Saturday 7/24/2004
Oh my gulay.. holy pwet! may sipon na naman ako. I feel gloomy the whole day... at napakabigat ng pwet ko. Parang ayaw kong gumalaw but the show must go on. Wala akong aasahan kundi ang sarili ko.
Ang dina-dasal dasal ko na babaeng kasama dito sa shop eh ibibigay na ata ni God. Actually, may nakausap na ako kanina.. college level pero parang takot gumamit sa computer. Sabi ko naman, wag siyang matakot kasi di ko naman siya kakainin.. :D joke lang.. I mean, tuturuan ko siya. Ok naman yung pag-uusap namin kaso ayaw pumayag nung kasama nya. 2 kasi sila galing Abra, ang gusto ata nung kasama nya eh magtitindera sila, eh don siya idedestino sa canteen ng sister ko. Ayaw ata nung isa.. kaya nagdadalawang isip din yung para dito sa shop. Ewan ko kung ano ang pagkakaiba ng canteen at tindahan... Eh parehas lang naman silang magbebenta. Kung ayaw nya.. wag nya! Di ko na masyadong kinausap kasi madaming customer kanina sa shop. Hinayaan ko na lang kay mama kasi nag-iinit ang ulo ko pag te-maarts ang kausap ko. Di pa nga nakikita kung ano yung trabaho eh umaayaw na.
Pero di bale, may 2 pang dadating galing Bicol. Recruit naman ni madir nung pagpunta nya sa Bicol last week. Sana may pumasa na sa panlasa kong mapili. :D ...
Oo nga... kasama ng pagiging mabigat ang pwet eh si sungit.. Ang sungit ko the whole day. I'm trying to be jolly as I can be.. pero minsan talaga naiirita ako mas lalo na kung paulit-ulit.
Isipin mo naman.. morning, lunch, afternoon, pati na din gabi.. may isa akong batang customer na iisa lang ang sinasabi sa kin araw-araw pag maglalaro siya..
"ate, laro ako"
"gusto ko terrorist ako.. tapos saksak lang ang kalaban ko"
what he mean is.. terrorist siya sa Counter Strike, at knife lang ang weapon ng kalaban... at may pahabol pa yan na..
"ate.. ako lang mag-isa!"
Super iritado na talaga ko kanina, di lang sa kanya kundi sa tsismoso kong player na panay ang kwento ng kung ano-ano.. Pati yung kapit bahay nya na di ko kilala eh kinukwento.. Kasi sa mga bata na to.. pag nagshe-share sila sa kin.. di ko tinatalikuran.. Pinakikinggan ko talaga kasi ayoko na maka-feel sila na nirereject. Minsan lang, nauubos din ang pasensya ko. Mas lalo na pag makukulit na. Hay! feeling ko.. sangdosena na ang anak ko. :(
Ngayon pa lang, parang gusto ko ng baguhin ang plano ko sa pag-aanak. Kung dati, gusto kong isang basketball team (sa lalaki) at volleyball team (sa babae)... isama na din ang referree.. Ay!! ayaw ko na!! 2 na lang ang gusto ko!! No more! no less!!!
Makakasama ako sa binyag tom. Ay! medyo konti kami ngayon. Sayang, naghihibernate pa ako sa pagba-blog.. at medyo nagpipigil magpost sa alimasag. Pero minsan, pag iritado na talaga ako sa mga ot posts.. di ko mapigilan ang magpahaging. Nakakairita naman talaga. Maybe, it's one of the reasons why I don't want to go online for a while.. Dahil iritado ako sa nakikita ko.
May bago akong customer kanina, naubos din ang energy ko kasi di pa masyadong marunong mag-internet. Halos ako ang gumawa ng resume nya sa jobstreet. Dry na ang byutibells ko.
I feel accomplished lately.. and until now kasi madami akong natutulungan.. This past few days, madami akong natuturuan sa pag gawa ng email address... at pag-gamit ng internet. Lately, yung mga students dyan sa tapat namin ang nagbibigay buhay dito sa shop. Mag eexam na kasi sila and kelangan nila ng email account. May nagpaprint ng mga projects.. may nagpapatype. Busy talaga ang byuti ko kaya madami akong messages sa text na namimiss kong sagutin on time.
May isang bata lang kanina ang nagpatawa sa kin, ginugulo siya nung isang bata din.. sumigaw ang player ko.. ang sabi... "Teacher oh!!!!!"
Nagtawanan lahat ng bata sa shop. Ang kawawang student ko sa counter strike.. Akala, nasa school pa din siya. hahaha!!
No comments:
Post a Comment