Hindi maganda ang gising ko. >:(
Nakakairita yung gigisingin ka na kinakalabog yung pinto habang sumisigaw. Sa lahat ng bagay, yon ang pinaka-ayaw ko. I was on a middle of a not so good dream kung saan papatayin na naman ako... at ang gigising sa kin eh isang alang kwentang may iiwan lang sayo na akala mo eh siya ang may-ari ng buong mundo. Iba talaga ang ugali ng mga katulong namin na to pag wala si mama. Nabastos ko tuloy si Yaya, nasigawan ko kasi akala ko kung anong gulo na yung nangyayari sa labas. Nabitin yung tulog ko.. iritado pa ako.
I slept around 3 am, pinag-iisipan kong mabuti yung mga applikante ko pati na din yung advice ni Jeff. I have 3 applicants, medyo pasado sa kin yung isa pero medyo lang talaga. Di ko alam kung anong interes nya dito sa shop. Gusto ko sanang ibalik yung isa sa mga boys na nakausap ko yesterday kaso madaming kaartehan. Parang nabaligtad pa yung pangyayari na ako ang may kailangan sa kanya dahil siya ang madaming kondisyones... at naiirita na naman ako ngayon. Ang laki ng ibinaba ng bill ko sa kuryente last month unlike nung may kasama pa ako dito... less than 1.5k yung nasave ko. Hmm.. Kailangan ko ba talaga ng assistant? Kelangan ko sigurong gumawa ng advantage and disadvantage list muna. Pati na din yung rules.
Nailagay na yung brace ko, medyo umayos na yung inner lower lip ko kaninang pagtulog. Nagagasgas kasi ng bakal... naaksidente pa nung dentista yung lips ko dahil don sa pantistis nya nung inaayos yung excess na pandikit sa ngipin ko. Buti di nagdugo pero mahapdi kagabi bago matulog. 1/4 nung wax na ang naubos ko kagabi pa lang para don sa braces na gumagasgas sa labi ko, tanggal-balik.. replace-tanggal.. mas mahaba pa yung oras ko dyan kesa sa pagkain. Di pa naman masakit kasi di pa naadjust and wala pa yung molar something pero mas lalo akong nawalan ng ganang kumain. Good enough.. malaking tulong sa diet ko :D Sabi nga ni Jeff, napamura pa ako kesa magpa-lipo kasi nadaan na sa brace. Good thinking pogi. :)
Dinalaw ako nung 2 kong anak nung isang araw.. Ang laki-laki na talaga ni Achilles.. nasa 21 inches na siya without the tail tapos si Schat, mga 15 inches na. Medyo lumaki na din si barbie and nanaba na. Nakakatuwa sila, kahit minsan na lang kami magkita.. alam nila kung sino yung amo nila. Natutuwa ako sa simple tricks nila. Sayang, I dont have much time to spend with them or turuan man lang sana na umupo or habulin lahat ng makitang panget. hehehe! They're going 2 months old on July 12. :)
Manonood daw kami ni Bullit ng sine tom. He invited me yesterday.. at dahil sine.. Go ako. Sana Volta yung papanoodin namin.
No comments:
Post a Comment