May 18, 2004

Depensa of my life!! I love you tower defense!!

Tanghali na naman nagising kanina.. slept around 5 am, pano kasi nagbrownout around 3 :( di tuloy ako makatulog.

Ansaya last night, nakapag-download kami ng bagong map sa warcraft. Yon yung sinasabi nila sa kin na maganda eh.. buti nahanap namin. Inabot kami ng 3 am kaka-depensa. hehehe! ka-adik!! :D

Went to SM awhile ago, pinapalitan ko yung contact lens. Dyosme.. ako'y isang biktima :( Cashier pala yung nagcheck sa mata ko last week. Kaya nagtataka ako kung bat mas malabo ang left ko pag nakacontact ako. Bumalik na ako don nung pagkabili ko pa lang, ang sabi eh baka nag-aadjust lang ang mata ko. So, I gave them a chance and observe kung nag-aadjust nga. Dyosme! Walang pagbabago kaya bumalik ako to find out na mababa pala yung binigay sa kin grado. Di na ako nagreklamo pa or anything kasi classmate ko naman nung hs yung optometrist don. Pinalitan na lang nila. Tumaas na pala yung grado ng mata ko, nung last November lang ang last check up ko. Ganon kabilis. :( Bought 2 sandals.. isang black and red.. Same design. Hihihi!! ang cute eh. Pang daily use lang. Nung pauwi na ako, inabutna ako ng malakas na ulan kaya nag-internet muna ako. hahaha! lakas trip. I feel bored.. naglalaro kasi si Matly ng capcom, eh nandon ang mga friends nya kaya iniwan ko na lang. Bati kami ngayon ng panget na yan eh.. hehehe! Ayaw na kasing maglaro dati ng depensa, tapos kagabi nung pagkadownload.. yaya ng yaya. hehehe! Hay naku! kung ba't kasi nauna pa akong ipanganak! hahaha!! child abuse!!!

Ay naku.. ala na akong crush! (parang teenager pa din!) hahaha!!

Pahinga muna ineng.. nakakapagod yung pinanggalingan mo. :D

Depensa na naman mamaya! yehey!

No comments: