Dec 16, 2005

Antagal ko palang di nakapag-blog. I was so busy at my shop... pati na din sa gb. Sobrang dami na palang nangyari. Christmas is fast approaching and it's hard for me to decide kung kelan ang xmas party dito sa shop. Actually, kanina ko lang nafinalize na sa monday na. May mga give aways na naman akong nabili but then.. I still feel incomplete.


Incomplete sa lahat ng aspect.


December na pala.. Bat parang hindi ko feel na malapit ng mag Christmas.
Sabi ni Jeff.. kelangan ko daw ng retreat. T_T Hala! Ganon na ata ko kalala.
Advise naman ng bestfriend ko, subukan ko daw lumabas.. maglakad lakad. Siguro nga.. sobrang focus na ko dito sa business.

I watch a movie last week, last full show... Tumakas lang ako sa shop. Comedy sya kaso parang di ko na enjoy... 3 lang kami sa loob ng sinehan, mag lovers pa yung naabutan ko. Di naman kaya nainggit ako noh. Sabi nila, lakas trip daw.. Last full show tapos mag isa lang manonood. Hello!!! AS IF I HAVE A CHOICE!!!

Back to the story... Ok naman yung film.. Nakakatawa naman siya. Kaso nung naubos ko na yung popcorn at nahalata ko na tawa ko lang ang naririnig ko, parang nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Inatake ako ng depression. Naisip ko, kung may kasama ako.. baka naenjoy ko yung movie kahit papano. I feel so alone that time so I decided to go home. While walking through the parking lot.. Natulo ang luha ko. I feel empty and unloved. Andami kong naaalala. Mga friends.. ex lovers.. yung mga nasayang na panahon. It all keeps boiling back.. Sobrang lungkot ako. When I call Bryan, a new friend... girl naman ang nakasagot ng fon. I was looking for someone to talk to.. pero ala na eh. So I bear the pain ... at dinaan na lang sa inom yung lungkot na nararamdaman ko. I know it's stupid na uminom ng alak pag may problema but somehow, it lessen my sadness.

About Bullit.. Wala na talaga. Siguro, eto na yung end part ng story namin. Andaming lumalaro sa isip ko. Yung mga sinabi ng mga friends ko before... sobrang sakit naman yung huling comment sa kin. That time na masama yung loob ko, imbis na kalmahin ako.. parang mas sinaksak nya ko ng 10 beses sa dibdib. Minsan naiisip ko lang.. bat kelangan natin mag comment ng mag comment.. di ba puede yung makinig na lang tayo sa problema ng isang kaibigan at kalmahin siya. Minsan kasi di naman yung solusyon ang kelangan mo pag sinabi mo sa isang kaibigan ang problema, kelangan mo lang mailabas yung sama ng loob mo. Ganon lang kasimple. Nakakalungkot lang how a good friendship ended like that. Siguro ganon talaga. Maraming salamat na lang sa kanya. Kahit papano naging parte din siya ng buhay ko kahit sa internet kami nagkakilala.

Oct 22, 2005

T_T

My celfone was stolen last week. This is the first time I lost a fon since I had one 8 yrs ago. Tsk.. tsk.. tsk.. I feel sad because that fon have a sentimental value to me, Bullit gave it to me last year. He nagged on me for 2 days when I told him that I lost it. Kung di daw nakadikit ang pe-- ko.. baka daw nawala na din yon

Pero syempre, pag may nawala.. may kapalit din. The following morning, my mom gave me her 3660. I swapped it at Greenhills with 6600, nagdagdag na lang ako. I miss my old fon. Ok naman tong new fon ko.. pero iba pa din yung dati kong fon. I lost all of my contacts at the outside world.

Regarding my life.. with Bullit and everything.. I'm starting to move on, and taking some risks. I met someone, I'm sorta kindda like him.. but it would be like a may december affair. So, I let it go. Basta, there is something na na-experience ko na puede pa pala.. I can't describe it pero puede pa pala.. yon lagi ang naiisip ko.. PUEDE PA PALA. :)

Sabi nga sa kanta..

"´Cause there´s always tomorrow to start over again. Things will never stay the same the only one sure thing is change. That´s why there´s always tomorrow."

My business is doing good... I don't have much problem about the OS now.

Oct 1, 2005

Starting Over and Over and Over and Over and Over Again.. Shocks! Pagod na ko!!!

I was reading my old entries awhile ago. Looking for some hints how I survived when Bullit is "Missing in Action" again. Wala talaga kong kadala-dala. Anyway, buntot ko.. hila ko. I don't want to blame it all to him. In the first place, I know it's going to happen again.. actually it's happening right now. Ok... Mr. Dreamboy and love of my life is out of action right now. I am hurt, alone, and neglected. Every time he walks back in my life, I always hope that he will change for good so there will be a reason for me to accept him. And everytime he stay away, of course, I pray that he'll find his way home back to ---- me. I've been loving this man for 4 years and I feel so frustrated of what he's doing to our life for so long. I hope God would take away all my burdens because of him and have a chance to start with my life again.

Sep 24, 2005

Stay

I believe
We shouldn’t let the moment pass us by
Life’s too short
We shouldn’t wait for the water to run dry
Think about it
Cause we only have one shot at destiny
All I’m asking
Could it possibly be you & me?
So if you’d still go,
I’ll understand
Would you give me something just to hold on to?
And if you’ll stay, I’ll hold your hand
Cause I’m truly, madly, crazily in love with you
Time has come
For us to go, our separate ways
God forbid
But my mind is going crazy today
I feel so cold
Feel so numb
I’m having nightmares but
I’m awake
Help me Lord
Fight this loneliness
Take this pain away
Now that you’re gone, I’m all alone
I’m still hoping that you would come back home
Don’t care how long, but I’m willing to wait
Cause I’m truly, madly, crazily in love with you

Sep 5, 2005

I'm bored again

After a relaxing day... tama ba term ko? relaxing? hmmmm.... parlor and dentist visit after lunch and shopping at the afternoon.. I don't know kung relaxing nga yon pero medyo magaan pakiramdam ko.

I was trying to make my hair long.. pero nakakairita kasi nagpa-fly away ang buhok ko. After 2 months of resisting myself to trim my hair di ko rin napigil magpagupit... but not really that short like before pero ok na ko sa buhok ko ngayon.
Last month, I bought clips, hairbands, at lahat ng kaechosan for my hair. Preparing for my hair pag haba nito pero nakakainis.. di na ko marunong mag ayos ng buhok like before in my teenage days.

Napansin ko lang kanina don sa parlor (kasi madaming customers) is nagdadala ng bata yung mga customers tapos parang mas disaster ang buhok nila sa kin. Actually, bagong open lang yung parlor and ang mura ng services nila.. 39.95 for trim. Mostly 100+ na pagupit ngayon, mas lalo na pag sa mall ka pumunta. Medyo natuwa ako sa price kaya nagpa highlights na din ako. Anyway, patawarin sana ako ni God kasi masyado na naman akong malupit mamintas. Medyo di kasi ako satisfied sa gupit nila. I was thinking na lumipat na lang pero tinawag na ko nung cashier kaya no choice.. umupo na din ako. I was talking to the hairdresser kung anong gusto ko pero di nya alam yung style na gusto ko. As in gusto ko ng mag evacuate kaso nashampoo na ang buhok ko.. baka sasaksakin ako ng gunting kung bigla kong sabihin na ayaw ko na..Pero.. Cute naman ang outcome. Weeee! I know he'll be surprised when he see me on tuesday. hahahaha! Buti na lang maayos ang pagkakagupit sa kin kung hindi.. malamang super short na naman ang buhok ko sa back job.

It's 1:00 in the morning.. and I still have 2 customers. Medyo bored and antok na. Tinatamad naman akong maglaro. Ewan ko.. basta nabobored ako.

Yesterday, 2 days akong alang tulog. Nakakainis talaga sa mga gumagawa ng mga virus and scripts!! 3 pc ang nireformat namin tapos 2 ang inayos dahil sa script na yan. Nakakabwisit pa kasi saturday yon!! Puede akong maglakwatsa kaso napako na ako dito sa shop. Nung matapos namin yung mga pc around 1pm, di na ko natulog. Nanood pa kami ng sine ni Bullit. Grabeng energy.. Siguro ganon talaga pag mahal mo yung isang tao, kahit ano pang nararamdaman mo, bibigyan mo pa din siya ng oras kahit kelangan mo na magpahinga. Actually, wala na din akong time for Bullit or sa kahit anong relationship. Ok lang naman... kelangan ko magconcentrate sa negosyo.

He invited me to go to Singapore this October or May next year. Vacation lang ng 1 week. Sana di mabago plano namin. Gusto ko yung bakasyon na yon.. Syempre, mas gusto ko kasi kasama siya.

Aug 21, 2005

Oh yeah.. I'm bored

Wala kong magawa dito sa shop... It's sunday today kaya medyo konti ang customer. Ka-bored.. narereminisce ako.. naiisip ko na naman si Bullit. Hayz.. ano pa ba. Why do I keep on hanging on to someone na alam kong wala ng patutunguhan. I feel pathetic. I really enjoy his company.

We went out yesterday, nagpagawa kami ng celfone sa Greenhils tapos manonood sana kami ng sine kaso di natuloy kasi di na puede sa sched namin yung showing time. So, nagstroll na lang kami sa Cubao. Nung pauwi na kami, malapit sa kanila may manhole na alang takip.. He warned me na may butas.. sabi ko nakita ko.. ang ganda pa ng sagot ko "yes yes yo" pa.. Pero nahulog pa din kami. Napagalitan ako ni panget pero bago siya bumaba.. tinawanan na lang namin yung nangyari... as in we both laugh hard.. hanggang di kami makahinga.. Nira-rap pa nya yung pagkakahulog namin sa manhole.

"Yo.. yes yes yo!
nakita ko yung butas yo!
nahulog pa din ako yo!"

Narealize ko, ang tagal ko palang di nakatawa ng sobra, na parang kala mo bawal ng tumawa bukas.

After ng tawanan.. balik ako sa dati. Malungkot.. nag iisip.. Hanggang kelan to? Para kasing kahati ng buhay ko si Bullit. Parang hindi kumpleto pag wala na siya. I know may bago na naman siyang "apple of the eye." Although masakit pero sanay na ko. Naiisip ko.. pag nagsawa siya don, babalik din siya.

2 months ago, nachallenge siya nung bumalik si Perci. For almost 2 months, dito siya natutulog sa bahay. Hindi ako iniiwan. Last month, sinabi nya mahal pa din nya ako. He talked about marriage.. yung mga doubts nya pati frustrations. Sanay na ko sa ganong tagpo.. Hindi ako masyadong umasa. I was there at his side as a friend.. who understands, love, and accepts him for being human. I feel complete with the thoughts that he's here with me.. I've been longing for that moment to happen... again. I love him ... kahit ganyan siya.

I remember last month, we're about to watch a movie. While falling in line, he kissed me at my forehead. It was a simple kiss, pero randam ko yung pagmamahal nya. I want to reciprocate it but I'm too overwhelmed with the love I am feeling at that moment.
It was a lovely day.. Hindi ko makakalimutan yung araw na yon.

Oh my God.. I'm too emotional again.

I was browsing the internet awhile ago.. nakita ko tong romantic compatibility sa yahoo.com.
So.. di na ko nagtataka ngayon kung bakit ako ganito.

Pisces & Cancer
A love match between a Cancer and a Pisces is a positive meeting of spirits. Both signs are basically tolerant and sympathetic, and Pisces is easily energized by Cancer's ideas. A Pisces mate can open a Cancer's eyes to the world of creativity and spirituality. In turn, Cancer's practicality can be a guide, leading Pisces to the fruition of their dreamy, utopian ideas. This celestial pairing benefits from an amazingly strong and multifaceted emotional bond.
Cancer loves material goods, they admire and they appreciate. Cancer desires comfort and a rich home, and at times might not understand the simplistic, minimalist lifestyle of their Pisces mate. Though they may work toward different goals of acquisition and lifestyle, the shared emotional depth of Cancer and Pisces can make theirs a very rewarding relationship.

The Moon (Emotion) rules Cancer, and Jupiter (Philosophy) and Neptune (Illusion and Dreams) rules Pisces. When the Moon and Neptune come together, a beautiful spiritual connection is made. Both of these celestial bodies vibrate with warm, feminine energy. Together, they create an idealistic, almost divine relationship, one that puts much significance on dreams and illusions. Jupiter also rules Pisces. This Planet of Good Fortune adds a masculine energy to this planetary combination, representing philosophy, expansion and excesses. The nature of this combination offers a utopian relationship: It is drenched in emotional intrigue and is a true celestial bond. Emotion, depth, warmth, expansion -- it all sounds too good to be true, doesn't it. Though they both ask a lot of their love relationships, Cancer must be careful not to cramp the floating Fish, as Pisces will suffocate under too many demands.

Cancer and Pisces are both Water Signs. Since Water is a tangible, physical entity, Cancer and Pisces are generally very compatible. Pisces are in this world to create human connections, and when they come together with Cancerian intuition and nurturing, there is no stronger bond. So that this union does not wash out in a stream of romantic idealism, Cancer's stable view of life holds them afloat. And it's not a case of Cancer putting up with a dreamy Pisces mate: Cancer really understands emotional ambiguity and can help Pisces stabilize their ephemeral nature. Though Cancer could grow weary of their Pisces mate's faraway nature, and though Pisces could be bothered by Cancer's self-centeredness, it's easy for this pair to find a compromise.
Cancer is a Cardinal Sign, and Pisces is a Mutable Sign. Though intuitive, in love, as in life, Cancer likes to get things moving with a good idea and a solid plan, and they'll write it all down to keep track. Pisces, on the other hand, is more about going on instinct; they'd lose that plan as soon as Cancer handed it to them! Cancer needs to give Pisces the freedom to enjoy their external interests and to occasionally follow a whim undeterred. Pisces can show Cancer that completion is sometimes better than initiation, and that compromise without struggle can pay off. Cancer and Pisces feed off of each other's energy well, and should be completely compatible in romance.

What's the best thing about the Cancer-Pisces love match? Their similar emotional natures. Both have a great capacity for emotion and compassion, and both can act as teacher AND student. They complement and harmonize with one another very well. The overall empathy and commitment that these two Signs value in a relationship is what will keep the ties strong and long lasting between the Crab and the Fish.

Aug 18, 2005

Busy Busy-han

Everytime na nagba-blog ako, it took me awhile thinking kung ano bang magandang title. Ngayon ko lang narealize, 2 years na din pala ko sa blog world.
Kamusta na kaya ang mga blog mates and alimasag friends ko? Antagal ko na palang hindi nakakalabas with them. Medyo may problema pa ko dito sa blogskin ko.. di kasi kami magpang abot ni Ate Thess. Di ko talaga alam kung pano ilalagay yung comment box. Image hosted by Photobucket.com Ang tagal ko ng gustong sumagot sa shout box kaso bakit laging sinasabi.. Cookies Deactivated Image hosted by Photobucket.com
Pano ba tatanggalin yang cookies cookies na yan!! Kelangan ko ata si Cookie Monster para matanggal yan.. Grrrr.... baka sabihin ng mga friends ko.. Inii-snob ko na sila. Image hosted by Photobucket.com

Mostly, ang gimik ko lang is with my family and Bullit's family... at laging sa mga department store lang pero last saturday, pumunta kami sa Enchanted Kingdom ng family ni Bullit. Namiss ko yung
Anchor's away... Weeee!! 3 times sunod-sunod ako sumakay kaya kinabukasan nananakit pa din ang ulo ko. Image hosted by Photobucket.comNakakatanggal lang talaga ng stress. Naiba din ang hangin na nilalanghap ko.

I'm planning for a reunion with the alimasag peeps this month, nandito na ata si Lara sa Pinas. Aayusin ko muna ang sched ko for that. Grabe.. parang last month lang kami nakipag-eb kay Lara.. Ang bilis ng panahon!! August na pala!!

Ate, if you're reading this... I Miss You So Much. Di ako maka-tag sa shoutbox mo, so dito na lang kita babatiin ha...


Happy Birthday Ate Thess!!!!!
Image hosted by Photobucket.com
Me and Ate Thess
Taken last year on our first meeting at Greenbelt, Makati.
Busy talaga ko... It's not because addict ako sa mga internet games.. Hindi lang talaga ako makaalis dito sa shop. I have an assistant pero pero pag saturday and sunday lang nya ko natutulungan dito sa shop kasi nag-aaral pa siya. Ang trabaho lang nya sa kin pag weekdays is maglinis ng shop pag morning tapos papalitan ko sya ng 10 am kasi may pasok pa siya ng 1 pm. Pag dito naman sa shop. Di rin ako nakakalaro masyado kasi madaming nagre-rent ng pc. Kaya nakikinood na lang ako ng laro nila. Nakaka-jive din naman ako sa mga kids kasi naglalaro na din ako pag konti na lang ang customers. Part din ng trabaho to.. Lahat ata ng online games may account ako kahit ayaw ko laruin. Minsan kelangan mo lang malaman yung laro nila para just in case na may magtatanong or magpapaturo, alam ko yung gagawin ko. Nakakatuwa din minsan. Isipin mo.. part ng trabaho is yung naglalaro ka.... but not all the time puro sarap. There are times na walang connection sa internet katulad kanina. 11 am na ata nagkaron. Minsan mahirap din pag nasira ang hub, router, or part ng pc. Medyo mahal ang kapalit. Since nagka dsl ako last feb.. 2 times na kong nagpalit ng router and hub. Sakit sa bulsa. Under warranty naman pero bumili pa din ako, just in case na masira ulit eh may kapalit agad. Right now, isang pc ko ang bumigay ang board. Yon pa lang ang suspetsa namin kasi di pa nabalik ang technician ko. Ayaw ko na lang muna magreklamo. For 1 1/2 year running this business, ang dami ko ding natutunan. One of it is PATIENCE... ah.. pati na din ang pagiging maagap, syempre technically madami din akong natutunan mas lalo na sa pag alis alis ng hardware.. Pag technical na ang problema sa mga pc, nanghihinayang ako minsan kasi sana computer science or comp tech na lang sana ang kinuha ko nung college. Pero ok lang.. every day is a challenge for me to keep this shop running.

Aug 1, 2005

Letting Go Of The Past

Hmmm almost a month na din pala kaming hiwalay ni Perci..
I dont know what happen. Basta bigla na lang nawala, hindi ko na naramdaman. Siguro dahil may gumising sa kin na mali ang ginagawa ko.. or narealized ko na mali talaga. Siguro, narealized ko lang kasi kahit naman dati alam ko kung ano ang tama pero ginawa ko pa din yung mali.
I haven't talk to him since last week. Di ko alam yung feeling eh. Ayoko lang siguro siyang paasahin na magbabago pa ang isip ko OR baka iniiwas ko lang ang sarili ko sa mas malaking gulo.
Masaya naman ako nung magkasama kami. Actually, ok sana yung rapport namin eh. Pero naiisip ko, baka sa umpisa lang. Hanggang sa dumaan yung mga araw, napansin ko na magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Hindi ko kayang kainin ang prinsipyo ko kapalit ng pagmamahal ko sa kanya. Dati galit na galit ako sa mga babaeng pumapatol sa mga may asawa na, mas lalo na sa mga dalaga pa lang.. Parang nakita ko yung sarili ko sa sitwasyon na yon. So.. I let it go. Alam kong mas may future pa ko sa iba.

Di ko maintindihan yung nararamdaman ko.. Feeling ko mas matatag na ko ngayon. Sa dami ba naman ng dinanas ko kay Bullit.. parang chicken na lang sa kin to.

Mas may peace of mind ako ngayon.

Di ko naman nireregret yung nameet ko ulit si Perci kasi may maganda ding nangyari. Siguro nga kelangan talaga na dumating siya para marealize ni Bullit kung anong worth ko. Para narekindled eh.

Ayaw ko muna magsalita ng tapos.. Basta, bahala na muna. Hindi ganon kadali para sa min ni Bullit yung mag-heal sa lahat ng nangyari sa min for 4 yrs... siguro mas lalo na sa part ko. Pero ano bang magagawa ko kung sa lahat na lang ng nangyayari.. sa isa't isa pa din ang bagsak naming dalawa?

Bahala na muna si Batman.

Jun 8, 2005

*Someone from the Past

Kanina ko pa gustong magblog. Iniisip kung ano'ng magandang entry, wala akong maisip. Paulit-ulit lang kasi since pinaalis ko yung assistant ko dito sa shop 2 weeks ago. Habang naglalaro ng gunbound around 9 pm, nag-ring yung phone dito sa shop. Di ko pinapansin kasi wala namang natawag sa kin, so di ko sinagot yung telepono kasi alam ko din namang si Mama na ang sasagot non sa loob. After 2 minutes, tinawag ako nung tindero namin.. Phone call, lalaki daw. Hmmm.. imposibleng si Bullit kasi training nya ngayon.

Conversation on the phone
Joanne: Hello... sino to?
Man: Hello.. puede po kay Joanne.
Joanne: uhhhh.... sino to?
Man: Si Che-Che.
*Oh my god.. ano to lokohan?!!!
*startled

Joanne: uhhhh... saang company po kayo?

*oh my.. sana walang sabihin na company...

Che: Friend po nya ko...
Joanne: Si Joanne na nga ako... Che? as in Percival Jimenez?
Che: Oo... Jo.. ikaw na ba yan? kamusta ka na?
Joanne: Oh my God! Che!!! It's been so long... Kamusta na... Pano mo nalaman number ko?
Che: Kinuha ko kay Tita.........................................
Joanne: Oh my... Che.. ang tagal tagal na nating di nagkita..
Che: Oo nga eh.. antagal na kitang gustong tawagan kaso natatakot ako baka di mo ko pansinin.. baka di mo na ko makilala.

Medyo matagal din kami nag-usap. Che2x is my 1st bf way back in high school. I met him through my ex step mother at Nueva Ecija, 1991. Actually, taga Navotas siya; sinama lang siya ng father ko sa NE pagsundo sa min kasi nagbakasyon kami noon don.

Joanne: oh.. balita ko may asawa ka na ah...
Che2: Oo.. may anak na din ako, 5 yrs old. Actually, schooling na din siya.
Joanne: Naks.. tatay na tatay na.
Che2: Ikaw? ano? nag-asawa ka na ba?
Ouch... Ano ba namang tanong yan.
Joanne: Ahuh... hmmm... Dadating din yon. Di ko pa siguro nakikita.
Che2: Baka naman mapili ka..
Joanne: *chuckled hindi naman. Di lang nag work out yung mga past relationships ko.

I dont know but I was giggling.. Para kong nabuhayan... Di ko maintindihan yung feeling.
Totoo ba to? talaga bang si Che2 yung nakausap ko sa phone? Para kong nananaginip. Kung bibilangin ko... 13 yrs na kaming di nagkikita but until now, natatandaan ko pa din in every detail the 1st time I saw him.. yung mga kulitan namin.. lambingan.. yung mga 1st time and sweet moments.. and kung pano kami naghiwalay.. pati na din yung last na nakita ko siya. Wala kasing tuldok yung paghihiwalay namin.

It keeps on rumbling in my head.. Isusulat ko ba dito kung ano yung nangyari or wag na kasi tapos na din siya.. Pero gusto kong mag reminisce, kung anong mga ginawa ko noon nung naghihintay pa ko sa kanya nung highschool and college. Nagkaron kami ng chance na magkita ulit before I graduate in college. Neighbor kasi siya ng classmate ko sa thesis.. Pero siyempre, nahihiya ako noon atsaka sabi din ng classmate ko na may gf na kaya di na lang ako nagpursue na mameet ko siya. After college, nagkaron ako ng contact sa ex-stepmother ko. Sabi may gf na din ulit. I abandoned the thought na magkikita pa kami kasi meron na din akong bf non.. Syempre, ayaw ko din namang magulo yung present relationship ko. After a year, nabalitaan ko.. kinasal na siya.

Ngayon, kakatawag lang nya... Parang nasa langit ang utak ko. Ang tagal kong hinintay to. Nasabi ko ba lahat ng gusto kong sabihin noon? After 13 years saka lang nya inexplain sa kin lahat. I don't know if I'm dwelling too much on the past.. Kung tutuusin tapos na siya. May sarili na din akong buhay, masaya na din naman siguro siya sa buhay nya.

Naalala ko lang nung bata pa ko.. nung inlove na inlove pa ko sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, pag nagkasasakyan ako.. hahanapin ko siya sa Navotas.. Susuyurin ko ang buong Navotas.
Ngayon, iniisip ko kung anong nangyari nung nagkaron ako ng sasakyan. Bakit di ko na siya hinanap..

Para lang kasing bumalik yung dating feelings. Hahaha!!
Is that what they called: First Love Never Dies? Nyahahaha!!
Natatawa ako sa sarili ko.

But I'm glad he called...
I can't wait to hear from him again.

Bakit pag may nakakausap akong ex ko.. puro sorry ang nababanggit?
Ganon ba talaga ko katanga nung bata pa ko?

May 23, 2005

Malas

Malas ata ako ngayong May.

Until now, I'm still in shock on what happen to me last night.
Somebody stole my bag in my shop.
Lahat ng importanteng id's nandon; my atm, TIN card, driver's license.. etc.
I lost my cash and wallet... isama mo pa don yung kikay kit ko.

Pumasok kasi ako sa loob ng bahay due to nature call. Around 12 am, I told my brother to look after the counter while playing ragnarok. When I opened the door, may 2 lalaki don sa tindahan.. nakita na may computer shop pala kaya pumasok. He asked me how much was the internet rental, I talked to him for a while and he told me that he'll just wait for his friend. So, I said 'Ok' and left him with my brother who's just occupying the pc near the counter. When I got back, wala na yung lalaki. Sa loob-loob ko lang.. That's ok. I'm about to close the shop by 1:00 am.

Around 1, don ko na napansin na wala na pala yung bag ko. Hinalughog ko na yung buong counter, wala talaga. Huling kita ko sa bag ko is around 11pm kasi nagpapalit pa yung cashier namin. Sobrang nanlumo ako. Hindi ko maimagine na puedeng mangyari sa kin to ng dalawang beses sa isang buwan. I lost a cash worth 5+K. Naiyak talaga ako.. and until now.. Naluluha pa din ako sa sobrang hinayang and galit.

Umuwi akong nanglulumo.. I talked to my friend Kian on the phone, medyo nahimasmasan ako. Pero alam mo yung feeling na gusto mong matulog pero di ka makatulog kasi di mo matanggap sa sarili mo na wala kang pera bukas pag gising mo? Kasama na don yung wallet and everything.. Waaaa!! Yung mga pictures ko!! Syet! pati pala picture ni Legolas nanakaw. Image hosted by Photobucket.com

First week of the month, I also lost 3+K on my car. I was too sleepy and didn't notice that I left it on my car. I last seen my pouch when I pay the toll fee so I know I didn't left it anywhere else. Who's the culprit? My mom's driver... Nakasalubong ko kasi siya pag uwi, he told me na nasira daw yung service car pangkuha ng dyaryo kaya hihiramin daw nya sa kin yung revo. Binigay ko naman yung susi, may pahabol pa kong sabi.. "Pa-gasan mo yan ha.. kakapa-gas ko lang nyan kanina." Goodbye pouch with the cash inside it... Until now, he's still denying that he never saw it. Ang nagagawa nga naman ng pera sa tao.

Before I lost my cash, nasaksak yung likod ng aircon na gamit ko dito sa shop. So, syempre.. nasa likod siya ng shop hindi ko nakita kung sino ang gumawa. Kinabukasan, pinaayos ko yung aircon. Tinamaan yung compressor pati yung mga tubes. Ginawan na lang ng paraan para magamit ko pa. Naiyak ako sa fee nung gumawa, ako na nga bumili ng freon pero ang laki ng binayaran ko. I was thinking that time na bibili ako ng bagong aircon. Target ko sana before the month ends, may bago na kong aircon... Mabayaran yung ibang bills... Or kaya mapatanggal ko na tong brace ko at magpalagay ng bridge teeth sa bagang. Nanlulumo pa din ako pag naiisip ko.

Sa nangyari sa king to.. Naisip ko, eto ang panahon na dapat magpakatatag at magsipag ng husto. Kelangan kong ibawi ang nawala sa kin.

Naisip ko lang.. Pano kaya nakakatulog ang mga magnanakaw?
Bago ba sila matulog, naiisip ba nila yung perhuwisyo na nagawa nila sa kapwa nila?

Sana kahit yung mga importantend ID's, maibalik sa akin.
Yon na lang dapat ang ipagdasal ko gabi-gabi.

Sa kanila na yung pera... kaya ko pang bawiin yon.... tangina sila.
(huh! yon na lang ang kaya kong sabihin.. sana kunin na din sila ni satanas) Image hosted by Photobucket.com

May 20, 2005

Halo-Halo

Nakareceive ako ng call from Maynard awhile ago. Actually, nagtatanong lang siya ng direction ng daan papuntang Laguna hanggang sa napunta kung saan-saan yung usapan namin. One of our topics is my lovelife. Nakakatuwa lang how we discuss about my current situation na parang akala mo wala kaming past. Tawa lang kami ng tawa.. Natatawa din ako sa sarili ko, para kasing ang level ng age ko is nasa early 20's. Tama ba namang ganon pa din? Ewan ko, medyo mas open akong sabihin kay Maynard yung situation ko pero kay Bullit na kasama ko araw-araw eh natatakot ako. Hala... 3 and half years na. Parang pansit sa gulo pa din ang sitwasyon namin. Ano ba yan.. napapag-iwanan na ata ako. Ikakasal na next week yung friend ko. Sino kaya ang susunod sa mga friends ko nung highschool? Oh well, I'm not expecting na ako na. Walang ka-kwenta-kwenta ang lovelife ko. Image hosted by Photobucket.com

Parang mas gusto ko na lang maglaro ng gunbound kesa ma-hook sa dating. Nakakapagod ... nakakadala ang relationships. There are some people na masyadong eager magkabf/gf pero ako.. tapos na ata sa ganong stage. Parang masaya na din ako sa buhay ko. Minsan, naiisip ko.. kung yung sarili ko nga hirap na hirap akong buhayin, what more pa kaya kung dalawa na kami.. at madagdagan pa ng isang chikiting. Ang hirap kayang mabuhay sa Pinas. Image hosted by Photobucket.com

Parang ang tagal ko na atang nagpapakabulok dito sa shop. Ang dami ko ng namimiss na mga friends.. Yung mga ali peeps, di ko na nakikita. Image hosted by Photobucket.com

Last week, nawalan ako ng pera. Medyo malaki-laki, dagdagan na lang ng 1k pambayad ko na ng electric bill. Don ko naramdaman yung effect ng hirap. Dati nakakapag dinner pa ko sa maayos na restaurant kahit twice a month, nabibili ko yung mga gusto ko, nakakapanood ako ng sine anytime na gustuhin ko. Pero ngayon, parang dapat 1 beses ko na lang gawin yon. Di na din ako naasa kay Mama, minsan ayoko ng kumain sa bahay. Gusto ko din sanang makapag ipon pero sa mga bills pa lang.. nangagamote na ako. Isama mo pa dyan ang tax pati yung bababayaran mo pang business permit. Hay!! Hirap talaga.

2 months ko pa gustong iblog to eh, kaso tinatamad ako.
Nung pumunta kami sa Baguio, dumaan kami ng North Expressway. Ay naku! Grabe naman ang toll fee don. Pag pasok mo pa lang eh magbabayad ka na ng P40.00+ tapos pag exit mo eh magbabayad ka pa ulit ng P200.00+. Image hosted by Photobucket.com
Grabe.. parang papatayin kaming mga Filipino sa mga toll fee na to.
Last January, nagtaas din ang South Super Highway ng 5.00. At dahil taga-Bicutan ako, 25.00 na ang binabayaran kong toll fee. Naisip ko lang, pano na yung mga pabalik-balik ng highway katulad ng taxi, jeep, and bus? Isipin mo.. dapat may 50.00 akong budget pag aalis ako, idagdag mo pa don yung parking fee kung saang lupalop ako pupunta. Grrrr... Kasama pa yung gas na ico-consume ko. Waaaa!! Ang hirap mabuhay sa Pilipinas!!
Ay naku.. iba pa pala ang presyo ng mga bus sa SSH! Eto ang tinatawag na lantarang HOLDAP sa kalye! Minsan, naiisip ko.. mas gusto ko pang mag-commute. Parang mas makakatipid pa ngayon ang mag commute kesa magdala ng sariling sasakyan. Kaso tataas na din pala ang pamasahe. Saan na ba ko lulugar ngayon? Image hosted by Photobucket.com

Buti na lang.. may Darna at Enkantadia na. Kahit papano mababawasan ang mga sentimyento ko sa buhay... buti meron na ding gunbound.
Sorry sa alimasag, di ko na nagagawa ang duties ko. Image hosted by Photobucket.com

Kaya mahirap talaga mag-asawa.
Ang hirap kumita ng pera.

Mar 19, 2005

Gisingin Mo Ko

March 14, 2005

Maayos ko naman naicelebrate yung bday ko.
Dumating ang mga friends ko, pati si Bullit and Chris.
I was hesitant to invite Bullit coz in the 1st place, nakaset na pupunta talaga si Chris. Habang namimili kami ng sister ko ng lulutuin for that day, tinanong nya ko kung ininvite ko na si Bullit... sabi ko hindi pa atsaka dadating kasi si Chris, basta na-greet na din naman ako ni Bullit sa fon nung morning. She suggested na iinvite ko din with matching reason na may kanya-kanya na nga din kaming buhay, for good times sake, and bday ko naman.
Oh well, OK naman yung outcome. :)

March 17

I was about to go to Chris' shop pero nandito si Ian (my technician) kaya naglaro na lang ako ng gb until Bullit called on me.. I invited him na kumain ng siopao. Pumunta ko sa kanila tapos diretso kami ng Makati.. while on our way to Makati, naka-amoy kami ng bulaklak ng patay.. Ewan ko, pero di ako natakot. Sabi ko sa kanya na ganyan yung mga bulaklak na naaamoy ko non sa Baguio tapos hinuhulaan pa namin kung anong klaseng bulaklak yon. I went home around 3 am, dadaan pa sana ko kila Chris kaso tinamaan na ko ng antok.

March 18

The following day, gumising ako ng maaga kasi ipapaayos ko yung scanner sa Gilmore with Bullit. May plano pa nga kami na magco-commute lang. Ipapark ko yung sasakyan ko sa bahay nila tapos sasakay na kami ng jeep and mrt papuntang Gilmore kaso umulan.... at matraffic. 2pm na ala pa din kami sa Gilmore kaya nagdecide na lang ako na bukas na lang namin ipaayos yung scanner. Dumiretso kami sa Megamall. Nanood kami ng sine. Masaya naman.

Mind you guys.. di kami nagkabalikan, at di rin ako umaasa na magkabalikan kami. Di ko maexplain eh.. Ok kasing kasama si Bullit, masarap siyang maging kaibigan.

After ng movie, around 5 pm ata.. Nagstroll stroll kami... nagtingin-tingin sa music store hanggang nag-ring ang fon ko. It was a call from Chris. Napalakas pa ata ang boses ko sa bad news.. Nalimas lahat ng pc nya sa shop. Ninakaw lahat ng system unit nya nung madaling araw. Para kong nanlumo... naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Napakapit ako kay Bullit pagkababa ng celfone. Buti malapit lang ang Megamall sa shop nya kaya nagdecide ako na puntahan namin siya don. Pagdating namin sa shop nya, medyo madumi.. Nandon pa yung mga monitor, kakatapos lang daw ng investigation. Wala daw nakuhang finger prints, pero ang sabi ni Chris.. parang minadali lang yung investigation. Kinuhaan lang daw ng picture, nilagyan lang ng powder na itim yung mga mesa pero di kinuha yung mga finger prints... tapos konting kwento-kwento.. Tapos na. Goodbye 13 pcs na system unit.

Ganto na ba talaga kabulok ang sistema ng imbestigasyon sa Pilipinas?

Nanlulumo man, inayos na namin yung monitors at naiwang mga gamit sa pc tapos dinala namin don sa bahay ng lola ni Chris. Nag-aasaran na lang kami.. pilit tinatakpan yung lungkot sa nangyari. Hiniram ni Chris yung sasakyan ko, paghatid ng 1st batch ng mga monitor habang on the way daw sila, nakaamoy sila ng bulaklak. Naiwan kami sa shop para bantayan yung mga monitors na natira tapos sumama na lang kami sa bahay ng lola nya nung nadala na namin lahat ng gamit sa shop. Pagdating namin don sa labas ng bahay ng lola nya, naamoy na naman namin ni Bullit yung bulaklak na naamoy namin nung madaling araw. Biglang pumasok sa isip ko yung asawa ng Lola ni Chris na namatay lang last month. Oh my God... May premonition na pala ko nung gabi pa lang. Nagtataasan ang mga balahibo namin habang pinagkukwentuhan yon. Eto na naman ako, sinisisi ko yung sarili ko.. Sana dumaan pala kami ni Bullit sa shop ni Chris kasi siguro puedeng magtagal kami don. 2 am na kasi nagsara si Chris, sakto sa oras ng pagdaan ko kay Bullit sa bahay nila. Kung alam ko lang sana. Nakakapagtaka lang, parang bulag ata lahat ng tao habang ninanakawan yung shop nila Chris kasi wala ni isang nakakita.. Kahit yung mga pulis na nasa kanto lang, para di napansin na nililimas na yung mga pc sa shop ng dis oras ng madaling araw.

Niyaya ko si Chris na mag-stay na lang muna sila sa shop ko para mag unwind.. Magkaron ng karamay..

Nakita ko kaming tatlo nila Bullit and Chris.. Para kaming nag-unite dahil don.. Kinalimutan lahat ng nakaraan.. Naging isa dahil sa isang masamang pangyayari.

Sana panaginip lang to. Nalulungkot pa din ako pag naiisip ko na wala ng source of income ang kaibigan ko.

Kinausap ko si Mama kanina, kung may tulong pa kaming puedeng maibigay kay Chris. Sigurado daw siya na sindikato ang bumiktima kila Chris. Di lang naman kasi kay Chris nangyari to.. Madami ding mga shop ang nagsasara dahil ninanakaw ang mga pc nila. Buti sana kung isa lang.. ang masaklap eh isang bagsak lang ang nakawan.. parang isang umaga pagbukas mo ng shop.. Wala na pala lahat ng pc mo. Nakakatakot isipin..

Dapat talaga ready ka sa lahat ng oras kasi sa bansang ito...
Wala kang ibang aasahan kundi ang sarili mo.

Mar 13, 2005

Back from Heaven

Quote from the oldies..

"Singko na lang ang pamasahe, malapit na tayo sa langit"

Yan ang Baguio... 3 nights ago, bigla kong inaya ni Mama papuntang Baguio. Graduation daw kasi ng cousin ko sa PMA, although di naman kami ganon ka-close.. sumama pa din ako. Of course, miss ko na ang bakasyon. Actually, nagpaplan na talaga kong magbakasyon a week before that. Timing lang talaga tong okasyon na to.
The following morning, we proceed to the place I've been longing to live for the rest of my life.

It's my 2nd time there.. as in no regrets ako because I love the place (except for the ghosts.. ahihihi) and the people who lives there. Ewan ko ba kung anong pang-hatak sa kin ng Baguio. We arrived 2 in the afternoon, we first proceed at PMA. Wow.. ang laki pala non. Wala nga lang akong nakitang fafi.. on duty ata lahat.

Around 4pm, nasa Teacher's Camp na kami. Nandon kasi yung uncle ko, konting pahinga... nangati ang paa.. na-miss ang gunbound.. naisip ko.. Kelangan kong pumunta sa Session Road! From TC to SR, wow!! palakpak ang wallet ko, 37.00 lang ang fare ko sa taxi. Yahooo! Pero sana.. sa Manila ganito din. Walang reklamo ang mga taxi drivers at di namimili ng pasahero... at ang bonus pa don, KAHIT .50 cents LANG ANG SUKLI MO, IBIBIGAY NILA YON!!! Sana ma-apply ang gantong sistema sa buong Pilipinas.

At Session Road...

"Rain drops keep falling on my heads..
And just like the guy whose feet are too big for his bed
Nothin' seems to fit
Those raindrops are falling on my head, they keep falling ......

Raindrops keep falling on my head
But that doesn't mean my eyes will soon be turnin' red
Crying's not for me
Cause I'm never gonna stop the rain by complainin'
Because I'm free
Nothing's worrying me"

Have u heard this song at Spiderman 2? Naramdaman nyo ba yung feeling ng freedom just like Peter Parker felt while walking on the street?
Ako.. OO.
I felt the excitement, freedom, and happiness that I've been longing for so long.
Eto yung matagal ko ng gustong gawin.
Pag nasa Baguio ako, nakakalimutan ko ang mundong ginagalawan ko.
Para kong ibang tao na nakapaloob sa katawan ng isang babaeng malungkot
... at disoriented ang utak.

Habang naghahanap ng internet cafe.. tinatandaan ko yung mga lugar na napuntahan ko before. Nakita ko yung Porta Vega/Vaga. Hmmm.. Parang pumunta na ko don dati.. diretso ko sa 2nd floor.. Konting lakad, nakakita na ko ng internet shop. 15 hrs akong di nakapaglaro.. Wow! Excited!!! (ADIK!)
Around 7pm, umuwi na ko.. Nakalimutan ko, inutusan pala kong bumili ng red wine. Hihihi! Hinatid ko lang yung red wine, balik ulit ako sa Session Road with my cousin. Hinahanap ko yung kinakainan namin ng bestfriend ko dati. Late ko ng narealize, sa Magsaysay pala yon. At dahil gabi.. nakuntento na lang ulit ako sa Netopia. Lumipas ulit ang oras.. 11 pm na pala! Hala!! Pagbalik ko ng TC, iniwan na ni mama yung gamit ko. Wag na daw ako sumunod sa Executive's Hills.. susunduin na lang daw ako kinabukasan. Ang pobreng lakwatsera.. ahihihi!! Ok lang.. Enjoy naman.

--------------------------------
Ginising ako ng 5 am to prepare kasi 8:30 daw ang graduation. Brrrrr!! Ang lamig!! Gusto ko pang matulog. Buti na lang nakapag init na sila ng tubig. Isang baldeng pampaligo.. solve na ko. Umuusok ang katawan ko sa lamig. 7:30 nasa PMA na kami, buti kumain ako ng almusal.. 10:30 pala ang start ng ceremony. Pero kahit ganon, wala na kaming maupuan. Nadaanan ko yung mga ibang kamag-anak na manonood ng graduation, nagkakainan na sila sa sasakyan. Galing pa daw ng Tuguegarao.. Cagayan yung iba. Magaan yung feeling. Isipin mo nga naman.. kung puedeng dalhin mo yung buong angkan talagang dadalhin mo... Nakikita ko kung gano ka-proud yung Uncle ko sa anak nya. Mas overwhelmed siya kasi yung bunso nyang anak, 2nd year na this coming sem sa PMA din, at yung sinundan ng bunso... Papasok na din this April. Tatlo sa apat nyang anak na lalaki ba naman. Sana makayanan nung dalawa.

First time kong maka-attend ng graduation don, nakakatuwa palang manood. Di na masyadong binigyan ng attention yung GOAT ngayon.. Sabi nga nila, mas sikat pa ang goat kesa sa honored PMAers. 4 na babae ang pasok sa top 10. Kung titingnan mo, halos parang lalaki na din sila kung kumilos. Pero wow!! Yan ang Women's power! Pero eto pa ang mas bilib ako, mahirap lang talaga yung family ng isa sa kanila na makakareceive ng 2 awards.. Ang trabaho ng father nya eh magbabalot. Sobrang determination. Bow ako don.
After ng ceremony.. Nagtataka ako kasi yung mga graduates eh isa-isang binubuhat ng mga lower class... hinuhubad pa yung mga damit.. tinitira lang yung panloob nila na parang jumper style. Pagbaba namin .. di na namin mahanap yung pinsan ko. Waaaa!!! Nakuha na pala ng mga lower class. Sabi ni Daddy.. ihahagis daw yung mga yon sa pool. Wow!!! Yon ang masasabi kong SWEET REVENGE para sa mga lower class. Hehehe!!

After ng graduation, bumalik kami sa TC. Konting oras na lang ang natitira sa kin kaya pumunta ko ng La Trinidad, Buenget. Mas mura kasi don yung mga pampasalubong and strawberries, 50.00 lang per kilo. Meron pa ngang 35.00. Ayaw ko din pumunta sa Mine's View or kahit saan na madaming tao. Takot akong mahawa ng Meningo. Image hosted by Photobucket.com
Bumalik ulit ako ng SR with my cousin nung afternoon.
Masaya na ulit ako. hehehe! Mas sumaya ako nung makakita ako ng branch nung kinakainan namin sa Magsaysay. Mura yung food.. and sulit ka naman sa sarap :)
Umuwi na ko ng maaga para di na ko maiwan ulit Image hosted by Photobucket.com
"Goodbye Session Road.. I'll be back ASAP"
Ang aking farewell.. Bago ko sumakay ng taxi pauwi..

I slept with my mom at EH.. sa wakas! Ang ganda nung place. Sobrang tahimik.. Parang may mumu!!
Parang mas comfortable ako sa TC. Pero sa doon talaga kami.. kaya no choice. May kasama naman ako sa room eh.
The following morning... Uwian na kami Image hosted by Photobucket.com
Hindi pinakinggan ng Supreme Court ang apela ko na mag-extend. Birthday ko daw kasi kinabukasan. Image hosted by Photobucket.com

Kung may lugar akong gustong balik-balikan.. Yon ang Baguio. Kung mas malakas na ang loob ko.. gusto kong tumira don.. at mag establish ng sarili kong business. Balang araw.. magagawa ko to.

____________________________________

Before Heaven..

The night before I left to Baguio, nafinalize namin ni Maynard na tapusin ang relationship namin. He's sorry kasi akala nya ready na siya for a commitment. I was kindda disappointed how it end.. Friends pa din naman kami. Yon lang, until now.. di ko pa din siya kinakausap. Ayoko din muna talaga.. Gusto kong bigyan ang sarili ko ng space. Ayokong kausapin muna siya hanggang may nararamdaman pa ko sa kanya. Pero tanggap ko na din naman na hanggang don lang. Wala kong magagawa.

Bday ko na pala mamya. Ano kayang mangyayari? Masaya kaya or parang ordinaryong araw lang?
Sana nagmatigas ng ulo na lang ako kanina para nasa Baguio pa din ako.
Hay!!

Mar 9, 2005

Sorry

Last night, nag dinner kami ni Chris sa Makati. Ok naman, although medyo late na talaga kami buti naabutan pa naming bukas yung North Park. Around 1 am, after dinner.. naisip naming mag-coffee sa Starbucks pero parang ala na atang open sa Makati ng ganong oras.. kaya naisip namin na sa Ortigas na lang. May bago palang open don na parang Libis style. May nakita kaming Starbucks na open pa, pag park ni Chris ng kotse.. habang naglalakad, parang may naramdaman akong humulagpos sa right na paa ko. Oh my gulay!! Yung sandals ko, napigtal!! Waaaa!! Buti nasa tapat na kami ng starbucks non, medyo natagalan kami kasi ang gusto nya eh kaming 2 ang mag-oorder ng coffee.. Ang kulit! pano kaya ko makaka-order? Kaladkadin ko kaya yung sandals ko no? Ayon, kakapilit.. nagclose na tuloy ang Starbucks.. Wala na ngang kape, pigtal pa sandals ko! Image hosted by Photobucket.com
Kainis kasi tong si Chris eh.. ang arte. Yan tuloy, nagclose ang starbucks! :p
Ang bagsak namin? Sa Shell select, at sa shop na lang kami nag kape habang naglalaro ako ng gunbound.
Hmmmppp!! Malas! Nag-drive ako pauwi ng naka-apak. Image hosted by Photobucket.com

Nag-away na naman kami ni Cort the other day... last sunday ata. Nasa akin ang mali... napikon ko kasi nagkukunyarian akong nagseselos, binabaan pa ko ng fon. Ayon, mas naasar siguro. Yon naman ang lagi naming pinag-aawayan.. Yung selos ever. Pero parang malala ata to. Ilang araw na kaming di nag-uusap, nitext di siya nagrereply... Mas naramdaman ko kanina yung coldness nung paalis na siya kanina. Walang goodbye, ni good night. Matindi ata ang galit sa kin. Hmmmm.... Lagi na lang ako. Image hosted by Photobucket.com
Pag mas bata ba sa kin, kelangan ba na ako ang umunawa? Di ba dapat give and take?
Naiisip ko lang, kung maghihiwalay kami.. Hmmm... syempre, masasaktan ako di ba? Pero pano kung di naman magwowork out yung relationship? Magkaiba kami ng priorities.. Kung maghihintay ako, baka di na ko puedeng magkaanak non pag ready na siya. Image hosted by Photobucket.com

Pero kung don nga ang bagsak namin..
Mamimiss ko siya. Narealize ko, puede naman yung mahal mo yung isa tao pero di mo siya kasama. Yung hanggang don lang kasi alam mong wala namang patutunguhan...
Salamat na lang dahil sa isang yugto ng buhay ko, nagawa mo kong pasayahin, patawanin, matutunang mahalin ka..
Sana kung maghihiwalay kami, maging magkaibigan pa din kami. Maganda naman yung samahan namin eh. Sana yung magiging relasyon natin eh yung katulad ng naipundar namin ni Chris, na kahit wala na.. nandon pa din ang respeto at pagmamahal sa isa't isa.

Nalulungkot ako.. Pero ganon talaga.
Sa umpisa lang naman masakit yan di ba...

Wow! Malapit na pala ang bday ko.
Ayos tong bday gift na to.

I'm Screwed!
Image hosted by Photobucket.com


Unang Araw
Sugarfree
Sadya ba talagang ganyan
Palakad-lakad kang nakatungo
San patungo?
Ngayong wala ka na
kailangang masanay na muling nag-iisa
San ka na kaya?
Wag mo akong sisihin
Minsan ika'y hanapin
Ito ang unang araw na wala ka na
Nasanay lang sigurong nandyan ka
Di ko rin akalang puedeng kang mawala
Ayan na nga...
Nababato.. nalulungkot
Luha'y napapawi ng singhot
At talungkob ng kumot
Wag mo akong isipin
Minsan ako'y iyakin
Ito ang unang araw na wala ka na..
Ito ang unang araw na wala ka na...
Ito ang unang araw na wala ka na...
Image hosted by Photobucket.com

Mar 6, 2005

Thank You Lord

I don't know how to start this.. but I'm too grateful for this day.
It's my shop's 1st year anniversay.
As I reflect for the whole year through, I can't help but to say "Thank you God".

I'll be cooking baked macaroni at the afternoon,
to celebrate with my loyal customers.
I've already prepared the balloons..
I don't know what am I gonna do later.
How about free games from 5 - 8 pm?
Hmmm...
I'll think about it before I sleep.

Long life and good business for my shop!
Cheers!

Mar 1, 2005

Lovers In MetaMine

A screenshot again...

Parang valentine's day kanina. In 1 night.. may 2 games kaming magkaharap ang mukha..
di sadya ha...
hihihi!!


Kiss me baby..







Sweet!




btw, I changed my nick again to vampy :)

Feb 27, 2005

Bisyo Na To

Hi Guys! I just want to share this screenshot on one of our games in Gunbound..



This was taken 4 days ago before I changed my nick again...
It was a 4v4 ramdom mobile game...
I am CoRt (with the turtle mobile) and my bf LordHatei who got lucky because he got the knight mobile, it's a rare mobile like dragon. Sabi nga, tsambahan lang makuha yan..



While waiting for the other players..

As you can see, I have a guildmate with the same avatar as mine.
My nick before was Vampy and hers was Yampy.
Oh well.... sometimes we both also get confused who's who when the game started.. Hahaha!!

Ewan ko ba.. lakas trip siya, tama ba namang igaya yung nick nya sa kin.

One time, my brother was playing gunbound.. he saw Yampy. Nataranta ang lolo.. akala nya, nahack ang account ko.

Why did I changed my nick to CoRt?

Secret!! hahaha!! ;)



This is us...




This is my character... alone

I'm using a power user that's why I have a cute background.

One time.. Natapos na kong maglaro around 5 am.
I woke around 8 am and started to play at 9 am...

Yung friend ko na nakatulog na that night, naabutan pa din akong naglalaro..
sabi nya sa kin..

= hoy.. adik!
= tsk.. natutulog ka pa ba?
= grabe.. di na kaadikan yan. Bisyo na yan.

Tawa lang ako ng tawa... Eh ano ba? Enjoy naman ako.

Ngayon.. may idea na kayo kung bat di na ko nakikita masyado sa alimasag.

Me and significant other is doing good.
Di pa naman tapos yung adjustment but the best thing there is we are both trying to cope up with other's difference and the "age gap thing"
... and I'm beginning to love him more.
His pc brokedown last week, di na din ako nakakapaglaro pag gabi. Hotline and telepono.

The virus problem at my shop is over. Buti naman...
I already have an assistant...
I can now spend my full time at gunbound. hehehe!
Adik!



P.S.

Bullit lost his job.




P.S. ulit....

I dont give a damn.
I already talked to my mom awhile ago and shared to her what happenned why did I suddenly stop loving him. It's not because of Maynard, actually.. I haven't tell her that I have a new boyfriend.
I dont want to tackle with the reasons anymore...
I don't have any tears to cry on.. for him.
I just felt in my heart that it's finally over... kahit wala akong boyfriend.
Checkmate ka Bullit.

Feb 22, 2005

Feel It With Me

I Can't Make You Love Me
Turn down the lights,
turn down the bed
Turn down these voices inside my head
Lay down with me,
tell me no lies Just hold me close, don't patronize - don't patronize me
CHORUS: Cause I can't make you love me if you don't
You can't make your heart feel something it won't
Here in the dark, in these final hours
I will lay down my heart and I'll feel the power
But you won't, no you won't
'Cause I can't make you love me, if you don't
I'll close my eyes, then I won't see
The love you don't feel when you're holding me
Morning will come and I'll do what's right
Just give me till then to give up this fight
And I will give up this fight
CHORUS: Cause I can't make you love me if you don't
You can't make your heart feel something it won't
Here in the dark, in these final hours
I will lay down my heart and I'll feel the power
But you won't, no you won't
'Cause I can't make you love me, if you don't.

Feb 16, 2005

Another Used To Be

I had a 20 minutes nap awhile ago, I dreamed of Bullit and his besfriend Coy. Nagtataka nga ko kasi di ko naman siya iniisip masyado... para lang kasing kabaliktaran. Pumunta daw ako sa house nya, we were talking nung dumating si Coy. I went out, nung nasa pinto na ko... narinig ko yung sinabi ng bestfriend nya na "Nagkabalikan na kayo?". Nagtago ako.. gusto kong marinig kung ano yung sagot nya.. Sabi nya.. "Pare, imposible. Masyado siyang madaming ginawa, parang di ko na siya kayang tanggapin. Magiging complicated lang kung magkakabalikan kami." Nagising na ko kasi nag-alarm na yung fon ko.

Until now.. buong-buo pa din sa isip ko yung napanaginipan ko. Kataka-taka... kanina ko lang narealize, ngayon pala yung anniversary ng break up namin. Kung babalik ako sa last year... Kakauwi palang nya from work, naghihintay ako sa kanya sa bahay dahil dapat morning eh nakauwi na siya. Tinatanong ko siya kung san siya galing, bakit di siya umuwi.. bakit di nya sinasagot yung tawag ko. Nakaiwas yung mukha nya sa kin.. nakaiwas ang sagot.. Ramdam ko, magkasama sila maghapon nung babae nya. Nararamdaman ko yung pain kahit isang taon na ang lumipas. Nag usap kami sa kwarto, inopen ko na maghiwalay na lang kami kung ganto lang ang mangyayari. Nung pumayag siya, nanghina ako. Parang nagblack out yung mundo. Ganon pala yung feeling... Para akong namatay... huminto ang tibok ng puso ko... tumigil ang pag ikot ng mundo. Yung taong halos ipagpalit ko sa lahat, kaya pala akong iwan.

Naisip ko lang.. di naman kaya gusto ko lang na makipagbalikan siya sa kin ngayon kasi gusto kong ipamukha kung ano yung nawala sa kanya. Lolz.. Malakas ang loob ko ngayon, hindi ko na siya papabalikin pa sa buhay ko. Tama na yung 2 beses na pagkakamali. 4 years na katangahan. Nanghihinayang ako sa panahon na yon pero wala na kong magagawa. Yung 1/3 ng panahon na yon eh naging masaya din naman ako.

I have a new boyfriend.
I confess that I'm not ready for the age gap thing. I'm much older with the guy... and I'm on the edge of losing my patience. Sabi nga ni Jeff... "Love is a decision, not an emotion... its never a feeling... its a choice."
Now, I truly agree with this.

I need a man who will look after me.. not to look after him..
Someone who will take care of me and fulfill my needs..
I need a companion who will devote some time for me..
and someone who will love me with my imperfections....

I'm having a hard time to adjust, sometimes I ponder about "how would you know if you love him?"
How can you distinguish love from liking someone?

