Chris was here yesterday.. we talked about our long range plan... Ok siya.
At this moment, wala sa isip ko ang mag bf or ano pa mang relationship. I'm happy and contented with my life right now. Syempre medyo galit ako kay Bullit.. siguro, isa na din yon sa mga stages na dadaanan ko para makapag let go ako. Actually, di ko na naiimagine na magbabalikan kami or papayag ako na bumalik siya sa buhay ko. Ayaw ko na. Pagod na ako. Ngayon ko narerealize kung gaano siya kabigat kasama sa buhay.
Grabe ang hirap na dinanas ko lately dito sa shop.. pero buti na lang at medyo ok na ngayon. Walang masyadong problema. I bought a new unit last week. Grabe! ubos na naman ang kaban ng kayamanan ni jhoanalyn palon! hahaha! Eto pang isa.. nakapangutang pa ako kay mama dahil bumili ako ng orig na software ng windows xp... hay dyosme! isang cd.. worth 6T!!! fonbill ko na yon sa globe ah!!
hay! cut pa din ang line ko sa globe.. my plan for this month is pay all of my bills at ibalik na yang sim card ni bullit sa kanya! mag-aapply na lang ako ng bagong line sa globe.
tumawag pala si bullit sa kin kagabi.. di ko na narinig yung ring.. nagtext pa siya.. until now eh di ko pa din sinasagot. why should i? wag na lang noh! pag ako nagtetext sa kanya (and kailangan ko ng agad-agarang reply dahil importante, he doesn't even waste any time on me..) so, bakit ko pa sasagutin ang text nya. Sabihin nya agad kung anong pakay nya pag magtetext siya para makuha nya ang attention ko pero kung yung simpleng "oist! panget! gising ka pa? " hay! wag na lang. malamang magyayaya lang siya. Antaray ng lola mo!! hahaha!
May pinag-usapan kami ni Chris.. 1 1/2 years ang timelimit namin.. I mean, 1 1/2 year naming aayusin ang buhay namin. After non.. pag ok pa din kami sa isa't-isa.. Baka magpapakasal na kami. Di naman sa kino-commit namin ang sarili sa isa't-isa pero 5 years na kaming magkakilala.. Ang dami na naming pinagdaanan. Ilang beses na kaming nadapa. Madami na kaming mistakes na ginawa sa buhay namin. Siguro kung aabot pa kami sa panahon na yon.. baka kami nga talaga. Sabi nya sa kin, bahala daw ako kung anong gusto kong gawin.. kung magbbf ako or mag-asawa na. Ang sa akin naman, parang nahihirapan ako. Mahirap makisama ulit. Di lang sa lalaki na gusto ako, siyempre, kasama na din doon yung panibagong pakikisama sa pamilya and kaibigan nya. Nakakapagod lang kasi. Atleast, kung si Chris.. di ko na kelangan mag-adjust kasi kilala and close din naman ako sa family nya. Halos buong family nya, kilala ako. I don't want to meddle with his problem right now.. kasi alam ko kung papasok ako sa buhay ni chris ngayon, madami ang masasaktan. Panahon lang naman ang makakapagsabi kung kami talaga sa isa't-isa eh. Di namin puedeng ipilit yung gusto namin ngayon. Madami pang oras... at hindi ako nagmamadali.
by the way, null and void ang kasal nila. It's been 3 months and until now, di pa din nila pinapasa yung documents ng kasal nila... at wala pa ding pirma ang magulang ng babae. hay! ewan ko ba. kahit si chris.. di maintindihan kung anong klaseng gulo ang pinasok nya. Bahala siya kung anong plano nya, basta nandito lang ako. Alam nya yon.. nandito lang ako.
No comments:
Post a Comment