Ilang weeks ding di kumpleto ang araw ko kasi wala akong maaasar. Bad ka na nga.. Bitch ka pa!!

2 comments:

Thess said...

susmaryosep! 'talk to mah hand ' na naman na journal ito ....nakakahika!

ipapasok na lang kaya kita ng kumbento?!?

Joanne said...

Tumatanggap pa sila ng stubborn bitch don? hehehe!!
susme! kanina nga pakwento ka pa dyan! bwahaha!!!