Jul 26, 2004

Compilation nung naghibernate ako.... part I

Friday..  7/22/04

Madaming bata sa shop.. around 7pm, dumating yung very loyal kong customer na hindi puedeng maglaro ng school days.  Syempre, dahil lagot ako sa magulang..
 
"Oh ba't nandito kayo?"...
"maglalaro kami 'te"..
"Anong maglalaro? Nagpaalam ba kayo sa mama mo?"
"Opo 'te"
"Hmm.. maniwala ako.  Bakit? wala ba kayong pasok bukas?"
"Opo 'te"
"Bakit? huwebes pa lang naman ngayon ah! may welga ba?"
"'te! byernes na ngayon!"
sabad din yung isang customer
"oo nga 'te... friday ngayon!"
"Huh!! byernes na ba ngayon?! di ah!"

Pagtingin ko sa calendar ng celfone ko.. nagtutumaginting na byernes na pala.  Ang bilis ng araw.. Ansama din ng pakiramdam ko.  Ganto na siguro ang tumatanda...  Ang sarap humatsing..

Bakit nga ba napakasarap humatsing no?!
Lintek na ulan to.. walang tigil.  I have no choice sometimes kundi magpaulan mas lalo na kung nagugutom ako at wala si Owen.  Kelangang suungin ang ulan para lang makabili ng pagkain...  Timing na pag konti lang ang tao, saka malakas ang ulan at nagugutom na ko. 

Di na ako nakain sa bahay namin... Nahihiya ako kay mama. 

Lino texted me if I could come on Peppermint baby's nuptial.. I'm still not sure.  Dapat nga magbabakasyon din ako pero di na natuloy kasi namatay yung lolo ni Owen.  Kelangan ko talagang magbakasyon kasi di na nagfa-function ang utak ko ng maayos. 

I feel so tired... I want to have some rest for a few days or so. 

Sana naman magkaron na ako ng kasama dito sa shop! 

2 comments:

Thess said...

Ang haba! nadokleng yata ako...pero uulit ulitin ko hanggang sa ma gets ko lahat!

welcome back sexy! ^_^

Joanne said...

thanks 'te!! :)

pinaghiwa-hiwalay ko na.. para di ka na maduling :)