I'm happy when we're together, I want to spend more time with him. I do always think about him... but the question is.. "Does he think about me when we're not together or when I'm log off at the game?"

Jealousy is a sign of love (ok.. fine.. insecurities na din)... I get jealous with him sometimes. We just had misunderstanding a few days ago. Pero ang tanong... Totoo na ba tong nararamdaman ko? Totoo din kaya yung nararamdaman nya sa kin?

I think this is my fault.
I don't know if this relationship is going to work. I'm afraid to fail again. :(
I dont want this relationship to go through "Another used to be"......

Feb 14, 2005

Why Men Leave

by May Luna Sy

Men are like dairy products.
They have a short shelf life. Once opened, you have to refrigerate and consume them by the "best before date" or you'll get a tummy ache, throw up, or die of food poisoning.

Here's a guide of the kind of dairy product you could be dating;

He's a carton of milk (good for a week) when:
  • He asks for your number and writes it on his hand; he doesn't enter and save it on his celphone.
  • He arrives late on your first date.
  • Over dinner, he keeps looking at other girls except you.
  • He says he believes in equal rights and suggests that you split the check.

This man is curdled from the start. Make sure you have taxi money because he's definitely not bringing you home.

He's yoghurt (good for two weeks) when:

  • He sends you obscene text jokes. It could be refreshing at first until you start to wonder if you're dating a pervert/serial killer.
  • On your second date, he brings another girl because he doubled-booked and forgot to cancel you.
  • Over dinner, he ogles a girl with a big breasts (not you)
  • To add insult to injury, he suggests you pick up the check, since he paid the last time.

Who knew things would get rotten this fast? You should have dumped him in the first week.

He's an egg (good for one month) when:

  • He gives you his home number. You call, innocently asks for his wife, and the person who answers say he's single and lives with his domineering widowed mother.
  • He brings you flowers. Never mind if they're wilted sampaguity garlands bought from the street children anxious to go home.
  • He laughs at your corny jokes then tells even cornier ones and that's the extent of your conversation
  • On your fourth date, he borrows money from you.

It was fun while it lasted. Say goodbye now because this egg is definitely cracked.

There are dairy products that last longer than a month, Cheese, for instance, lasts a year - sometimes more.

But like men, they smell and they have holes in their excuses.

Question: Are there men out there who will saty with your through a nuclear war or at least until the economy recovers? Or will they leave at the first sign of a younger woman, especially one who fawns and has big breasts.

Answer: Men leave

They die or never come back. Pray they stay dead or move to Iraq.

But why do they leave in first place? I have three theories...

  1. Women want commitment; men don't.
  2. Men want women to run the show but they don't want to know about it.
  3. Men want good women, good women are too much for men.

----------------------------------------------------------------------------

Now, I totally agree with this.

Guess the Differences:

Q: What's the difference between a girlfriend and wife?

A: 45 lbs

Q: What's the difference between a boyfriend and husband?

A: 45 minutes

Q: Why do men find it difficult to make eye contact?

A: Breasts don't have eyes.

Happy Heart's Day!

Feb 7, 2005

I think....

I'm beginning to like someone. Like.. love... ano ba? I'm kindda confused... but right know, I know he has a soft spot in my heart.
Hmmmm...... but the problem is, he's too young for me.
Pano na ba to? Iisipin ko pa ba yung sasabihin ng ibang tao or family ko kapalit ng happiness ko? Or wag ko munang isipin kasi nagsisimula pa lang naman ako di ba.

I met this guy before the year ends..
Mabait naman siya... (pag tulog siguro)
ah.. malambing atska mapagbigay
I shouldn't be writing this.
Ewan ko.. basta, parang kinikilig ako...
Parang gusto ko siyang isulat pero parang pointless..
Para kasing di mawala sa isip ko yung ginawa nya kanina.
He bought a suncell sim para makapag usap kami ng matagal sa fon..
I don't know, pero naappreciate ko yon.

Ewan ko.. basta... parang......
Hay...... Bahala na nga muna.

Ngayon ko lang naramdaman ulit...
antagal ko palang di nagkagusto sa iba.
Sana tuloy-tuloy na to.

Feb 5, 2005

Lubayan mo ko Pllllssssssssssssss!!!!

Stressful ang week na to.
Until now, may virus pa din ang mga pc ko.
3 days akong di dinalaw ng technician ko,
kaya nagtitiis na lang ako na etong server lang ang may internet.

Masyado akong namomoblema.
Natatakot ako na baka maglipatan na yung mga customers ko...
Masira nung virus yung hard drive ng mga pc
Hay!!!! Gusto ko naman ng peace of mind.

Kanina, dumating yung technician ko ng maaga.
Salamat naman..... Kaso malas talaga ata tong week na to.
Around 4pm, inumpisahan nyang ireformat yung 3 pc.
Natapos siya around 7 or 8, installation lang ng mga internet games and anti virus ang nalagay sa tatlo.
Meron kaming software na nag-co-copy ng hard disk to hard disk,
kaya alam namin na matatapos kami ng maaga don sa 6 pa na natitira
Installation na lang ng mga games ang gagawin namin
Pinaghiwalay namin in 2 different hubs yung mga pc na infected at yung hindi..
by the way, I have to hubs...
Kaso, ewan ko ba kung anong naiisip nitong si Ian (technician ko)
kasi kinabit nya yung server don sa hub ng infected na pc.
Hinahanap daw kasi nya yung connection ng bawat isa...
Ayon, sa awa ni batman... yung server and 3 pc... nahawa ulit.
Ano pahhhh!!!!! Balik ulit kami sa simula!!!!!

Buti na lang gumawa kami ng back up nitong server sa drive image just in case na mavirus ulit..
whew!!
pero
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! ulit
Maagang umuwi si Ian kasi parang may tsunami daw sa loob ng tiyan nya..
at nag aafter shock pa.

Actually, madami pa kong dapat gawin ngayon...
mag iinstall pa ko ng games don sa mga infected pc's.
Pero..... gusto ko naman ng konting time para sa sarili ko.
Sana tuparin ni Ian yung promise nyang babalik siya mamya ng maaga...
kasi nakakahiya na sa mga customers ko :(

For the whole week, maswerte na yung umabot ako ng 5 hrs na tulog.
Feeling haggard na ko..
Minsan, pag napapasandal ako sa upuan or habang naglalaro...
napapapikit na ang mata ko sa antok.
Kanina, naka-idlip pa ko ng mga 10 minutes nung napanood ako ng tv.
Buti na lang kakasimula pa lang nung mga customers kong maglaro.
Hay!!! Hirap buhay!!!
Sana makahanap na ko ng assistant...

o kaya.....


Hanapan nyo ko ng TRIPLE M!!!!!!!!!!
para di na ko magta-trabaho...

MMM
Mapoging Mayaman na Madaling mamatay!!!!!!!!



Jan 30, 2005

Virus' Week

Medyo malas ata ko this week.
Last sunday, may nakasingit na virus sa download ng sister ko. Punyemas na virus yan, walang awa. Tuesday, I lost the connection of dsl on my server dahil sa virus... Thursday, lahat infected. I wonder what happened to my anti-virus, na-virus na din ata. Oh well, lahat kami natatawa pag naiisip namin na ganon na nga yung nangyari... but on the other side, nakakabwisit. Sira ang internet and gunbound life ko. huhuhu!! Pati negosyo apektado!!
Nak ng pating! kung kelan naman naka-dsl na ko saka pa nangyari to. Napunta pa ko kila Chris para lang maki-internet.

Last night, inayos na nung technician ko tong server pero isolated siya. Di muna namin sinama sa network. May co-server naman ako kaya ok lang. Sana mamya magawa na namin yung 9 para wala ng problema bukas. Kaso ang malaking problema, wala na din akong kasama dito sa shop. Hay pano na ba to? 5 am na kami natapos kanina.. gusto ko din naman matulog noh..

He's still texting/calling me.. Syempre, sinasagot ko na din. Kinakausap ko na din siya pero nandon na yung distance. Kasi dati ang nasa isip ko, kaya kong mag-move on kahit nandyan siya eh.. Ngayon, kelangan na talagang mag-pursige kundi pupulutin ako sa kangkungan. Nyemas!! Malapit na pala kong mag-28

Kelangan ko na bang i-career ang lovelife ko?
Ayaw ko muna... bwahahaha!!