May 26, 2004

2 Puppies in a Row

I keep on smiling this past few days.. magkakalyo na ata ang pisngi ko kakangiti. Siguro dahil sa kanya... dahil kay schat.. and my new puppy.. Achilles. Male naman ngayon, para di malungkot si schat. Actually, magkapatid sila. Naaawa kasi ako. Pusong mamon ata ako ngayon. If only panget is still alive, baka selos na selos yon at pinagkakagat ang mga "kapatid" nya. hahaha!

Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi. For the first time in my life, natulog ako na may kasamang aw aw sa kwarto. I just want to keep her in my sight pero dahil natrauma ako.. baka iwan ko na lang silang dalawa sa labas. Di kaya ng powers ko pag nag-iiyak na, mas lalo na ngayon.. dalawa na sila.

Ang lakas ko ngayon sa calls and text. Yari na naman ang bill ko nito. Tingin ko madami na ang pupunta sa eb sa makati. sana may makatulong ako ng pag-organize don kasi settled na ang recital. May mga bagong faces like Segova, Bengskie (try daw makasunod), orhtej, posh.. sino pa bang nakalimutan ko. Tinawagan ko pa kagabi si Osh.. my golly.. umaatikabong chikahan! It was the 2nd time I talked to her pero mas feel ko ngayon, coz yung 1st is eb namin with Tinik. Medyo shy ako.

Ano ba naman tong mga aw aw ko.. walang ginawa kundi matulog, pag nagising.. kakain.. tapos matutulog! Baboy na lang sana ang inalagaan ko. :D

Tumawag si Jun kanina.. I'm a bit suspicious on that call kasi ang gamit nya eh touch mobile?! Eh di nasa pinas na siya! pero di daw.. Siguro nga, roaming lang yung sim card nya. :( while talking to him, may nagtext.. pagbasa ko (after namin ibaba ang phone).. it was him, using his number in Hawaii. Siguro nga di nya ako dinedenggoy. Bigla ko tuloy siyang namiss. Maybe, I just want to see him. 4 years na din naman siyang wala.

Nakakatuwa si jeff kanina... nakakatuwa yung mga pics. :)
Buti medyo madaming customer nung nag-gabi na. Pero bokya ngayon. Medyo mahina pero ok lang.. bawi naman kami ng these past few days. Ok lang yon. Ganyan talaga ang negosyo.

No comments: