1:30 pa lang, parang pagod na pagod na ako.
Siguro dahil ilang weeks na din na di kumpleto ang tulog ko.
Kung pangbawi sa mga 4 hrs na tulog ko nung mga nakaraang araw..
Naku! baka magbalanse pa ko.
Buti nilayasan na din ako ng ubo't sipon.. minsan, dinadalaw-dalaw ako.
Pero tinatapatan ko na agad ng ascorbic acid.
Medyo may naaninag na akong solusyon sa problema sa videocam.
Na-enlighten ako kahit papano sa advise ni Pogi. :)
Thanks Jeff! Mwah! ~~~ Yan ang di ko nasabi sa kanya kanina kasi na-lowbat ako.
Nung tinawagan ko ulit, nakatulog na ata ang nilukob ng ubo't sipon na si Pogi. :(
Kawawa naman, iba na ang boses kanina.
Parehas sila ni Ate Sups..
Nakokonsensya tuloy ako.. baka nahawa sila sa kin 2 weeks ago kasi ako ang malala non.
Medyo matao ngayon pero nakakasingit pa naman akong magblog. Pakonti-konti.. May mga bagong mukha na. Kahit wala pang signboard sa labas, medyo nakakatuwa ang spread of the mouth na advertisement. :)
Sana bago bumalik yung customer kong mag-ama eh nakaligo na sila.
Baka tumakbo yung mga customer ko pag naamoy ang pabango nila na napakasarap sa ilong, para ka na ding pumunta sa tambakan ng basura.
Wala ng tatalo pa sa baho nung 2 yon.
Kanina, kausap ko si Jeff sa ym... buti na lang di maayos ang webcam kundi.. makikita nya kung pano tumirintas ang noo ko habang katabi ko ang bata at di rin nya maririnig ang sinabi ko sa munting anghel na rumolyo ata sa pinaglinisan ng isda. (at habang tina-type ko to.. SPEAKING OF THE DEVIL! pumasok na ang bata without the erpats... at kakatapos ko lang makiusap na maligo muna siya at kinumbinsi sya na di tatakbo ang kontyuter ko. Sumunod naman. Hay salamat!).
No joke.. true story to.
Minsan ang pang-isang buwan kong pabango dito sa shop eh di na umaabot ng 2 linggo... at ang mga cologne at pabango ko, malapit na din akong bumili, minsan kasi wala silang kamalay-malay eh pinipisik ko ang pabango ko sa kanila para di naman ma-turn off ang papasok na customer.
Hay! Kalahati pa lang ang araw ko.. Pero feeling ko.. Pagod na pagod na ako! :(
at sa pang 3/4 ng araw ko, I received an unexpected --- errr.. expected call.. Hmmm.. Actually, I was expecting it last sat or sunday pa. It was a call from Jun. Routine na ata namin yon. I thought he'd received my email that's why he call, di pa pala. I haven't text him for a week kasi.. lam mo na.. napraning na naman ako. He asked me kung ba't di na daw ako nagtetext or tawag man lang.. Gusto ko man sabihin na nagkasakit na naman ako sa utak, eh di ko na tinuloy. Ayaw ko siyang bigyan ng problema pa. Bumili na naman si kumag ng BMW. hay! I'm happy for him, atleast kahit nacarnap yung honda nya eh nakabangon agad siya. :) Natutuwa ako sa kanya.. parang gusto ko tuloy siyang padalhan sa Hawaii ng libro ni Bob Ong.
No comments:
Post a Comment