Jul 26, 2004

Compilation nung naghibernate ako part III

7/26 Monday  

I feel terrible pag gising ko kanina.. andaming worries.  ewan ko.. parang di ako nakapagpahinga ng maayos.  Tinext ko agad si Bullit about it kasi magkasama kami kagabi. Andami kasi naming hang ups sa buhay na parang di namin alam kung ano ang solusyon.  Kung ba't kami dumadaan sa ganon.  Ok lang naman kami, di kami magkagalit. 

Bumalik na ata from Netherlands yung ubo't sipon na pinahiram ko kay Ate Sups.  Nilalagnat na pala ako kanina.. akala ko giniginaw lang ako dahil sa aircon. I'm thankful dahil may kasama na ako dito.  Nakapagpahinga din ako ng konti kaya I feel a lil better.   Sana dumating si Ian para magawan ng paraan yung pc #2 ko at maidala na sa pagawaan.

Umattend kami nila Lino and Missy sa baptismal ni Ziggy yesterday, Hazel aka Peppermintbugster's baby.  Nahihiya nga ako kasi di naman kami masyadong close ni PB... nakakaawa yung dalawa kasi yung mga dapat kasama sa binyag at kakanta eh di lahat available dahil sa trabaho.  Napaka-solemn ng binyag.  Tahimik na tahimik yung baby.. tulog na tulog :)  Sana ako din, pag nagpabinyag ng anak ko.. tahimik din siya.  hay! inggit ako. 

After kila PB, we proceed to Rockwell.. Medyo bitin kasi eh.. atsaka minsan lang ako makalabas kaya nilulubos ko na talaga.  Nagkayayaang manood ng sine.. Imelda sana kaso di puede sa time, di makakahabol si Lucci kasi kelangan pa nyang umuwi. 

Grabe yung adventure namin that day..  Laging nalolost ever ang byuti ko!!  Sa Kamuning pa lang.. lagi kaming nag-u U turn.  hehehe! Kahit nung papunta kila PB, naligaw din kami ng daan.  Napanis yung pagiging navigator ni Lucci.  hehehe! Ewan ko ba... lagi naman kami don ni Bullit dati eh parang nawala ako sa sarili ako... kaya nagkanda-ligaw ligaw kami kahit nung papunta na sa Rockwell.  Ang lakas din ng ulan.  Kung ba't kasi yung kotse ang ginamit ko. 

Rockwell

It was my 3rd time there at 2nd naman si Lino, medyo bagito kami sa lugar.   Lakad lang kami ng lakad.. hanap ng place kung san kami puedeng maghintay kay Missy.  Pagtingin namin sa schedule ng movie, medyo nagkakwentuhan ng konti don sa bench.  Feeling uncomfortable, naghanap kami ng ibang place na mas masarap magkwentuhan.  Bumagsak kami kung san kami iniwan ni Missy.. sa Auntie Anne's.  hehehe!  First time ni Lino don.  :)  I'm glad, nagustuhan naman nya. 

Oh my God! I remember the chocolates!!! Waaahhh!!!  Naiiyak pa din ako until now.. Kasi naman, napakamahal!  480.00 ang 100 grams.  Dapat bibili ako.. kaso nung nakita namin na 4pcs lang nung chocolate eh inabot na ng 300+... nakinig na ako kay Lino na di siya karapat-dapat bilhin :( 
I want that fucking dark chocolates!!!  Waaahhhh!!

May aji ichiban din pala sa Rockwell, bumili ako nung fave candy namin ni Bullit.  Ehek! di ko pala napatikim kila Lino and Missy. Sayang! next time na lang :) 

Nag enjoy naman kami habang kumakain kasi maganda yung background music, may nag-gigitara.  Tapos may dumating pang labrador na kasama ng guard.  Napaka-friendly, nakikipaglaro sa mga bata.  Sana ganon din kalaki si Achilles pag tumanda na siya... si Schat naman.. ay naku... di na ko nag-aambisyon at nagmana ata sa kin sa kaliitan.  Sana nga wag na lang siyang lumaki para forever siyang cute. 

Di naman nakakabored yung 3 lang kami.. mas lalo ko silang nakikilala.  Intimate ang usapan.. tungkol sa buhay-buhay namin.  I'm glad that I had the opportunity to meet interesting people like them.. at naging kaibigan ko pa.  Maraming salamat sa Alimasag.  :)

I'm bothered about Jeff.. parang problemado si pogi.  at bakit broken?  :(
Pogi, when you need someone who's luka-luka like me.. wag mahihiyang magsabi ha... Idaan natin yan  sa san mig lite..  :)

