Watched "the prince and me" and "Kill Bill 2"... Actually, nagbayad lang ako ng bill para sa internet kanina at napadaan sa movie haws. Since libre naman si Owen, umuwi lang ako sandali para pakiusapan siya na siya na muna ang bantay. Buti ala pa siyang work. :)
Though napaka-predictable ang story ng The prince and me, na-appreciate ko pa din.. at syempre kinilig ng husto. It's been a while I haven't watch a movie like this. Puro kasi action and horror ang napapanood ko. And syempre, iniiwasan ko yung mushy love stories kasi baka mas lumala ang nagmemend kong broken heart.. corny!
Medyo relaxing yung first movie, nafi-feel kong marelax yung upper back ko habang finifeel ko yung upuan, natapos na lahat-lahat, parang di narerelax yung likod ko. Ewan ko ba.. basta, parang ngawit pa din siya kahit don sa Kill Bill. Ano na naman kaya to?
At yon na nga, nasaling na naman ako. Hay! Napaiyak pa ako sa sinehan (don na sa Kill Bill), paglabas ko kasi sa sinehan, nakita ko yung friend namin ni Bullit. Yung pinaka-close ko na ka-officemate nya with her boyfriend. They have been a good friend of ours, minsan double date pa kami ng mga yon. Our friend told me that he's still wearing our ring. Naki-oo na lang ako kasi nakita ko din 2 weeks ago. She commented, "Ang labo nya. Ano bang takbo ng isip non." Hay! aba! ewan ko sa kanya! Lingon pa ng lingon ang bruha kasi baka daw tinatago ko lang yung ka-date ko. hahaha!!! Di siya makapaniwala na mag-isa lang akong nanonood ng sine.
At yon na nga, habang nanonood ng Kill Bill, panay ang tulo ng luha ko. I can't imagine myself watching a movie all alone again. It's lonely without someone to be with. Sometimes, before I fall asleep, I'm thinking na para saan ba tong pinag-gagawa ko. Para lang ba sa sarili ko? I dream of this shop because of him. Ngayong nandito na to, saka naman siya nawala. Ironic. You gain some... you lose some.
There's a saying...
You can't have it all baby..
Ok.. now, I'm talking to my hand
I was reading "bakit baligtad magbasa ang pilipino" by Bob Ong last night. Sadly, di ko na naapreciate to mas lalo na yung isa about Hudas. Yung green lang talaga ang nagustuhan ko. Naalala ko tuloy si Jeff, mas gusto ko pa ang humor nya, at tinext ko nga siya about it. Napuna ko lang, pag nagtext si Jeff, nagtetext din si Bullit. Sayang, yung kay Jeff lang ang nasagot ko ng di malayo sa oras. Busy kasi ako sa dl ko ng mp3 and Sims. Bukas pa daw ikakabit ang brace ko. Di daw dumating ang piyesa. Hay! Gusto ko man kainin lahat ng gusto ko bago ilagay yon eh.. parang ala akong gana. Kahit nung nanood ako kanina eh nagkasya na lang ako sa iced tea. 2 movies pa yon. Wala talaga akong ganang kumain ngayon.. kahapon lang feeling ko na ganon pero natulog ako na 12 hrs ng alang laman ang tiyan ko kundi tubig lang. Sa awa naman ni Batman, 1 pound ang nawala pag gising ko. :D
2 comments:
pag uwi ko, sasamahan kita lagi manood ng sine okish? :-)...d ba masakit brace mo?
sorry ngayon lang kita nadalaw, bukod sa tambak work ko, nag grabe sipon ko eh.
Medyo masakit na yung ngipin ko 'te, puro malambot na lang ang nakakain ko :(
oh siya.. basta, tsa-tsambahan na lang kita pag di ka busy. thanks 'te! Spiderman 3! nood tayo non :)
Post a Comment