Buti on time dumating si Lucci pero di na kami nakahabol sa seat na medyo malayo sa screen.  We sit on the 2nd row.. at lulang lula ako.  Siguro dahil masama na ang pakiramdam ko kaya feeling nasusuka ako. Hindi ako buntis!  Pramis! Sabi ko nga sa text ko kay Jeff.. a must see movie talaga ang Irobot.  Ang galing ng twist.  Gumitna yung 2 sa kin.. naghihintay na ako ng reklamo na may nahawaan ako.  hehehe! 
Umpisa na yung movie, tinetext ko si Jeff.. kasi kung kelan naman nasa sinehan na kami eh saka nagparamdam.  Iinvite sana namin kasi alam kong toxic na siya sa aktibidades nya. 
Miss ko na ang b2 :(  

After the movie, naghiwa-hiwalay na kami.. este.. kasabay ko pala si Lino hanggang EDSA.  Binaba ko na lang siya sa Guadalupe.. dapat Makati eh, kaso naligaw na naman kami.. kaya don na kami bumagsak.  What a day!  Habang nsa parking lot, nicheck ko ang celfone at may text pala si Bullit at may kasama pang miss call.  Sabi ko kay Lino, pag nagyaya pa si Bullit, baka di na ko makasama kasi masama na ang pakiramdam ko.  At kinain ko ang sinabi ko.  Pagdating ko kila Bullit, nakisuka muna ko.  : /  Ganon talaga ako, pag nanakit ang ulo at nakafeel na nasusuka.. kelangan ko talagang ilabas para gumaan ang pakiramdam.  Ganon na nga ang nangyari.. Nagpahinga pa kami ng konti.. parang gusto ko na ngang matulog sa kanila pero makati talaga ang paa ko.  We had dinner at North Park, Makati.  Ang plano talaga is iinom pero masama ang pakiramdam ko kaya nagdinner na muna kami.  First time ko don, ang sarap ng food tapos andami pa.  Grabe naman ang friend rice!  Sayang talaga!! Next time!! di na kami magtetake out! Nanlibre pa ang panget.  :)  Sweet siya last night.  Siya pa ang nagseserve ng food ko, minsan sinusubuan pa ako.  Hay! Bullit.. sayang. 

After dinner, nagkwentuhan na lang kami, full na full kami kaya nascrap na ang Gilligan's.  Effective din ang gamot na binigay nya sa kin kaya nakapaglakwatsa pa kami sa mga place na pinupuntahan namin palagi.  Around 1 am, nakatambay na lang kami sa tapat ng haws nila..  Minsan nagrereminisce, minsan nag-aasaran.  It feels good when we're together.  We talked about babies.. kung magkaron ako ng anak sa kanya.  Sarado pa din sa isip ko yon... syempre dati gusto ko.. pero ngayon ayaw ko kasi alam ko iiwan din lang nya kami.  Gusto ko na ng ibang tao.. na makakasama ko habang buhay.  Hanggang ex fiancee na lang talaga siya.  Kung ano man yung nangyayari sa min.. ayaw kong pagsisihan..  It's my choice... no regrets na lang.. tutal mahal ko naman siya.
Nakakalito pero hanggang don na lang. 

Nga pala... wala ng kaappeal appeal ang san mig light sa kin.  Di na ako lasenggera :D

Clean living.... 

Forgiveness and Karma  

Lagi kong sinasabi na mahirap akong magpatawad.  Kanina naisip ko kung bakit  ang sama sama ko.  Pag naiisip ko yung nagawa ni Bullit sa kin dati or kung sino man na nakasamaan ko ng loob..  galit na galit ako tapos iniisip ko na lang na kakarmahin ka sa lahat ng ginawa mo sa kin.  Tapos lumuluwag ang pakiramdam ko.. iniisip ko na patawadin siya pero nandon pa din ang vengeance thru karma. 

Puede ba yung magpatawad ka ng walang iniisip na babalik sa kanya yung ginawa nya.  Ang sama ko.  Bakit ang hirap magpatawad?  Naiisip ko yung mga nakaaway.. nakasamaan ko ng loob.  May nagbubulong sa kin, patawadin ko na sila... hindi dahil sa may babalik na karma sa kanila kundi dahil sa tamang kahulugan ng pagpapatawad.. at kasama na ang pagmamahal na totoo.  Naiiyak ako.  After what happen... At eto ang konsensya ko at sinasabihan ako na patawadin sila.  Ano nga ba naman ang mangyayari sa buhay ko kung puno ako ng hatred sa puso.  How can I move on kung meron pa ding pain sa past life ko.  

Mix ang emotion ko ngayon.  Happy for God's blessings.... and sad coz I feel alone. 

Maybe, I have to admit na walang direksyon ang buhay ko ngayon.  Kumakain ako kasi nagugutom ako.. humihinga ako kasi kelangan ng katawan ko ang hangin...  Hindi ko na alam kung anong reason kung ba't pa ako nag-eexist.  

God, give me the strength to conquer all my fears.  My spirit is yearning for You.  Guide me with my journey.  Free me with hatred and heartaches.  Please let me live in a world full of love and peace.  God, I need You in my life. 

1 comment:

Joanne said...

Hello ate armie!! thanks ha!! :)

natouch naman ako.. miss u too.
take care always!